Aire's Pov
Hindi ko akalaing ganito ang bubungad sa akin. Masakit sobra dahil may mga tao talagang walang ibang ginawa kundi manakit ng kapwa at isa na ako doon. Nagsisi ako sobra sana nakinig ako kay Dion. Huhuhu ang sakit naiiyak ako, hinahanap kaya ako ni Dion? Hinahanap kaya ako ng mga magulang namin? May galit sila sa akin alam ko yun pero ginawa ko parin ang lahat para maibsan ng kaunti ang pagkamuhi nila sa akin. Hindi naman ako utouto para hindi maramdaman ang kanilang ipinahiwatig sa akin.
For now hindi ko alam kung saan ako pupunta siguro lalakbayin ko ang buong bayan ng lugar na ito baka naliligaw lamang ako gamit ang kapangyarihan ko. I can use this gold of mine mula sa mga luha ko pero kailangan ko pang mag aral sa history at sa buong lugar ng Zacharia at ang mga bayan nito.
Patuloy lamang ako sa paglalakad alam kong nasasaktan ko ang babae kanina na nagligtas sa akin hindi man lang ako nag thank you sa kaniya pati na sa kasamahan niya.
"Kainis naman to Dion miss ko na kayo ni ina at ama", nakatulala kong saad
Dion hinahanap mo ba ako? Saan kana miss na kita kunin mo na ako dito please huhuhu . Promise ko sayo na susundin ko na ang mga utos mo, hindi na ako sakit sa ulo. Kailangan ko mag aral para mahanap ang lupain ng Zacharia. Tama babalik ako doon sa paaralan na yun pero kailangan ko munang magkaroon ng tirahan. Pero paano? Wala akong alam dito sa lugar na to, Zaxion ba yun. Tama babalik ako doon hihihi
Hayys saan ba ako hahanap ng matitirhan masyadong malayo naman ang lugar na ito. Lumingon ako sa aking likuran alam ko kasing sinusundan ako ng babaeng yun baka nababaliw na yun. Tama gagamitin ko ang teleportation ko.
I tried to teleport pabalik sa gate ng Zaxion Academy ata yun dahil maraming estyudyante.
Laking gulat ko na nakabalik ako kasabay ng isang sigaw.
"Multo fvck!!", sigaw nito bago natumba
"Ang ganda ko naman para maging multo", I plainly said
"Shit!"
Narinig ko itong nagmura kaya dumiretso ako sa guardhouse. Wala naman masyadong magkaiba ang paaralan dito doon sa Zacharia pero ang mga pagkain nila ay magkaiba pero masarap naman. May dalawang supot akong ginto medyo makakatulong ito para mabuhay ako ng panandalian. This gold is not for sold kasi mula ito sa mga luha ko.
Imbes na magpatuloy ay umalis ako sa harap ng paaralan at naglakad lakad para makapaghanap ng matitirhan. I'm not into this , sa buong buhay ko ay hindi ko pa naranasan na maging independent siguro it's time to learn on how to be an independent individual. Hayys tanghaling tapat na masakit na sa balat ang sikat ng araw pero kaya ko pa naman. Kailangan ko lang talagang magkaroon ng panandaliang tirahan para sa lahat.
Mga isang oras akong naglalakad hanggang sa nakarating ako sa maraming kababayan , mga matayog at mataas na kabahayan. Maraming taong bumibili ng mga kakailanganin. Mga kagamitan na pamilyar sa aking mga mata, ganito din ang mga kagamitan sa palasyo.
Naglalakad ako kasabay sa mga taong naghahanap ng kailangan nilang bilhin. Pinalandas ko ang aking mga daliri sa magandang obra maestra. Naalala ko ang isang inukit mula sa batong crystal. Kagaya din nito ang ukit na iyon sayang hindi ko man lang nadala. Pagising ko wala si moo at wala din ang ukit na iyon.
"Hija nagustuhan mo ba? 5000 golds lang iyan hija tamang tama sa supot mong dala", nakangiting saad ng matandang lalaki
Nako hindi mo ako maluluko matanda ,pati ba naman sa lugar na ito ay may maluko rin pagdating sa paninda. Nakataas ang kilay kong tumingin sa kanya duhh as if bibilhin ko ito, ang mahal nito.
Sanay akong palangiti sa harap ng mga magulang ko pero mas nasanay ako sa paaralan na walang ginawa kundi magmukmok sa aralin. Kahit ni isa wala akong kaibigan sa paaralan namin doon siguro natatakot sa akin lalo na ang sungit ko at tipid sumagot. Boring akong kausap but this passed hours are unbelievable. Kailangan ko pa bang magpanggap na inosenteng bata? Kahit ang totoo hindi naman.
YOU ARE READING
UNKNOWN PRINCESS (Completed)
FantasiShe's Aubrey Lynn Zaxion, welcome for the beginning of her journey!
