Chapter 17

0 0 0
                                    

" Ayan, ito po ang concept ng damit nila para sa tour, Sir."

Pinakatitigan ko ang mga designs ng damit na susuotin namin sa concert. Ang gaganda. Wala akong kapintasang nakikita.

" Wow, this looks so amazing." Ani Ivor. Maging kami naman ay kumbinsido sa gawa nila, well, mga professionals na sila kaya wala kang masasabing may mali talaga sa mga gawa nila.

" Next week 3 days before the concert at maidedeliver na po namin ang mga damit, kaya maisusukat pa nila ulit at baka may nadagdag sa timbang nila." Ani ng designer. Napatawa kami sa sinabi niya.

Isang linggo na nga lang ay concert nanaman namin kaya pupunta kami ngayon sa venue para makapag-practice kami ngayon. Kinakabahan ako, pero excited dahil makakasama nanaman namin ang libo libong Army's at supporters namin around the world.

Nag-ring ang phone ko, kaya naman sinagot ko ang tawag.

" Nathan? Can I watch your rehearsals?" Tanong ni Shekina sa linya niya.

" Really? Wala ka bang ibang gagawin ngayon?"

" Nope. Wala. Alam ko kung saan ang venue niyo, I'll go there."

Inayos ko ang mga gamit na dadalhin ko at saka na kami sumakay sa van. Nagbyahe na kami papunta sa venue kung saan kami magpa-practice. Naka-jogger pants ako, at malaking t-shirt at saka bucket hat, naka-sunglasses din ako dahil mainit sa labas at mamaya doon sa venue.

" Sa huling araw din ba ng concert mo ipapakilala si Shekina, Nathan?" Tanong sa akin ni Alex, naroon siya sa tabi ni Brian.

" Hindi ko pa alam, kung aamin siya bago mag-umpisa ang concert, sa day 1 na kami lalantad para maiba naman." Napapalakpak naman sila sa sinabi ko.

" Tatawagin pala namin mamaya ang mga asawa namin para makapag-bonding din muna bago mag-umpisa ang busy days. Isama mo mamaya si Shekina para makilala niya ang mga babae sa bahay." Tumango ako. Sakto naman na naroon na siya mamaya, sasabay nalang siguro siya sa amin o kaya naman ay kami nalang ang sabay na pupunta pabalik sa bahay.

" Nga pala, nakita mo na ba kung saan nakatira si Shekina? Balita ko, mayaman daw ang pamilya nila. Mayaman na raw siya bago siya naging idol." Hindi makapaniwala kong tinignan si Theodore dahil sa sinabi niya.

" Totoo?"

" Oo. Mayaman ang pamilya niya. Kaya ayon, akala ko alam mo na since sinundo mo siya sa kanila sabi mo." Ani Theodore.

" Naka-condo lang siya kaya hindi ko pa nakikita."

Nang makababa kami sa venue ay sinalubong kami ng mga staff na naroon at busy na ayusin ang buong venue. May mga Pulis din sa labas ng lugar habang nakabantay sa amin. Bumati kami sa kanila nang makababa kami bago kami dumiretso sa backstage kung saan naroon ang mga own mics namin.

" This is your mics, Sir." Kinuha ko ang kulay ng mic ko, at saka ko isinuot ang aking earpiece. Isa isa kaming lumabas sa stage. Laglag ang panga akong tumingin sa kabuuan ng venue. Ang lawak at ang dami ng upuan, mas maganda dito kapag nandito na sa harapan namin ang mga Army's at sinisigaw nila ang pangalan namin.

Napangiti ako.

" Hello mic check, 1,2,3.." Dino-double check namin ang mga mic namin para matimpla kung tama ba ang lakas at effects nito pati na rin sa earpiece namin.

" Oh oh, oh. Oh, oh, oh, woah~" Kanta namin nang magsimula na ang tugtog. Sinabayan na rin namin ng dance steps namin at sinimulan naming i-explore ang buong stage para alam namin kung hanggang saan kami pwedeng magpunta at lumibot para makalapit kami sa mga Army's.

" You can't stop me loving myself!" Nagtatawanan kami habang sumasayaw kami sa stage. Nakikita din namin ang sarili namin sa malalaking TV, kaya nilalaro namin iyon.

Napaupo kami sa stage nang matapos kaming kumanta't sumayaw. Uminom ako ng tubig at saka ako naupo sa tabi ng mga kasamahan ko.

" Grabe.." Ani Alex. Tawang tawa kami habang nakaupo sa stage at nakatingin sa kabuuan ng concert venue namin.

Namataan ng mata ko si Shekina na kakapasok lang sa pintuan kung saan ang mga VVIP uupo. Kausap niya ang dalawang staff at saka nila itinuturo kung saan uupo at pwedeng manuod si Shekina habang nagpa-practice kami. Kumaway ako sa kaniya at saka ko tinalon ang stage para makalapit ako sa kaniya.

" Baby..." Hinalikan ko ang gilid ng labi niya nang makalapit ako sa kaniya. Naka-sumbrero din ito para hindi siya mamukhaan sa labas pero kilala naman siya ng mga staff namin.

" Pawis na pawis ka.." Kinuha niya ang aking panyo, at saka niya pinunasan ang pawis ko sa buong mukha at leeg ko, hinapit ko palapit sa akin ang beywang niya.

" Thank you for coming." Bulong ko sa kaniya. Nawiwili na akong halikan ang leeg niya pababa sa balikat niya, nakaka-adik kasi ang pabango niya kaya hindi ko maiwasang halikan siya.

Naupo siya sa isang upuan malapit sa stage at saka siya ngumiti sa akin.

" May dala akong pagkain sa sasakyan ko, kain tayong dalawa mamaya." Tumango ako sa sinabi niya.

Nabaling ang atensiyon naming dalawa nang sumigaw si Timothy mula sa taas ng stage.

" Naiinggit si Cody. Nahuhuli kasi sa pila." Tumawa kaming lahat maging ang mga staff na nakakakilala kay Shekina. Wala namang problema sa kanila kasi hindi naman sila nagsasalita at ramdam kong gusto din nila kaming dalawa para sa isa't isa kaya nakasupporta lang sila sa amin.

" Hayaan mo na. Mamaya nasa tabi tabi niya lang ang para sa kaniya. Baka na kay Cassia talaga." Napailing naman si Cody sa sinabi ni Brian.

Humarap ako kay Shekina at saka ako nagpaalam sa kaniya na tataas na muna ako ulit para makapag-practice pa kaming muli bago umuwi ng bahay.

" Huwag kang aalis dito. Uuwi ka sa akin mamayang gabi. Babalik muna ako sa taas." Paalam ko, ngumiti naman siya.

" Nathan.." Tinaasan ko siya ng kilay nang tawagin niya ako.

" Bakit?"

" Can I kiss you?" Tanong niya na ikinagulat ko. Tumingin muna ako sa buong paligid, at nang masigurong walang nakatingin sa amin ay siniil ko ng halik ang labi niya.

" I'll be back, my love.."

His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6) Where stories live. Discover now