Hindi makapaniwala na nilibot ni Yael ang kabuunan ng penthouse nito. Nag paalam si Vlademir na may meeting with Mr. Baltazar kaya nandito siya sa loob dahil hindi siya pinayagan na lumabas ni Vlademir dahil matatagalan daw ito sa meeting dahil importanteng kliyente si Mr. Baltazar.
At dahil wala naman siyang magawa ay nilibot nalang niya ang kabuunan nito. Isa isa din niyang tinignan ang iba't ibang wines na naka display sa counter ng mini bar.
Kinuha niya ang Ram at tinignan nito. Hindi niya gusto ang lasa ng Ram kaya nilapag niya ulit ito sa counter.
Inisa isa niya ang mga wine doon at huminto siya sa isang hindi pamilyar sakanya. "Moet and Chandon." Basa niya dito. "Rose game of sed*ction." Kumunot ang nuo niya at kinuha ito.
Curiosity consumed him to drink it. Ngayon palang niya ito nakita ang hindi talaga pamilyar sakanya.
Kukuha na sana siya ng shot glass ng marinig niya ang mag ingay ang phone ni Vlademir. Iniwan niya ito sa lamesa dahil hindi naman daw nito kakailanganin sa meeting niya with Mr. Baltazar.
Dali dali niyang kinuha ang phone nito at tinignan kung sino ang tumawag.
Turkish ang pag language kakasulat nang pangalan ng tumawag. Ilang mimuto pa itong nag ring at hindi niya sinagot. Hindi naman niya kilala ang tumawag. Ayaw niyang paki-alaman ito dahil baka importante ang tumawag at masira pa ang business ni Vlad.
Nang tumigil na ito sa pang riring kinuha niya ito at nilapag sa bed side table.
Hindi sinasadyang nabuksan niya ito at walang password. His wallpaper. 𝘐𝘵'𝘴 𝘮𝘦. Gulat na tinigtigan niya ang picture niya na nasa malayo siya. Stolen shot ang picture dahil hindi naman siya nakatingin at naka pose. Ito din iyung araw na nag celebrate sila ng ina ni Vlademir dahil nanalo siya sa contest. Ito rin yung araw na nakatangap siya V pendant necklace.
"What is this?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa kawalan.
It can't be. Hindi ito pwedeng nandon sa Pilipinas nung araw na iyon. Dahil malinaw naman sakanya noon na nasa Turkey ito at galit pa si Vlademir noon sakanya.
Napahawak siya sa V pendant na nasa suot suot niya. All this time, akala niya buhay pa ang ina niya. Akala niya ito ang nag bibigay ng mga regalong natatangap niya tuwing mag special day. But he's happy. Masaya siya na hindi naman galit sakanya si Vlademir. Masaya siya na kahit nasa malayo siya ay inaalala siya nito.
"He loves me." Pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisnge niya. "Oh Vlad, it can't be happened."
Akala niya ay galit sakanya si Vlademir. Nalulungkot siya dahil pinag dudahan niya ito at iniwan.
Kaagad siyang napatayo ng may pumasok sa loob. Napatitig siya sa maamong mukha ng lalaki na nakatayo ngayon sa harap niya. His black deep eyes, high bridges nose and natural red lips. Ito ang lalaking pumasok kanina sa kwarto na inuukupa nila ni Vlademir kaninang umaga. Hindi niya masyadong napansin ang mukha nito dahil hindi siya makatingin ng tuwid dito.
"Hi." Wala sa sariling saad niya. Hindi niya alam kung anong ekspresyon ng lalaki sakanya. Hindi niya mabasa ang emosyon sa mukha nito habang nakatingin sakanya.
He smiled at him. "Hi Yael, I'm Dark." Lumapit ito sakanya at nilahad ang palad nito sa harap niya.
He smiled at him back. "H-hi," Nauutal na saad niya dito.
Sasabihin na sana niya ang dahilan kung bakit wala si Vlademir dito ng sunod sunod na lumabas mula sa elevator ang apat na kalalakihan.
"F-ck, sabi sainyo na sumabay nalang tayo kay Lexus umuwi ng Pilipinas." Ani ng lalaking may dalang dalawang bagahe.
YOU ARE READING
A sin of love (DANGEROUS MAN SERIES#2) (COMPLETE)
RomanceThis is a boys love story, It's related to men-to-men relastionship or even a certified homophobic, you better to leave peacefully.