CHAPTER 2

81 1 0
                                    

Nang makapasok sa loob ay malakas na ingay ang bumungad sa kanilang dalawa ni Mark. Napahawak s'ya sa braso ng lalaki dahil madaming tao ang palabas habang papasok naman silang dalawa.

"Are you okay?" Tanong sakanya ni Mark.

Kaagad naman s'yang tumayo at yumakap sa likod nito "I'm fine, medyo naiingayan lang ako"

Mahina namang pinitik ni Mark ang noo n'ya. Hindi naman iyon malapad pero wiling wili na pitikin iyon ng lalaki.

"Masanay kana sa gantong lugar. Artist ka at madami lang makakasalamuha na tao." Hinawakan ng lalaki ang kamay n'ya at sabay hali papalapit sakanya.

Hindi n'ya maiwasang napangiti dahil napaka gentleman talaga nito pag dating sakanya. Habang papunta sila sa dance floor ay iniiwas s'ya ng lalaki sa mga taong pwedeng makabanga n'ya.

Dalawang oras din ang tinagal ng pag sasayaw nilang dalawa. He hold his waist.

Kahit na ilang oras pa ang itagal nila sa pag sasayaw ay ayos lang sakanya basta ni Mark ang kasama n'ya. Hindi n'ya maipaliwanag sa mundo at sa lahat ng tao kung gaano nahulog ang puso n'ya sa lalaki. Tanging ito lang ang kaya s'yang pasalitain ng mahaba, matagal at comportable s'ya.

Alam n'yang hindi na makakaahon sa pagka gusto ang nararamdaman n'ya sa lalaki, natatakot s'ya na baka isang araw ay magising s'ya at mahal na mahal na nang puso n'ya si Mark.

"Congratulations, sorry kung hindi kita nabati sa first ever award mo." Napangiti s'ya at hinawakan ang pisnge ng lalaki.

"Ayos lang, alam ko naman na marami kang ginagawa kaya ayos lang sakin" He said and hugged him.

Mag kayakap silang sumasabay sa tugtog ng musika, kabisado ng batawan nila ang bawat galaw ng isa't isa at sinasabayan ito.

"You're good at dancing" He chucked,

Alam ni Yael na pulang pula na ang mukha n'ya at hindi s'ya ngayon makaharap sa lalaki "Stop looking at me"

Mahina lang itong natawa at niyakap pa s'ya lalo "I'm..." Huminga ito ng malalim at hinalikan ang gilid no noo n'ya "... in love with my best friend"

Huminto s'ya sa pag sayaw, pakiramdam n'ya ay mayroong sumasaksak sa puso n'ya nang katotohanang wala s'yang pag asa sa lalaki.

"Kanino?" Tanong n'ya.

Kahit na malakas ang tugtog ay alam n'yang narinig iyon ni Mark.

Natawa lang ang lalaki at hinalikan ulit ang gilid ng noo n'ya pababa sa ilong nya. He froze, napatingin s'ya sa lalaki na nakangisi ngayon sa harap nya.

"Bakit moko hinalikan?" Imbis na sumagot ay kinuha nito ang red wine na nasa gilid lang ng lamesa nila. In-order nila ito kanina bago sila tumayo sa dance floor at mag sasayaw.

Lumapit si Mark sakanya at inalok s'ya ng red wine. "Here"

Kaagad naman s'yang napailing "I don't drink" Pag sasabi n'ya nang totoo.

Kinuha naman ni Mark ang kamay n'ya at nilagay doon ang wine "Drink this, i-celebrate natin ang first ever award mo."

Umasim kaagad ang mukha n'ya. Hindi talaga s'ya dapat nag pupupunta sa gantong lugar dahil dala lang ito ng tukso.

Inilapit n'ya ang mukha sa red wine at inamoy muna ito. Nakahinga s'ya ng maluwag nang hindi naman mapait ang amoy nito. Amoy strawberry juice kaya natukso s'yang inumin ito. Nilagok n'ya ang isang baso at dahil don umikot ang paningin nya. Napahawak s'ya sa tiyan n'ya ng uminit ito.

Napahawak s'ya sa ulo at nawalan ng balanse, buti nalang ay may malambot na katawan na yumakap sakanya patalikod "Shit, are you okay?" Nag aalalang boses ni Mark ang bumalot sa pandinig n'ya. Napangiti s'ya.

A sin of love (DANGEROUS MAN SERIES#2) (COMPLETE) Where stories live. Discover now