Chapter 4

2 1 0
                                    

" Do we really have to go to the building right now? I'm so tired."

Reklamo ni Theodore habang nakasakay sa sasakyan namin at nakalagay pa ang eye mask niya. Ginising lang namin siya sa kwarto niya, nagpalit lang 'yan. Hindi naligo.

" Pinapatawag daw tayo ni Ivor, hindi ko alam. Biglaan e." Paliwanag naman ni Kyle. Itinaas ni Theodore ang paa niya sa upuan niya at saka niya in-adjust ang kaniyang upuan at may dala dala pa siyang unan.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa building namin. Nagulat si Theodore nang makitang ang daming media at siya lang sa aming pito ang walang ayos. Natawa kami sa naging reaksiyon niya sa nakita.

" Takpan ka nalang namin, o kaya mag-sunglasses ka at saka itong cap ko hiramin mo na." Ginawan namin ng paraan para magmukhang maayos naman si Theodore. Hindi din namin alam na may media sa labas. Baka may bisita sa building kaya may media na nakasunod dito. Hindi ko alam.

Naunang lumabas si Brian nang nagtatagal na kami masyado sa labas ng building at saamin na nakatuon lahat ng media sa labas. Sunod sunod na kaming lumabas at nagpahuli nalang kaming dalawa ni Theodore dahil tinulungan ko siya sa ayos niya.

" Hello!" Bati namin sa mga media habang naglalakad papasok ng building. Hindi naman nila kami tinatànong, kaya baka nandito sila para lang sa update.

Kumaway kami sa mga media at saka kami bumati bago kami tuluyang pumasok sa building namin. Dumiretso kami sa opisina ni Ivor nang makapunta kami sa floor kung saan naroon ang opisina niya.

" Nakita niyo ang media sa labas?" Tanong ni Ivor sa amin.

" Yes. Bakit may media doon? Anong mayroon?" Takang tanong ko.

Tumingin siya sa akin, at saka siya naupo sa upuan niya.

" Hindi ko rin alam. Kaya nga pinapunta ko kayo rito at baka may kinalaman nanaman kayo kaya may media dito?" Bakit parang laging galit ang mood niya lately? Anong mayroon sa kaniya?

Umiling kaming pito. Sabay sabay pa.

" May contract signing ako mamaya kasama ang may ari ng isang brand at coordinators para sa fashion event sa Paris, France. Babalitaan ko kayo kung kailan ang flight niyo papunta doon." Tumango kami sa sinabi niya.

" Kailan pala ang fan meet?" Singit na tanong ni Timothy.

Tumingin si Ivor sa computer niya. Doon niya ata tinitignan ang schedules namin para sa buong buwan.

" The day after tomorrow. Nai-post naman na ang details, naayos na rin ang venue, at saka iyong mga damit niyo–susukatan na kayo mamaya. And also, practice kayo kasi kailangan niyong mag-perform doon." Napatango lang kami sa sinabi niya. Fully booked nanaman kami this month, kaya hindi kami pwedeng tamarin ngayon.

Paano nalang kaya ang may mga asawa na sa grupo. Paano nila hahatiin ang oras nila kapag busy kami.

" Okay, pwede ba kaming mag-live ngayon? Para maka-musta ang mga Army's? Kahit 1 hour and a half lang." Natigilan pa si Ivor sa paalam ni Kyle bago siya sumagot. Ilang buwan na kaming hindi nakaka-live dahil busy kami at wala kaming oras para mag-live.

Tumango siya. Napatalon pa si Alex sa tuwa nang payagan kami ni Ivor na mag-live.

" Gotta go! Tara na!" Masaya kaming lumabas ng opisina ni Ivor at saka kami dumiretso sa kwarto kung saan kami nagla-live.

Pina-ayos namin sa mga staff ang gagamitin namin sa pagla-live at saka kami nag-ayos ng mga sarili namin. Si Theodore naman ay nakahiga na sa sofa kung saan kami uupo mamaya at nakapikit na. Napagod ata talaga siya kahapon kaya inaantok pa siya hanggang ngayon.

" Hello, Armys!" Pag-uumpisa palang sa live ay milyon na kaagad ang views, kaya kaagad na namin silang kinausap.

" Nandito kami lahat. Pero tulog si Theodore kaya huwag tayong maingay." Humahagikgik si Alex sa sinabi ni Brian sa live. Katabi namin sa upuan si Theodore na tulog na tulog pa rin at may takip ang mukha niya ng unan.

Binabasa ko lang ang mga sinasabi ng Army's sa live. Natutuwa ako sa mga sinasabi nila. Sina Timothy at Cody naman ang nage-entertain sa kanila ngayon.

" Cody marry me." Basa ni Kyle sa isang comment.

Tumawa nanaman kaming lahat sa nabasa.

" Palagi naman." Masungit na sambit niya pero tumatawa naman siya habang sinasabi iyon.

Hindi talaga mawawala sa live ang ganoong komento kay Cody. Itong Cody naman ay todo iwas lang sa komentong iyon dahil wala lang sa kaniya ang salitang mga ganoon. Alam niya naman na nagbibiro lang ang Army's sa kaniya. Siya na kasi ang pinaka-seryoso sa members ng grupo, kaya ayan, palaging siya ang pinuputakte ng comments.

" Saan po si Shekina?" Tumaas ang kilay ko sa binasang tanong ni Cody sa tabi ko. Napaiwas ako ng tingin sa camera nang marinig ang tanong. Baka mamaya ay makagawa nanaman ako ng issue kaya iiwasan ko muna ang ganiyang tanong.

" Nathan! Nasaan daw? Kidding. Please, stop making issues na inappropriate. Naging gentleman at nag-alala lang si Nathan sa pwedeng mangyari kay Shekina that night kaya wala kayong dapat i-issue about dating." Paliwanag ni Alex. Tila ba hindi ako makapagsalita dahil sa isang tanong lang.

Nagsalita naman si Kyle.

" At saka, noong araw lang iyon sila nagkita at nagkakilala gaya ng nakita niyong footages doon palang sa red carpet. Doon niyo makikita na first time nilang magkaroon ng interaction sa isa't isa kaya bakit bibigyan niyo ng malisya ang pagiging caring at gentleman ni Nathan sa mga female idols?" Nag-thumbs up naman ang ilang kasama ko dito sa live.

" Yes. Please, paki-hinto na ang issues. Ayaw kong maka-abala sa grupo nila lalo na kay Shekina at ayaw po namin ng any inappropriate issues na wala namang kabuluhan." Singit ko sa usapan.

Pumalakpak naman si Timothy at Cody sa sinabi ko. Lumapit ng kaunti si Alex sa camera at saka siya may binasang komento galing sa isang Army na nanunuod ng live namin ngayon.

" Omg! New Gems are watching with us!" Basa ni Alex.

Maya maya pa ay nag-notif ang isang komento sa live namin. Galing kay Shekina. Binasa iyon ni Alex.

" Nathan is just caring and gentleman and I like that."  

His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6) Where stories live. Discover now