" Dito nalang iyan."
Utos ni Ivor sa mga staff habang naghahanda na para sa awards night mamaya.
" Handa na ba ang lahat ng damit nila mamaya?" Tanong ni Ivor na mga staff namin. Tumango naman sila sa kay Ivor habang inaayos ang mga damit para mamaya.
Ito nanaman ang isang gabi na kakabahan nanaman kami kung makakakuha ba kami ng award o hindi.
" Yes! We're here my friend na galing ng Paris, France! Pasalubong?" Sinalubong nila akong apat ng yakap, halos hindi ako nakahinga nang sabay sabay silang dumagan sa akin.
Kumusilap ako.
" Wala akong pasalubong." Iyon lang ang sinabi ko pero umalis sila kaagad sa harapan ko.
Tumawa ako.
" Nasa sasakyan." Sambit ko. Nagulat pa ang mga staff nang mag-ingay sila sa kung nasaan kaming kwarto ngayon para mamaya sa awards night. Napatawa na rin ako sa ginawa nila.
Medyo malapit na ang awards night kaya nagsimula na silang ayusan kami, matagal kaming ayusan kaya inumpisahan na kaagad dahil magpapalit pa kami mamaya ng mga attire namin para sa awarding. Balita ko ay nasa awarding daw ang New Gems at nadaanan ko kanina ang kwarto kung nasaan sila nagi-stay ngayon.
" Sinong katabi nila mamaya sa upuan for awarding?" Dinig kong pakikipag-usap ni Ivor sa telepono.
" Ay, New Gems? Sige, salamat."
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya nang marinig ko ang sinabi ni Ivor. Makakatabi namin ang New Gems mamaya?
" New Gems? Bagong grupo ba iyan? Bakit saatin itatabi?" Tanong ni Kyle kay Ivor.
" Sikat sila. Hindi lang kayo aware. Sumikat sila sa ibang bansa pero nakakuha sila ng entertainment dito sa atin kaya dito na sila sa industry natin makakasama." Tumango ako sa sinabi ni Ivor. Kaya pala, iba din ang lahi nila at kulay din nila. Galing pala sila sa isang bansa.
Uminom ako ng tubig na nasa harapan ng lamesa ko.
" Saang entertainment sila?" Tanong ni Cody.
" Entertainment natin." Sabay sabay kaming napatayo sa sinabi ni Ivor. Nagulo gulo ang make up namin dahil doon.
Biglang tumawa si Ivor sa naging reaksiyon naming pito.
" Joke lang." Binato ni Alex si Ivor ng unan na hawak hawak niya habang nakaupo.
Napailing nalang ako sa sinabi niya at saka bumalik sa upuan para magpa-ayos ng mukha ko. Nagulat ako sa sinabi niya, akala ko talaga ay magkakasama na kami sa iisang building. Sayang.
" Nagulat ako, huwag mong uulitin 'yon." Banta ni Brian.
Umiling si Ivor.
" Hinding hindi ko kayo ipagpapalit, boys."
*
" The arrival of the biggest boyband group–BTS!"
Naglakad kaming pito sa red carpet habang kumakaway at bumabati sa mga tao sa labas. Sabay sabay kaming lumabas sa sasakyan namin kanina. Ang daming camera at media ang sumalubong sa amin na ikinagulat ko. Iba pa ang media na nasa loob ng venue mamaya.
" Please welcome, the arrival of New Gems!" Napatingin ako sa sasakyan na kakabukas lang at bumaba doon ang mga members nila. Napatingin ako kaagad sa pinaka-huling lumabas ng sasakyan–si Shekina.
Napalunok ako nang makita siya. First time ko siyang nakitang nakasuot ng dress. Tapos mamaya magpeperform sila at magpapalit pa siya ng damit. Parang ang hassle naman.
" Tabi po kayo dito ng kaunti sa BTS!" Sigaw ng stage coordinator dito sa red carpet.
Nagpahuli ako sa ayos para alam ko kung saan pu-pwesto si Shekina, sakto namnan na sa dulo din ako pumwesto kaya naman magkatabi kami ng kaunti ngayon.
Ngumiti ako nang magtama ang mata naming dalawa. Kumaway siya sa akin at saka niya inilahad ang kamay niya sa akin bago magsalita.
" Hi. I'm a big fan of your group." Sabi niya habang nakayuko.
Ngumiti ako.
" I'm a fan of yours, also. Nice meeting you." Wala kaming pakialam kung nasa harapan kami ng media, basta ay nag-uusap lang kami habang patuloy ang flash ng camera ng mga medias.
Binitawan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. At saka ako naglakad at sumama na sa mga ka-grupo ko.
" Here's your sits, Sirs." Ani ng stage coordinator sa loob ng venue. Naupo na kami sa upuan na para sa amin, at saka kami bumati at kumaway sa mga Army's na nakapasok dito sa event. Dala dala nila ang mga lightstick nila habang isinisigaw ang mga pangalan namin.
Hindi kalayuan ay kita ko na ang New Gems habang naglalakad papasok sa venue. Kumakaway sila habang papasok at malalakas din ang sigaw ng mga fans nila sa kanila. Naupo si Shekina sa duluhang bahagi, kaya naman napag-isipan kong maupo doon ulit. Napansin kong kulang ata ang tuwalya na ipinangtatakip nila sa mga hita nila kaya naman kinuha ko ang sa akin at iniabot ko ito sa kaniya. Tumayo pa ako at yumuko bago ko ito iabot sa kaniya.
" Oh, you don't have too but thank you." Aniya na nakapagpa-ngiti sa akin.
" Ayos lang, Shekina?" Tanong ko sa pangalan niya at kunwari ay hindi ko alam.
Tumango siya.
" Yeah, Shekina. Thank you, Nathan."
Nagpalakpakan ang mga tao nang lumabas ang mga MC at nagsimulang magsalita sa harapan. Focus naman lahat ng idol na kasama namin habang hinihintay na matawag ang pangalan nila sa stage at makuha ang mga awards.
" This award goes to–BTS!" Naghiyawan ang mga tao nang tawagin ang pangalan ng grupo namin. Tumayo kami at naglakad sa harapan ng stage at kinuha ang award namin.
" Hello! First award down. Thank you Army's for making this possible. We love you and thank you for this." Nagpalakpakan din kaming members habang nasa stage. Sinenyasan kami na bumalik na sa upuan namin kaya sunod sunod na kaming bumalik.
" Okay! For the next award. Rising K-pop Group Awardee goes to–New Gems!" Dahil nasa gilid at katabi namin sila ay tumayo kami para palakpakan at batiin sila.
Masaya silang naglakad sa stage at saka sila nagsalita. Bilang isang group leader, si Shekina ang nagsalita sa harapan habang hawak hawak ang award na nakuha nila. Nang matapos ay bumalik na sila sa upuan nila. Nakatingin ako kay Shekina habang naglalakad siya, not until medyo nadulas si Shekina dahil sa damit niya.
Bigla bigla akong tumakbo para masalo siya kung tuluyan siyang bumagsak sa sahig.
" Be careful, Shekina.."
YOU ARE READING
His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6)
FanfictionThe Darkest Revelation of Nathan Aillard Monteclaro. Bilang isang Idol, hindi na ata uso ang lovelife para sa kanila. Pero para kay Nathan, gagawin niya ang lahat para hindi nila malaman ang isang rebelasyon na ikagugulo ng buong fans at ka-grupo n...