Chapter 33

0 0 0
                                    

Denver's Pov

Humiga na dumiretso si Aubrey sa ginawa kong higaan niya. Tumayo na lamang ako at humiga sa kabilang bato.

"I'll stay , I'm tired, I need to rest. Promise hindi kapa nagising bukas ay makaalis na ako",saad ko na lamang habang pumikit

Wala na akong narinig na salita mula sa kanya kaya pumikit na lamang ako at natulog.

NAGISING ako sa kaluskos kaya iminulat ko ang mga mata ko. Nakita kong tulog pa si Aubrey kaya inilibot ko ang aking tingin. Laking gulat ko na may malaking lobo na nasa harapan ko. Maabong lubo, kulang nalang ay kakainin na niya ako sa lapit niya. Fvck may kapangyarihan ka bakit hindi mo gamiton Denver.

Akmang babatuhin ko siya ng ice spikes nang umatras ito at lumingo lingo na para bang ayaw niya akong gumawa ng ikakapahamak ko. Napamaang na lamang ako dahil sa gulat. He's a boy, his eyes was gold, yung makapal niyang balahibo ay makulay puti na may itim at pula. Isang hindi pangkaraniwang lobo.

Tumakbo ito palabas bago ko pa siya sugurin fvck. Dali dali akong nagluto at inihain ko sa lapag ng malaking bato ang kanin at tubig kasama ang adobong manok na ulam. Lumapit ako kay Aubrey at hinalikan ang kanyang noo bago naglaho. Dumiretso na ako sa dorm at naligo pagkatapos ay nagbihis. Dumiretso ako sa field at bumungad sa akin ang apat na konseho.

"Ikaw ba si Denver?",nakataas noong tanong ng isang konseho

Tumango na lamang ako bilang sagot. Ipinaliwanag nila ang gagawin, simple lang naman kaya hindi mahihirapan ang lahat. Nakarating na ang mga higher ranks kasama si Vienna na namamaga ang mga mata. Nagsimulang magbilugan ang lahat 1 meter apart. Sinimulan ang spell na ginawa ng mga konseho.

nǚshén hé wànwù zhī shén yī gè qiángdà de shǎonǚ wǒ xūyào nǐ shìfàng nǐ de lìliàng gěi wǒmen nǐ dútè de néngliàng wǒmen shì lái zhàohuàn nǐ de qǐng bāngzhù wǒmen chuàngjiàn de píngzhàng tā shì duì suǒyǒu rén de bǎohù tīng nǐ de mìnglìng

A spell chanted kaya sumunod kami at inulit ito kasabay ng malakas na hangin na dumadapo sa aming mga balat. Sinundan ito sa aming mga guro.

yī gè hēiàn wúfǎ jìnrù de píngzhàng yīdàn tāmen jiēchùdào zhàngài,tāmen jiù huì sǐqù chúliǎo xīndì shànliáng de hēiàn shēngwù

Paulit ulit namin itong sinasambit kasabay ng unti unting paghulma ng barrier sa buong academya ayun sa kagustuhan ng mga konseho. Tumayo ang lahat at nag ipon ng malaking energy ball para makabuo ng malaking barrier. Unti unti nakunan ng lakas ang lahat pero nanatili parin itong matatag. Kasabay ng pagtapos ng malaking barrier ay ang pagsuka ko ng dugo at sa aking mga kasamahang higher ranks.

Nagpasalamat kami sa mga guro at konseho. Kanya kanyang alis ang lahat at kanya kanyang gamot sa sarili. Kahit okay na ang lahat ,hindi parin mababago ang sitwasyon lalo na pag may natapos kang pagkakamali. Everyone are not in good condition. Patuloy parin sa pag eensayo ang lahat lalo na sa mga apat na nanalo sa jhs at shs. Higher ranks are busy on their own business.

Nagbihis ako ulit at kumain sa canteen. Gaya ng inaasahan ko ay maraming bulungan ang nangyari pero ipinagsawalangbahala ko na lamang ito. The blood moon will be the next next day. Dalawang araw na lamang ang aming paghahanda para sa digmaan dahil alam kong gabi sila susulong. Naglaho ako at bumalik sa bahay ni Aubrey na binili. Bumungad sa akin si Jaya at Jake kasama ang kapatid nilang si Jade at inang si Janissa. Alam ko ang mga pangalan nila dahil nag imbestiga ako.

"Let me in , I just need to tell you something", saad ko

Pinapasok ako nila at umupo kami sa sofa. Umalis ang kanilang nakakabatang kapatid at naiwan kaming apat.

UNKNOWN PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now