" Bro, nakauwi ka na pala."
Nahawakan ko ang dibdib ko sa gulat nang magsalita si Cody mula sa tabi ng ref sa kusina. Lumapit ako sa kaniya.
" Oo, umuwi ako kaagad para may kasama ka–"
" I'm proud of you, Bro." Natigilan ako sa sinabi ni Cody sa akin.
" Cody–"
" Nakita ko lahat ng hirap na pinagdaanan nang bawat isa sa inyo noong nagsisimula palang kayo sa mga babaeng gusto niyo. Sana mahanap ko na rin 'yung akin." Tinapik ko ang balikat niya at saka ko siya niyakap.
" Mahahanap at mahahanap mo 'yan, Cody. At sa oras na mahanap mo na siya, susuportahan ka naming lahat gaya ng ibinigay at ipinakita kong suporta sa aming anim hanggang sa simula." Ngumiti siya sa akin, uminom siya ng wine at binigyan niya rin ako kaya naman nag-cheers kami ng mga baso namin.
Bumalik kami sa kwarto namin nang matapos kaming mag-usap. Naglinis ako ng sarili ko, at saka ako nahiga sa kama ko. Binuksan ko lang ang TV kahit na hindi naman ako manunuod. Para may ingay lang sa kwarto ko.
Nathan: Gising ka pa ba?
Shekina: Yeah. Can you call?
Binuksan ko ang laptop ko at saka ko siya doon tinawagan. Nakahiga na rin siya nang masagot niya ang tawag ko. Kumaway pa siya sa akin kaya natawa ako.
" Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko sa kaniya.
" Hinihintay kitang tumawag."
" Shekina, handa ka bang harapin si Ivor at sa kung anong consequences na makukuha natin kapag umamin tayo sa mga tao?" Natigilan siya sa sinabi ko, hindi siya kaagad nakapag-salita sa sinabi ko. Maging ako din naman ay hindi ko rin alam ang gagawin ko pero go with the flow lang ako at gagawin ko ang best ko para maipaglaban namin ang pagmamahalan at relasiyon naming dalawa.
" N-natatakot ako, Nathan. Pero base sa sinabi ng mga kaibigan mo at asawa nila, nabawasan ng kaunti. Alam ko naman na hindi mo rin ako pababayaan kaya handa naman ako." Napangiti ako sa sagot niya. Hinding hindi ako magsasawang mahalin at alagaan si Shekina kapag tuluyan na siyang napasa-akin.
Shit. Hindi ako makapaghintay sa araw na iyon.
" Mahal na mahal kita, Shekina. Hindi kita pababayaan, kaya wala ka dapat ikabahala. Mamahalin kita at ipaglalaban kita hanggang sa mapasaakin ka, maliwanag?" Ngumiti at tumango siya sa sinabi ko.
" I'm sleepy na.." Aniya.
" I'm not there to kiss you goodnight, bukas nalang. Matulog ka na. I love you.."
*
" Army's! Let me hear you scream!"
Tumatawa na sumisigaw si Brian habang kunwari'y umaa-acting na nasa harapan na namin ang Army's. Halos mamatay kakatawa sina Timothy at Alex sa gilid na nakasalampak pa sa sahig ng stage habang pinanunuod si Brian na umarte sa harapan naming lahat. Todo rin ang sayaw niya at siya na rin ang kumanta ng buong kanta namin mag-isa.
" Malapit na raw matapos iyong mga damit. Ipapasukat daw saatin mamaya para mailagay na sa dressing room dito bukas o sa susunod na araw. Ready naman na daw lahat, pati mga dancers at buong team ay maayos na." Ani ng staff sa amin. Hindi na kami makapag-hintay na makapagperform ulit sa harapan ng maraming Army's. Ang tagal din simula noong hindi kami nakakanta at nakasayaw sa kanila kaya naman babawi kami ngayon.
" Tara na." Aya ko para makapag-practice ulit kaming lahat.
" Fire~!" Unang linya palang ng kanta ay nananayo na ang balahibo ko, iniisip ko palang na sumisigaw ang mga fans at sumasabay sa pagkanta namin habang nagcha-chant ay kinikilabutan na ako kaagad.
" I'm so sorry but it's fake love."
" Fake love."
" Fake love–"
" Fake love!"
" Fake love~!"
Pinagpapawisan na ako at tagaktak na rin ang pawis ng iba pero hindi namin pinansin iyon, sumayaw at kumanta pa rin kami at tawa parin kami nang tawa habang nasa stage. Nag-eenjoy lang kami sa ginagawa namin.
" We are bulletproof~"
Inasar pa namin si Cody kaya nahuli siyang umalis sa stage dahil akala niya sasayaw pa kami. Nang matapos kaming nag-practice ay doon na kami sa backstage nagpahinga dahil may electric fan at may pagkain at tubig doon.
" Tuloy ba ang practice natin bukas kasama ang New Gems?" Tanong ni Cody, pilyo naman kaming tumingin sa kaniya at saka namin siya pinagtulakan.
" Siguro may crush ka doon. Palagi mo nalang tinatanong kung may practice ba kasama sila e." Asar naman ni Theodore sa kaniya. Naiiling naman siyang naupo sa upuan niya at saka siya yumuko dahil sa pagod.
" Hindi, tinatanong ko lang. Issue kayo masyado." Tugon niya naman sa amin.
Kanina ko pa tinatawagan si Shekina pero hindi siya sumasagot. Baka busy siya kaya hindi na muna ako nangulit na tumawag sa kaniya. Magti-text naman iyon kapag wala na siyang ginagawa. Nag-aalala lang siguro ako masyado sa kaniya kaya kanina pa ako tawag nang tawag.
" Sir! Sir Nathan!" Kinabahan ako sa staff na mabilis ang karipas ng takbo palapit sa akin, maging ang mga kasama ko ay nagulat sa kaniya.
" Anong problema?" Tanong ko.
" Nasa bahay po si Ma'am Shekina kanina, naabutan po siya ni Sir Ivor doon, nag-uusap po sila ngayon doon." Agad na nanayo ang balahibo ko sa sinabi niya. Kaya ba hindi ko siya matawagan?
Anong ginagawa niya sa bahay ngayon?
" Bro–"
" Aalis na muna ako." Paalam ko. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko, at saka ako nagmaneho pauwi ng bahay namin.
Naabutan ko nga ang sasakyan ni Ivor na naka-park pa sa labas ng bahay namin. Nakabukas rin ang pintuan at nakayuko ang mga staff na naroon sa labas. Anong mayroon?
" Answer me, Shekina!" Rinig ko ang sigaw ni Ivor mula sa loob ng bahay. Nakatingin lang sa akin ang mga staff habang nakabusangot ang mga mukha nila.
Nag-park muna ako ng sasakyan ko bago ako pumasok sa loob ng bahay.
" Ivor! Sinong nagsabing pwede mo siyang sigawan ng ganiyan?!" Galit na sabi ko sa kaniya papalapit palang ako sa kanilang dalawa.
Ngumisi si Ivor sa sinabi ko.
" Bakit? Mahal mo ba si Shekina, Nathan? Mahal ka ba niya?"
YOU ARE READING
His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6)
FanfictionThe Darkest Revelation of Nathan Aillard Monteclaro. Bilang isang Idol, hindi na ata uso ang lovelife para sa kanila. Pero para kay Nathan, gagawin niya ang lahat para hindi nila malaman ang isang rebelasyon na ikagugulo ng buong fans at ka-grupo n...