" Are you okay?"
Alalang tanong ko kay Shekina nang lumapit siya sa akin at magtanong siya sa akin.
" Nasaan ang banyo dito?" Nahihiyang tanong niya.
" Ah, banyo. Malayo pa rito e. Samahan nalang kita." Sabi ko sa kaniya. Nahihiya siyang tumango sa akin, umalis kami sa grupo at saka kami naglakad papunta sa banyo ng building. Malayo kasi dito, kaya baka hindi niya masundan kapag sasabihin ko lang sa kaniya ang direksyon.
" Pasensiya ka na a. Sayo pa ako nagpasama. I-ikaw lang kasi ang kilala ko sa inyong pito." Aniya.
" Ayos lang." Maikling tugon ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin. Dalawa lang kaming naglalakad sa hallway kung nasaan ang daan papunta sa banyo, hindi ata nila kami napansin nang makaalis kami sa grupo nila kaya walang nakasunod sa amin.
Mabuti naman.
" Here. Dito lang ako sa labas. I'll wait for you." Sabi ko, tumango siya.
" Thanks."
Nakasandal ako sa gilid ng pintuan habang hinihintay ko siyang matapos sa loob. Nakatingin lang ako sa araw at sa tanawin mula dito sa itaas. Napangiti ako nang makita ang ganda ng view. Narinig kong kumatok na si Shekina mula sa loob kaya ako na ang nagbukas ng pintuan para sa kaniya.
" Tapos–"
"Oh, wow..." Hindi niya pinansin ang tanong ko nang makita niya ang tanawin na tinitignan ko rin kanina. Naglakad siya papalapit at manghang mangha siyang nakatingin doon, kaya inilabas ko ang telepono ko at kinuhanan ko siya ng litrato para makita niya mamaya ang reaksyon niya.
" Ang ganda.." Puri niya nanaman sa view.
" Mas maganda ka.." Bulong ko naman sa sarili ko. Hindi ko alam kung narinig niya pero nakangiti siya sa akin kaya naman nahihiya akong lumapit sa kaniya at sabay naming pinakatitigan ang magandang tanawin mula dito sa building.
" Ang ganda ganda. Ngayon ko nalang ulit ito nagawa." Aniya habang nakatulala sa tanawin. Napalingon naman ako sa kaniya.
" Anong nagawa?" Takang tanong ko.
" Ito, sight seeing. Ginagawa ko ito noon kasama ang Grandma ko, but now, she's not here anymore. Siya naman na ang nanunuod sa akin, up there with the clouds." Tumawa siya nang mahina pero alam kong nasasaktan siya. Napayuko ako sa sinabi niya.
" I'm sorry to hear that. Sorry for asking too." Lumingon siya sa akin, at saka siya umiling.
" No! It's fine. I just want to tell it to you naman kaya walang problema. Pasensiya ka na rin, nagda-drama ako." Sabay kaming tumawa sa sinabi niya. Napakaganda talaga ng tanawin mula dito, pero mas lalong gumanda ngayong kasama ko na si Shekina na nanunuod dito.
" Pwede kitang samahan na manuod ng magagandang view palagi kagaya ng ginagawa niyo ng Grandma mo noon." Napalingon siya sa akin, naghintay naman ako sa magiging reaksyon niya.
" P-pwede mo bang gawin 'yon?" Nahihiyang tanong niya. Kita ko rin ang pag-pula ng mga pisngi niya.
Tumango ako.
" Yeah. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng kasama manuod. Sasamahan kita." Napangiti siya sa sinabi ko, inilahad niya ang kamay niya sa akin para makipag-apir, agad ko naman iyong tinanggap.
Sabay kaming tumawa nang matapos.
" Salamat, matagal na akong naghahanap ng makakasama manuod. Hindi naman mahilig ang mga kasama ko kaya minsan mag-isa ko lang kaya tinatamad ako kung minsan." Tumango ako, I can see that she literally love sight seeing, kanina pa siya nakatulala sa view.
" I can be your friend. You can–"
" Nakausap ko si Grandma bago siya binawian ng buhay. Ganitong scenario din siya namatay at kinuha sa akin. Ito na ang huling hiling niya sa akin noon bago siya namatay, na sabay kaming manunuod ng magandang view. Sinabi niya sa akin na iyong lalaking unang mag-aalok sa akin na samahan akong manuod ng magagandang view sa tanawin iyon na raw ang–"
" Ang pakakasalan mo?" Putol ko sa sinabi niya. Hindi naman ako nagkamali ng hula kasi tumango siya sa tanong ko.
" O-oo." Aniya. Napangiti ako sa sinabi niya.
" Pwede naman." Pilyong sagot ko sa kaniya na ikina-busangot niya sa harapan ko.
" Hayaan mong ipakita ko sa Lola mo na karapat-dapat akong maging asawa mo balang araw? We can try." Ani ko. Lumingon siya sa akin, at saka siya mas lumapit.
Tinaasan ko siya ng kilay.
" Really? Kaya mo 'yon?" Tanong niya.
" Yeah." Dire-diretsong sagot ko sa kaniya.
Little did she know that my grandfather also told me that before he passed away. Ang unang babaeng mag-aalok sa akin na manuod ng sunrise o sunset ay pakasalan ko na raw. Perfect.
" Kanina pa namin kayo hinahanap." Sabay kaming lumingon ni Shekina sa nagsalita sa likod namin. Ang buong grupo na pala iyon.
Ngumiti kaming dalawa sa kanila.
" Pinanuod lang namin ang view." Sabay naming sagot na ikinatawa naming dalawa.
Kinuha na siya ng mga ka-grupo nila at hinila naman ako ni Brian. Binulungan niya ako.
" Kanina pa namin kayo hinahanap, anong ginawa niyo?" Tanong niya.
" Sinamahan ko lang siya mag-banyo." Pag-amin ko.
Natapos ang paglilibot nila kaya nahanap na nila kami. Sabay sabay na kaming bumaba sa pinaka-main floor ng building at ihahatid na namin sila sa sasakyan nila. May mga guwardiya na sa labas at nakita ko na ang sasakyan na gamit nila. Hinihintay na sila sa labas.
" Salamat sa pag-bisita sa amin. Kita tayo ulit bukas." Ani Kyle. Yumuko kami sa isa't isa bilang pagbibigay galang.
" Thank you so much for touring us inside, Kyle. See you all tomorrow. We had fun." Ani Shekina. Ngumiti siya sa akin nang sambitin ang huling sinabi niya.
" Take care, guys." Ani Theodore.
Lumapit ako sa sasakyan nila at inalalayan kong makasakay si Shekina. Hinawakan ko ang uluhan niya para hindi siya mauntog sa sasakyan. Ngumiti siya sa akin, at saka siya bumulong.
" Thank you, I had fun." Aniya.
" I'll message you later. Take care." Paalam ko.
Kumaway kami nang maka-alis ang kanilang sasakyan sa harapan ng building namin. Agad naman akong dinumog ng tanong ng mga kasama ko.
" Para-paraan na rin si Nathan a. Hay." Ani Alex.
" Ano bang mayroon sa inyo?" Tanong naman ni Timothy.
Ngumiti ako.
" Nahanap ko na mapapangasawa ko."
YOU ARE READING
His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6)
FanficThe Darkest Revelation of Nathan Aillard Monteclaro. Bilang isang Idol, hindi na ata uso ang lovelife para sa kanila. Pero para kay Nathan, gagawin niya ang lahat para hindi nila malaman ang isang rebelasyon na ikagugulo ng buong fans at ka-grupo n...