" Idol ko kaya si Shekina! Bias ko ito!"
Kinikilig na sigaw ni Deianira habang nakatingin kay Shekina na nakatayo lang sa tabi ko. Kahit kailan, si Deianira talaga ang maingay sa limang babae ng bahay–pero ngayon anim na sila.
" Hello, nice to meet you all. I'm Shekina Zephaniah Diminuendo. Leader, main rapper and dancer of New Gems." Pagpapakilala niya sa mga kasamahan ko. Napangiti ako.
That's my girl.
" Halika rito, maupo ka." Aya naman sa kaniya ni Kiana at Adara sa kaniya.
Tinawag naman muna ako ng mga ka-grupo ko sa kusina na busy magluto. Mga under kasi ng asawa nila. Biro lang.
" Talagang ito ang ritwal natin sa pamilya 'no? Parang basbas? Kasi once na ipinakilala na natin sila sa isa't isa, sila na talaga ang nakakatuluyan." Ani Brian, napailing nalang ako sa sinabi nila pero somehow, naniniwala naman ako sa sinasabi nila. Sana. Sana saakin na talaga si Shekina.
" Nathan! Ano 'to? First concert o last?" Tanong saakin ni Andrasteia. Nagkibit balikat ako.
" Hindi ko pa alam pero gusto ko sana sa day one." Kumindat ako kay Shekina na nahihiya namang tumingin sa mga kasama niyang babae. Kinikilig at binibiro naman nila si Shekina sa tabi nila.
" Ayan ha. Naka-supporta naman kami sa inyong dalawa. Alam namin iyong hirap na pagdadaanan niyo lalo na kay Ivor. Sa totoo lang, siya lang talaga ang problema. Kasi siguro nahihirapan siyang i-let go iyong pagiging single era ng mga bata niya. Pero sa huli, matatanggap at matatanggap rin naman kayo niyan kasi wala din siyang magagawa. Sa fans, wala namang problema kasi halos sa aming lima, parang wala naman atang issue tungkol sa fans nila kaya magiging maayos din iyan. At saka, kung totoong nagmamahalan kayong dalawa, makakaya niyo iyan nang magkasama." Ngumiti ako sa sinabi ni Deianira, since day 1 ay siya talaga ang tagapag-advice namin, lalo na sa mga asawa ng iba kong ka-grupo.
" Walang kaso pagdating sa BTS members, kasi lahat naman sila ay manly, I mean halos lahat ng trait ng isang maganda at maayos na lalaki ay nasa kanila na kaya ang advice ko lang, mag-enjoy kayo, mag-focus kayo sa isa't isa at magmahalan kayo. Naka-support lang naman kami sa inyo kaya handa kaming pagtakpan ang mga sekretong pagkikita niyong dalawa–basta hindi mismo si Ivor ang makaka-alam. Delikado ang isang 'yon." Lumakas ang tawanan sa sala dahil sa sinabi ni Cassandra, ang babaeng simangot. Pero lagi na siyang nakangiti kasi kasama na niya ang asawa niya–si Timothy.
Naupo kami sa tabi ng mga asawa namin. At saka kami nakisama na kumain sa kanila. Hinawakan ko ang hita ni Shekina, doon ko pinagpahinga ang kamay ko. Hindi naman siya umangal kaya hinayaan kong doon magpahinga ang kamay ko sa hita niya. Nakapatong lang naman.
" Anong balak mo, Nathan? Kailan mo sasabihin sa kaniya? Alam ko namang kay Timothy lang siya hindi nagalit noong may ipinakilala siyang magandang babae dito." Nagkantiyawan ang lahat sa tanong ni Cassandra at talagang pinuri niya pa ang sarili niya.
" One day before ng concert, ipapakilala ko na si Shekina sa kaniya. Wala naman siyang ibang magagawa e. Alam ko 'yang si Ivor. Kilala ko na ang style niya." Tumango sila sa sinabi ko.
" We heard na gusto raw ng CEO niyo si Nathan para sayo, Shekina? Edi wala palang problema sa isang side?" Sumandal ako sa sofa at saka ko hinawakan ang kamay ni Shekina.
" Ah, yes. Mag-uusap nga sila bukas sa opisina niya."
Nagtagal ang inuman at kwentuhan sa sala hanggang sa abutan na kami ng madaling araw. Hindi naman sila mabilis tamaan ng alak kaya wala ding nalasing sa amin. Hindi din uminom si Shekina dahil may gagawin daw sila ng grupo niya bukas.
" Bisita ka sa susunod na mga araw sa bahay namin para makita at makilala mo ang mga anak namin. Update mo kami kung kailan ka available para mapag-handaan ka namin sa bahay." Nakipag-shake hands si Shekina sa kanilang lahat at beso na rin. Aalis na kasi sila at ihahatid sila ng mga asawa nila. Maging ako ay ihahatid ko rin si Shekina sa kanila, maiiwan si Cody dito sa bahay.
" Bukas na kami makakauwi, doon na muna kami matutulog sa bahay!" Palaam ni Theodore sa aming dalawa ni Cody, sabagay, para mas may time sila with their wives at mga anak nila.
" Ingat! Baka mamaya after 9 months, ninong nanaman ako. Wala pa akong girlfriend!" Sigaw ni Cody, napailing nalang kami sa sinabi niya. Babalik nalang ako kaagad pagkatapos kong maihatid si Shekina para may kasama siya sa bahay.
" Bye!" Paalam namin sa isa't isa at isa isa na kaming lumabas ng gate sakay nang kani-kaniya naming kotse.
" Ang saya nila ka-bonding. Medyo nahihiya lang ako kanina pero nakakasabay naman ako sa kanila." Nilingon ko si Shekina dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko 'yon bago ko isinama sa pagmamaneho.
" Masaya talaga silang kasama. And by the way, welcome to the family, baby. Part ka na ng bahay at pamilya na 'yon since naiuwi at naipakilala na kita sa kanila."
" Kinakabahan ako sa sasabihin ni Ivor sa ating dalawa." Nakabusangot siya nang lingunin ko siya sa kinauupuan niya.
" Tsk. Don't be. Alam ko namang mapapakiusapan si Ivor nang maayos kapag nakausap na siya ng masinsinan e. Talagang ayaw niya lang tanggapin na hindi na kami virgin–" Hinampas niya ang braso ko at saka siya tumawa.
" Nathan!" Saway niya.
Nang makapag-park na ako sa harapan ng condo niya ay humarap siya sa akin.
" Thank you again for today, nag-enjoy ako. Sobra." Kinuha niya ang bag niya at saka niya tinanggal ang seatbelt ng upuan niya.
" My pleasure. Magpahinga ka na. Thank you also for watching me earlier. I love you." Lumapit ako sa kaniya para mahalikan ko nang maayos ang labi niya. Hindi siya kaagad sumagot sa halik ko.
" Nathan–"
" Kiss me back, baby. Please.." Ipinikit niya ang mata niya at saka siya sumabay sa galaw ng labi ko sa kaniya.
" That's it. That's my girl.."
YOU ARE READING
His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6)
FanfictionThe Darkest Revelation of Nathan Aillard Monteclaro. Bilang isang Idol, hindi na ata uso ang lovelife para sa kanila. Pero para kay Nathan, gagawin niya ang lahat para hindi nila malaman ang isang rebelasyon na ikagugulo ng buong fans at ka-grupo n...