~Morning~
Dev's POV
Nasa hapag-kainan kami ng hacienda Dela Ruiz,hindi pa kami nakakapag-ayos ng mga sarili namin.May pasok kami mamaya pero isang sub lang naman,kung hindi naman kami makakaabot ay kakausapin ko nalang yong professor na naka-assign sa schedule.
Six in the morning gising na kami kahit na lahat na kami nagsitulog kagabi,si Shindee nandito na din kumakain.Bale ang naiwan na lamang dito sa hacienda ay si Gen, Fiance niya, Shindee ,MJ at ako.Mga kamag-anak,pamilya,kaibigan,kababata ni Gen nagsiuwian na kagabi pa lamang bale si Gen lang ang naiwan dito.May mata din kasi siya kagabi kaya hindi na siya pinauwi sa bahay nila,dito na muna sila nanatili.
Ngayon araw din ang alis namin,bale kakain na muna kami ng almusal at magaayos na din pagkatapos.Oo nga pala ginisa kagabi si Shindee dahil sa kasal na daw ito at hindi man lang sila inimbitahan.Natawa pa kami eh,dahil nagtatampo sila pero nagpaliwanag naman siya kung bakit siya nagpakasal agad.Nagulat pa nga ako sa naging sagot nito.
//FLASHBACK//
“Guys,I'm sorry kung hindi ko kayo naimbitahan sa kasal namin ng Asawa ko."-paunang salita ni Shindee.
“Ang totoo niyan pilit lang yong kasal namin,pinilit lang ako ng mama at papa niya na pakasalan siya.Mahal ko yong Asawa ko,siya?hindi niya ako literal na mahal,in short he just feel I love with me when he know that I'm pregnant sa unang anak namin.Doon niya pinakita at unti unti niya akong minahal to the point na sobrang maalaga,mapagmahal siya Asawa at ama sa amin ng anak ko"- mahabang paliwanag nito sa amin.
Tapos nagumpisa na ulit na magbulungan.
“Bakit pumayag ka na makasal kung hindi ka naman pala niya mahal nung una?!"
“Oo nga,siguro ako na may ginawa pa siya baka ka pa niya mahalin."
“Sinaktan ka ba niya,Dee?!"
“Dapat sa susunod na pagkikita natin ay makilala ko na siya ah!"
“Grabe yong kuwento mo,Dee."
“Oo nga hindi ako mapaniwala!"
“Kayo kasi nagtampo pa !"
“Bakit kami lang ba yon,ikaw din kaya."
“Tskk,tumahimik na nga kayo!"
“Pero congrats,Dee."
“Oo nga congrats!!"
“Congrats,Ate!"
“You deserve that kind of family!"
“Sana habang buhay na kayo magsama at maging masaya din!"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ipagtanggol si Dee pero at the end,I still smiled for what they said.Tao lang naman din tayo at alam natin na kapag sa love gagawin mo talaga lahat kahit na para ka ng Tanga na umaasa sa wala.
//END OF FLASHBACK//
Yon ang nangyari sa pangigisa nila kay Shindee,uuwi na din siya kasi kagabi habang nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan ay tumawag ang anak niya hinahanap na siya nito.Kaya naman kailangan niya na talaga makaalis maya maya,magka-iba din kasi ang flight namin .
Tumuon naman ako sa magfiance na sila Gen at Tiemus na masayang kumakain
“Tiemus!"-Pagtawag pansin ko na siyang nakakuha ng atensyon ng mga kasama namin.
“Yes,Dev?!"-nakangiting tugon nito.
“Ikaw na bahala sa bestfriend ko,kapag sinaktan mo siya kami makakalaban mo."-banat ko sa kanya.
YOU ARE READING
The Long Lost Future Wife of the Mafia King (New version)
Fanfiction"Hanapin niyo kahit saang lupalop si risen,kapag hindi niyo siya nahanap...Kayo ang ihahatid ko sa huling hantungan!"-Azer Heromina ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Paano kung sa itinagal ng panahon ay hindi mo pa din nahahanap ang itinakda sa iyo o...