CHAPTER#13

332 17 0
                                    

~2hours later~

Ghino's POV

      Nasa labas kami ng kuwarto kung saan naka-admint si Anghelo,okay na naman yong kalagayan niya.Buti lang daw ay hindi sobrang lakas ng pagkakapalo kundi nagkataon na on comatose ang g*go.

Si Mj,nasa loob siya inaantay na magising si Anghelo.Hindi ko nga alam kung magjowa pa ba yon,ang pagkakaalam ko kasi ay nakipaghiwalay na si Mj pero ngayon nakikita na parang walang bisa yong pakikipaghiwalay.Mahahalata mo kasi na hanggang ngayon ay mahal pa din niya si ghelo,T*nga kasi ni ghelo nagloko pa.

“Tinawagan niyo na ba sila Tita anghelica?!"-pagbabasag ng katahimikan ni Fritz.

“Yeah,papunta na din sila pero sabi mauuna daw na dumating yong mga kapatid ni ghelo dito."-Sagot ni Lark.

Yup,may mga kapatid si Ghelo kaso lang hindi ito masyadong nagpapakita sa amin.More on busy schedule daw kasi ang mga ito ,lalo't sila ang pina-paasikaso ng mga magulang nila sa lahat ng negosyo na meron ang Tremor.

Tatlong beses ko lang yata sila nakita sa isang taon,sabi naman ni ghelo ganoon naman daw ang ate at kuya niya.Hindi masyadong nakikihalubilo sa mga tao.

“Okay ka lang ba Dev?!"- nag-aalalang tanong ni Wildren ng mapansin nakayuko si Dev.

“Yeah,sumakit lang yong ulo ko."-Sagot ni Dev habang nakayuko.

“Umuwi ka na muna kaya,kami na bahala dito "-may pagaalala din na wika ni Fritz .

“Siguro,kailangan ko na muna magpahinga."-pagsang-ayon nito sa sinabi ni Fritz.

“Ihahatid na kita!"-Sabat ni Lark,tumango na lamang si Dev.

Inalalayan ni Lark si Dev na maglakad,mahahalata mo din kasi na pagod na siya.Papaalis na sana sila ng biglang ....

“Where's Anghelo?!"-nagaalalang tanong ni Ate Vaxine,yes yong ate ni Anghelo.

“Nasa loob po ate!"-sagot ko rito.

Papasok na sana siya ng mapatingin kay Dev,yong pag-aalala na mukha ay napalitan ng gulat.

“D-dreevisha?!"-nauutal na tawag nito kay Dev,agad naman napatingin si Dev dito na may pagkunot sa noo .

“Excuse,I'm not Dreevisha.Im Dev!"-pagtatama nito.

“No, you're dreevisha !"-pamimilit nito Kay Dev.

“F*ck!"-mahinang mura ni Dev.

“Pwede ba miss,hindi nga ako si dreevisha.My name is Dev,not Dreevisha."-pagtatama ulit ni Dev.

“B-----"-Hindi na niya natuloy ng sumingit si kuya Symone.

“Dhea,stop it.Wag mo na ipilit!"-pagpapatigil ni kuya Symone Kay ate.

“Maauna na po kami!"-paalam ni Lark sa amin,tumango na lamang kami sa kanila.

Umalis na sila kaagad,halata mo din na any minute ay pwede na sumabog sa inis si Dev.Masakit na nga ang ulo may nangungulit pa.

“Pwede na kayo,umuwi.Kami na bahala kay Anghelo."-pagpapauwi ni Kuya Symone.

“Sigurado po kayo?!"-naninigurado tanong ni Fritz.

“Yes,salamat sa pagdala sa kapatid ko."-nakangiting pasasalamat ni ate Vaxine.

Ang ganda ni ate Vaxine,sa totoo lang crush ko na siya matagal na hehehehe.Kaso sa tingin ko wala na akong pag-asa sa kanya,lalo't bata pa ako.

“Sige po,ate.Mauuna na kami!"-paalam namin.

“Oo nga pala ate,nandyan po yong girlfriend ni ghelo sa loob."-dugtong ko pa bago kami tuluyang umalis,baka kasi magulat sila may babae sa loob eh.

The Long Lost Future Wife of the Mafia King (New version)Where stories live. Discover now