Chapter 20

0 0 0
                                    

" Ivor, ano bang nakukuha mong satisfaction kapag pilit mong pinaglalayo, ha?"

Hindi siya nakaimik sa sinabi ko, ngumisi lang siya at tinignan niya si Shekina. Inilagay ko naman si Shekina sa likuran ko.

" Hindi ba sinabi ko na sayo na–"

" Hindi ba sinabi ko rin sayo na kapag ako nagmahal, hindi ko pipigilan, Ivor? Pwede bang ako rin? Pwede bang hayaan mo rin kami? Kasi sawa na akong makita iyong ganitong scenario tuwing nagpapakilala kami ng mga taong mahal namin. Pwede ba?" Lumapit siya sa akin, at saka niya ako sinamaan ng tingin.

" Isa pang sabi ko, Nathan. Kapag 'yan, hindi pa kayo tumigil–" Pinutol ko siya.

" Ano? Aalisin mo ako sa grupo? Patatalsikin mo ako?" Matapang na tanong ko sa kaniya.

" Dalawa lang 'yan, Nathan. Hihiwalayan mo 'yan, o tatanggalin na kita sa grupo mo. Mamili ka. Si Shekina o ang buong grupo at pangalan niyo." Lumapit din ako sa kaniya at matapang kong sinalubong ang mga nanlilisik niyang mata.

" Dalawa din lang 'yan, Ivor. Hahayaan mo kami ni Shekina o kusa akong aalis sa grupong 'to. Sawang sawa na ako!" Umiwas siya ng tingin sa sinabi ko, kinuha niya ang gamit niya at saka siya tumingin ng masama sa aming dalawa bago siya nagsalita at umalis sa harapan namin.

" Mag-desisyon ka, Nathan. Bago ang concert, kailangan kong malaman ang sagot mo."

Ilang minutong nanahimik ang paligid nang makaalis si Ivor sa bahay. Pinakalma ko rin muna ang sarili ko bago ako humarap kay Shekina na nasa likuran ko pa rin hanggang ngayon.

" Baby–"

" Nathan, huwag mong isugal ang pinagsamahan niyo ng ka-grupo niyo at ang pangarap mo para lang sa akin. Ayos lang naman kung h-hindi talaga kaya e." Nakayuko siya habang umiiyak, magkasalikop din ang kamay niya.

Umiling ako.

" Susuko ka nalang nang ganoon, Shekina?" Tanong ko.

" Ayaw ko kasing mawalan ka ng pangarap at masira ang pangalan mo dahil lang sa akin, na wala namang magandang idinulot sayo at hindi naman–" Hinapit ko ang beywang niya at hinila siya palapit sa akin.

" Baby, I've been here for 13 years already. Kayang kaya kong talikuran lahat para sayo kasi ayaw kitang mawala sa akin at mahal na mahal kita. W-wala lang ba ako sayo? Hindi mo ba ako mahal kaya kaya mo akong bitawan nalang nang basta basta?" Umiling siya. Hinawakan niya ang kamay ko at saka siya tumingin sa mga mata ko, mugto na ang mata niya kakaiyak at namumula na rin iyon.

" Hindi, Nathan–"

" Mahal mo ba ako?" Tanong ko.

" Nathan–"

" Mahal mo ba ako, Shekina? Oo o hindi." Hindi pa rin siya nakasagot.

" Nathan, kasi–"

" Oo o hindi." Pag-uulit ko.

" O-oo. Mahal kita, Nathan. M-mahal na mahal na kita." Sagot niya na ikinapula ng pisngi ko. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at saka ko siya pinakatitigan.

" Aayusin nating dalawa 'to, mangako ka sa akin. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin natatapos ito nang magkasama. Dito ka lang sa tabi ko, hindi ka aalis. Pwede ba 'yon?" Malambing na tanong ko sa kaniya, tumango siya sa sinabi ko.

" Hmm, I'll stay with you, Nathan. Natatakot lang ako para sayo." Hinalikan ko ang noo niya.

" Hindi mo kailangang matakot. Wala kang dapat ikatakot kasi marami tayong kasama at kakampi dito, okay? Mahal na mahal kita, Shekina. Saakin ka lang." Hinawakan ko ang pisngi niya, at saka ko siya hinalikan sa labi niya. Sumagot naman siya sa halik ko, at saka niya isinabit ang mga kamay niya sa balikat ko.

Naglakad kaming dalawa paitaas at papunta sa kwarto ko. Isinandal ko siya sa likod ng pintuan ng kwarto ko nang makapasok kaming dalawa.

" Nathan.." Dinig ko ang mahina niyang daing nang makarating ang halik ko sa leeg niya.

" Please say that you love me, Shekina. I want to hear it." Utos ko sa kaniya. Ramdam kong hawak niya ang laylayan ng damit ko dahil sa kiliting nararamdaman niya dahil sa paghalik ko sa kaniya.

" I love you, Nathan. Mahal na mahal kita—ohh.." Napatawa ako ng mahina nang marinig ko ang daing niya. Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama ng kwarto ko, umibabaw ako sa kaniya.

" I love you." Hinalikan ko ang noo niya.

" Hindi kita iiwan." Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya.

Napangiti siya doon.

" Be my girlfriend, Shekina. Be mine." Namula ang pisngi niya sa sinabi ko, hinawakan niya ang mukha ko at saka niya ito pinaulanan ng halik, napapikit nalang ako sa ginawa niya.

" Girlfriend mo na ako, Nathan. Sayong sayo lang naman ako." Bulong niya sa tainga ko, tumango ako sa sinabi niya.

Tinanggal niya ang damit ko, at nahiga ako sa tabi niya nang walang damit pang-itaas. Kinumutan ko ang katawan naming dalawa at saka ako yumakap sa kaniya. This is the best feeling ever, iyong kahit na may mga problema kayong kakaharapin, parang wala lang sa inyo kasi alam niyo sa isa't isa na magkasama kayong haharapin ang mga pagsubok na iyon, kaya naman masayang masaya ako ngayon. Sobrang saya ko. Walang mapaglagyan ang saya ko ngayon sa puso ko.

" Ipapakilala kita sa designer ng damit ng mga asawa ng mga ka-grupo ka. Magpagawa ka ng sayo kasi ipapakilala kita sa concert. Sa unang araw ng concert." Sambit ko. Nagulat siya sa sinabi ko, pero kaagad din siyang tumango sa akin. Maya maya pa ay nakita kong tumulo nanaman ang luha sa mata niya.

Alam kong tears of joy iyon.

" Salamat, Nathan. Kasi pinaparamdam mo sakin kung ano ang pakiramdam ng may nagmamahal sayo at may makakasama ka habang buhay. Minsan naiisip kong hindi kita deserve kasi grabe iyong ipinaparamdam mo sakin at pakiramdam ko hindi ko iyon nasusuklian nang maayos." Ngumiti ako.

Pinunasan ko ang luha sa mata niya at saka ko hinalikan ang labi niya.

" Ngumiti ka lang sa akin at nalaman ko lang galing mismo sayo na mahal ko ako ay nabayaran na lahat at sobra sobra pa ang bayad mo sa akin, Shekina. At isa pa, hindi mo kailangang bumawi sa akin, kasi choice kong mahalin ka at iparamdam sayo lahat ng nararamdaman mo at mararamdama mo pa habang kasama ako." Niyakap niya ako.

" I love you, Nathan."

" You deserve me. Deserve mo rin ang apelyido ko."

His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6) Where stories live. Discover now