Aubrey's Pov
Dumiretso ako sa storm kingdom. Ginamit ko ang lakas ko para makapasok sa kaharian nila. Kitang kita ko ang dalawang babae. Malakas na babae dahil malimit lamang ang kawal na nandito. May dala silang metal at bumungad sa akin ang hari at reyna na nakaluhod sa kanilang harapan. Mga kawal na nakahandusay sa kalupaan. Tumatawa ang dalawang babae na para bang nagtagumpay sila sa kanilang hangarin. Lumapag ako sa lupa na nakalabas ang aking maitim na pakpak na nasa anyong tao.
"Napakaunfair naman kasi , lumaban ba naman kayo nang hindi patas", nanguumay na saad ko
"Well a dark princess", nakangiting saad ng dalaga
"I'm not", mariin na saad ko
"Your highness kailangan ka namin", nanguumay na tawa nito
"Shut up!", sigaw ko rito
Pumulupot sa katawan ko ang metal nilang dalawa. Isang latigong metal. Nararamdaman ko na naman na isang hamak na lamang ako na nilalang. Lumipad ang mga dagger sa akin. Tumutulo ang mga dugo ko. Hahaha mga hangal kung bakit niyo pa ako sinugatan.
"Bakit pumunta kapa dito Aubrey?", nanghihinang tanong ng Hari
"Hindi na ako magulat kung alam niyo ang napakagandang pangalan ko", nanguumay na ngiti ko
"Umalis kana wala kang mapapala dito", mahinang saad ng reyna
"I'm not Aubrey for nothing at hindi ako nabubuhay sa mundo para diktahan niyo ako", nakangiting saad ko
Humigpit ang latigo sa katawan ko na ikinasuka ko ng dugo. Napahalakhak na lamang ako na ikinainis ng dalawang dalaga. Ibinalibag nila ako at dumiretso ako sa puno ng kahoy. Napatawa ako ng malakas na ikinalakas lalo ng storm sa buong kingdom.
"Bakit niyo pa ako pinakawalan!?", natatawang sigaw ko
"Halimaw ka!",sigaw ng dalaga
"You've mistaken for letting me go!", humahalakhak na tawa ko
Bago pa sila makasagot sa sinabi ko ay lumipad na ang maraming kawal at naglabasang mga ugat sa kalupaan sa kalawakan. Sinaksak ko ang lahat ng kawal sa kanilang pulsuhan na ikinatawa ko. Napahalakhak ako dahil sa gulat na rumirehistro sa mukha ng dalawang dalaga. Umangat ang mga dugo mula sa katawan ko ang maging sandata ang mga ito. Pumaikot sa hangin ang sandata patungo sa kanila. Ginamit nila ang latigo para maiwasan ang iba pero nadaplisan parin ang kanilang katawan.
"Wala akong panahon sa laro ngayun dahil marami pang nangangailangan ng tulong ko", seryosong saad ko
Inilabas ko ang malagintong mga kadenang metal na matutulis ang bawat dulo nito at inatake sila bago pa sila makailag ay nag teleport na ako sa kanilang likuran at inilabas ang maitim na sandata at isang sandata mula kay Master. Lumipad sa hangin ang abong katawa nila. Pinakawalan ko ang Hari at reyna kasama na ang mga kawal at katulong. Ang mga mamamayan na nasa loob ng kaharian protektado ng barrier. Bago pa sila makapag pasalamat ay lumipad na ako sa aking anyong dragon.
Dumiretso ako sa lightning kingdom at bumungad sa akin ang makalat na kaharian. Mga mamamayan na nasa loob ng barrier at nakikipaglaban na Hari at reyna kasama ang kanilang mga kawal. Nagulat ako na nandito si light fvck. Lumapag ako sa kalayuan at nag anyong tao. Gumamit ako ng cloak para hindi nila ako makilala. Sumuong ako sa labanan, bawat madadaanan ko ay nagiging abo dahil sa apoy na ginamit ko. May lumilipad pa na mga sandata at nadaplisan ako pero wala akong pakialam. Nagpatuloy ako sa pag ikot sa gitna nang labanan. Kamukha ng dalawang babae ang bumungad sa akin ang mga babaeng nasa storm kingdom.
Nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sa akin. Akmang tatanggalin niya ang cloak ko na ikinalipad niya sa puno ng malaking kahoy. Sumugod sa akin ang babae dumiretso ang atake niya sa dibdib ko pero pa tumurok ang espada ay umilag ako at sinipaan ang mukha niya pero nahawakan niya ang paa ko at binalibag ako. Pumaikot ako sa ere at pabulsok na sinipa ang sikmura niya na ikinalipad niya. Hindi pa ako nakabawi nang umatake ang isang babae gamit ang espada kaya inilabas ko ang espada ko mula kay Master at sinalag ito. Sinipa ko ang paa niya na ikinaluhod niya. Napangisi ito kasabay nang maitim na mahika na inihagis niya sa dibdib ko.
YOU ARE READING
UNKNOWN PRINCESS (Completed)
FantasíaShe's Aubrey Lynn Zaxion, welcome for the beginning of her journey!
