GALIT na galit na binalingan ni Vlademir si Lexus. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa paliwanag nito. "Believe me, wala pa kaming lead sa nangyari sayo at kung sinong may gumawa niyan sayo."
"F-ck!" He c-ss again. Nandito naman sila sa office ni Kiano sa hospital kaya kahit anong sigaw niya hindi siya maririnig ni Yael. "Ako na ang hahanap kung sino ang may gawa sakin non." Nag tatagis bagang na saad niya.
Mabilis namang tumutol si Lexus, "Hindi pwede. Alam nila na nasa Turkey ka." Tumayo ito at sinara ang binta na nasa gilid lang nito bago tumingin sakanya "If they find out that your here in the Philippine. You will d-e, at hindi lang ikaw, idadamay mo pa si Yael."
Inis na ginulo niya ang buhok. "Hindi pwedeng umupo lang ako at walang gawin."
"Si Dark na ang bahala sa lahat, umuwi ka nalang sa Turkey ngayon, doon ligtas ka."
Umiling siya. "Hindi ako pwedeng umalis nang hindi kasama si Yael." He can't. Hindi niya kayang mabuhay nanaman nang sampong taon na wala ito sa tabi niya.
Sampong taon siyang nawalay dito, at ito ang pag kakataon niyang makasama ang lalaki, Hinding hindi siya uuwi ng Turkey kung hindi ito kasama.
"Agape is alive?" Walang buhay na saad ni Kiano, may dala na itong coffee para sa kanilang tatlo. Nilapag niya ito sa mesa at umupo naman ito sa tabi niya. "It can't be."
"I think his alive." Saad niya.
Si Agape lang naman ang kilala niyang gagawa nito sakanya, ito ang pinaka mahirap nilang nakalaban, ang akala niya ay nap-tay na niya ito 5 years ago, pero ngayon. Nakakasiguro siyang buhay pa ito.
"Paano kung si Asage ang gumawa nito sayo." Lexus uttered.
Mas lalong naikuyom niya ang kamao, malaki ang galit niya kay Asage kaisa sa kakambal nitong si Agape.
Bumalik lahat nang sakit na nararamdaman niya, si Asage ang p-matay sa kapatid niya. Bata palang siya ay nakita niya ang pag hihirap nang ina niya nang dahil sa hindi nakakuha nang hustisya sa pag kawala nang kapatid niya.
Tinakbuhan nito ang responsibilidad niyang panagutan ang pag kawala nang kapatid niya. It was hit and run, Nang dahil sa connections nito sa mataas na estado sa bansang pilipinas, naka laya ito at natakasan ang kasong ipaparusa dapat sakanya. At ang tatay naman niya ay walang magawa dito, kaya galit na galit siya kay Asage. Kung buhay pa ito, pahihirapan niya ito hangang sa mam-tay.
"I prepare him to stay away from me, kung buhay siya, huwag na huwag siyang mag papakita sakin, kahit saang sulok pa siya mag tago, hahanapin ko siya."
"F-ck, paano kung malaman niya ang kay Yael, at isunod niya ito." Saad naman ni Kiano.
Mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman niya ngayon. Kaya nga hindi siya pwedeng umuwi sa Turkey nang mag isa dahil papaano si Yael. "That's why I'll stay here. Saka na ako uuwi sa Turkey kapag kasama ko siya." Hindi niya pwedeng iwan ito nang nag isa sa pilipinas.
Inayos naman ni Kiano ang salamin nito bago humarap sakanya. "May meeting tayong mga head bukas," Saad nito habang nakatingin sa phone nito.
"Meeting for what?" Tanong niya dito.
"Let's vote, papalitan na natin ang head since nag ka pamilya na si Theron Louderick Dickcova. Kailangan na siyang palitan." Si Lexus naman ang sumagot sa tanong niya.
Hindi pa niya nakikita si Theron, pero malaki ang respeto niya dito dahil sa maayos na pagpapatakbo nang organisasyon.
"Ganon ba talaga kapag nag kaasawa't anak na." Pilyong ngumisi si Kiano. "I can't imagine the head being clingy to his beloved wife."
YOU ARE READING
A sin of love (DANGEROUS MAN SERIES#2) (COMPLETE)
RomanceThis is a boys love story, It's related to men-to-men relastionship or even a certified homophobic, you better to leave peacefully.