" Wow, dating news! Congratulations, Nathan!"
Tuwang tuwa si Alex nang makauwi kami ng bahay galing awards night. Kumalat kaagad sa social media at sa balita na may dating issue kami ni Shekina dahil lang doon sa pagsalo ko sa kaniya kanina.
" Napaka-sensitive ng media. Kaunting kilos, issue!" Sambit ko.
" Kaya nga ang paalala ko sa inyo, huwag kayong kikilos nang basta basta? Pag-isipan niyo muna. Ayan! First dating issue!" Singit naman ni Kyle sa sinabi ko, napailing nalang ako. Wala pang sabi si Ivor tungkol dito pero alam kong galit na galit na iyon ngayon sa akin.
" Masama bang saluhin ko siya? E muntik nga siyang madulas kanina. Ano bang mga utak ng tao ngayon? Kung hindi ko siya sinalo edi natuluyan siyang madapa?" Tinaas ni Kyle ang kamay niya sa sinabi ko, galit na ang boses ko.
" Okay, chill. I know. We all know. Kalmahan mo."
" Sabi naman ng mga fans ay sadyang gentleman lang daw ang grupo." Napangiti ako sa narinig mula sa balita.
" Mabuti pa ang Army's naiintindihan nila ako. Ang media, hindi!" Sa inis ay umakyat ako sa kwarto ko. Hinubad ko nang maayos ang damit ko, at saka ako hubad na humiga sa kama ko. Bigla namang tumunog ang telepono ko at may tumatawag doon, kaya naman sinagot ko ito kaagad.
" Yes?" Sagot ko sa tawag habang naga-ayos ako ng katawan ko. Nakahubad pa rin ako habang nakatutok sa akin ang camera ng cellphone ko.
" Sorry, sorry." Napalingon ako nang marinig ang boses ng tumawag. Babae ang boses niya. Huli na nang ma-realize kong account ni Shekina ang tumawag sa akin.
Agad kong kinuha ang telepono ko at saka ko ito itinutok lang sa aking mukha. Shit! Nakakahiya!
" Sorry. Hindi ko alam na ikaw ang tumatawag. Busy akong magpalit." Hingi ko ng tawad sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin habang nakatingin sa camera ng cellphone niya.
" Ayos lang. Mali ata na tumawag ako kaagad nang hindi nagsi-send ng message." Sabi niya. Ngumiti naman ako at saka ako nag-thumbs up sa camera. Tumawa naman siya sa ginawa ko.
Nakaramdam ako ng kilig nang marinig ang tawa niya.
" Ano ba ang sasabihin mo?" Tanong ko sa kaniya.
" Gusto ko lang mag-thank you sayo kanina doon sa awards night kahit na na-issue tayo." Napa-tsk ako sa sinabi niya.
" Wala 'yon. Ayos ka na ba–" Agad naputol ang linya niya at nawala siya sa screen. Pinatay niya ang tawag? Anong nangyari?
Nagtataka man ay itinuloy ko na ang ginagawa ko kanina bago siya tumawag. Nagpalit ako ng damit at saka ako bumaba sa sala para makipag-usap sa mga kasama ko sa ibaba.
" Nandiyan lang iyan sa kwarto niya. Puntahan mo." Dinig kong pakikipag-usap ni Brian sa kung sino. Dinig ko ang boses ni Ivor sa ibaba.
Itinuro ako ni Brian nang makita niya akong pababa sa hagdan. Kinabahan naman ako sa tingin ni Ivor habang nakasalikop ang kaniyang mga braso. Napakagat ako sa aking labi.
" Should I say congratulations?" Sarkastikong tanong na bungad sa akin ni Ivor nang makababa ako.
Umiling ako.
" Yes? Kasi sa awards na nakuha namin. Hindi sa dating issue." Naupo ako sa sofa at saka ko tinignan si Ivor.
Masama ang tingin niya sa akin.
" Pinipilosopo mo ba ako? Anong ipapaliwanag sa media tungkol doon?" Ramdam ang inis sa boses niya habang nakatingin sa akin.
" Kung hindi mo alam, ako nalang ang magpapaliwanag. Ang liit liit na bagay, palalakihin nanaman." Inis na sagot ko sa kaniya. Ganiyan naman palagi sa industriyang ito, kaunting bagay pinapalaki, tapos kapag lumaki hindi na nila alam paano ibabalik sa dati ang problema.
Argh!
" Sa tingin mo papayagan kitang ma-interview? Hindi. Maglalabas nalang ako ng statement at kakausapin ko si Shekina–" Pinutol ko ang sasabihin niya.
" Makaka-abala ka lang sa kaniya. Wala naman siyang kasalanan. Ako ang mayroon, hinawakan ko siya kaagad." Sambit ko.
Naglapag si Kyle ng alak sa lamesang nasa harapan namin para matigil ang pagsasagutan naming dalawa. Napailing nalang si Ivor at saka niya ako tinapik sa braso ko. Kumuha siya ng alak at saka niya ito ininom kaagad.
" Ang dami niyo nanamang nakuhang award ngayon. Pagbutihin niyo lang palagi para mas marami kayong maiuwi ulit sa susunod. Alam kong mahal na mahal kayo ng mga fans niyo kaya nakukuha niyo lahat ng gusto niyo. I have to go, maaga pa ako bukas. Afternoon na kayo pumunta sa building. Mag-celebrate at magpahinga muna kayo. Bye." Mahabang litanya ni Ivor, uminom muna ulit siya bago siya tumayo at nagpaalam sa amin.
" Bye, Ivor!"
" Thanks! Bye!"
" Ingat!"Tinapik ni Timothy ang balikat ko, at saka siya tumabi sa akin.
" Alam mo, diyan nagsisimula ang lahat. Dating issue. Tapos sa susunod na mga araw, kayo na pala. Hindi lang namin alam." Humahagikgik na asar sa akin ni Cody. Sinamaan ko siya ng tingin.
" Maganda naman siya a. Cool din. Bagay na bagay sa style ni Nathan. Pareho silang main rapper at dancer ng grupo, kaya bakit hindi mo i-try?" Pataas baba pa ang kilay ni Brian habang sinasabi iyon.
Umiling ako.
" I find her attractive, yes. Pero sabi ni Ivor na kung kaya naming hindi muna maghanap ng babae namin ay huwag muna kasi dalawa nalang kami ni Cody na hindi pasaway. Paano nalang si Cody kapag nakahanap na rin ako." Nag-thumbs up si Cody sa akin habang umiinom siya ng alak sa baso niya.
Natatakot din ako sa commitment ngayon. Kasi wala ng matitira kay Cody dito sa bahay kapag may nahanap at nag-settle na rin ako sa isang relasyon.
" Pero you find her attractive parin. Ibig sabihin, kapag nagtagal na palagi kayong nagkikita o nagkaka-usap. Mas lalo kang maa-attract sa kaniya?" Nagkibit balikat ako sa tanong ni Theodore.
" Hindi ko alam. Depende." Tugon ko.
Tinaasan niya ako ng kilay.
" Depende?" Tanong niya.
" Oo. Depende kung gaano kami kadalas magkita o magkausap."
Uminom ako ng alak at saka ako sumandal sa sofa na inuupuan ko.
" You two will look together, I'm sure about that."
YOU ARE READING
His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6)
FanficThe Darkest Revelation of Nathan Aillard Monteclaro. Bilang isang Idol, hindi na ata uso ang lovelife para sa kanila. Pero para kay Nathan, gagawin niya ang lahat para hindi nila malaman ang isang rebelasyon na ikagugulo ng buong fans at ka-grupo n...