Aire's Pov
Pumili ng silid si Jade , sabi niya sa baba na lamang sila ni Nanang dahil matanda na daw ito habang ako ay nasa pangalawang palapag. Tabi sila ng silid ni Nanang dahil gusto niyang protektahan ito kahit na nasa bagong bahay na sila. Hindi siya makapaniwala kanina na gusto kong kasama sila sa bahay na ito. Sabi niya sa akin na tanungin niya si Nanang kung papayag ba ito. I planned also to renovate the broken house nila para doon kami pupunta kapag gusto naming mamasyal. Umalis ako ng sikreto at iniwan si Jade habang pumili ito ng silid kanina para magpapalit ng pera na ginagamit sa bayang ito kapalit sa 50 golds ko bago bumalik sa kubo at nakita naming gising na si nanang.
"Saan kayo galing?", takang tanong nito habang nagluluto
"Sa bayan po naghahanap ako ng matitirhan", saad ko
"Nako salamat talaga hija ano pala pangalan mo?", tanong nito
"Aire po", nakangiting saad ko
"Ako si Janissa tawagin mo nalang ako kung ano ang gusto mong itawag sa akin", nakangiting saad nito
"Ina bubukod po tayo kung papayag ka po kasama si Ate Aire", umaasang tanong ni Jade
"Nako kang bata ka nakakahiya mula siya sa pamilyang maharlika hindi tayo pwede doon", malungkot na saad nito
"Nanang samahan niyo po ako doon pangako aalagaan ko po kayo", pangako ko sa kanila
"Pero hija nasa batas ito ng pamilya namin na bawal bumukod sa mayayaman na angkan ", malungkot na ngiting saad nito
"Wala na akong magulang rito nasa malayo sila isa lamang akong dayo", mapait na saad ko
Kumain kaming tatlo at salamat sa nakakataas na napapayag ko sila na bumukod sa akin. Nasasayangan kasi si nanang sa mga pananim nila. Buti nalang pumayag sila. I teleport them into the boutique at iniwan ko ang mga ginto sa bagong bahay na bili ko. Dala ko ang madaming pera kapalit sa ginto kanina. Pumili kami ng mga damit namin at naggrocery para makakain. Sabi nila na ang isang bayang ito lamang ang ginawa na mula sa mundo ng mga tao ang mga kagamitan. That's good dahil kagaya din ito sa mga sinusuot ko tuwing gagala ako sa bayan namin na ikinalito rin ng mga tao doon.
Pagkatapos naming bumili ng mga damit at nag grocery ay pinadeliver na namin sa bahay. Mga dapit hapon na kami natapos. Pumasok kami sa bahay kanya kanyang pasok sa aming kwarto. Naninibago pa sila pero sabi ko na makaadjust din kayo.
Naligo ako at nagbihis para pantulog. Nakatulog ako sa pagod.
NAGISING ako sa ingay sa labas. Ibinuka ko ang aking mga mata at madilim ang aking silid. Switch yun ang sabi ni Nana Alyana na may switch ang ilaw. Nasa ding ding daw iyon kaya tumayo ako at kinapa ang bawat sulok ng kwarto. Hanggang sa may isang maliit na parang nilagay talaga kaya pinupush ko iyon kasabay ng ilaw sa buong kwarto. Bumaba ako dahil sa ingay sa labas.
"Jade bilisan mo gisingin mo si Aire!", natarantang saad ni Nanang
Dali dali akong bumaba fvck anong nangyari. Kitang kita ko sa labas ang mga usok. Bago pa ako tawagin ni Jade ay kusa na akong nagtanong.
"Jade anong nangyari?", takang tanong ko
"Ate ang bayan na ito ay sinugod ng witch kingdom ", naiiyak nitong saad
"Bakit?", nagtatakang tanong ko
"May hinahanap sila sabi nila na isang babae na sisira sa buong bayan ng Zaxion", naiiyak nitong sagot
Niyakap ko na lamang ito para tumahan. Jusko ano na naman ba ito wala na ba talagang katapusang gulo ang makukuha ko?nakita kong nagmamadali si nanang na pumasok at ni lock ang pinto.
YOU ARE READING
UNKNOWN PRINCESS (Completed)
FantasyShe's Aubrey Lynn Zaxion, welcome for the beginning of her journey!