" Careful.."
Pinanunuod akong humiga ni Shekina sa kama ko. May dala siyang gamot at tubig sa tray at inilapag niya iyon sa side table ng kama ko.
" Hindi ka na dapat sumama dito." Nahihiyang sabi ko sa kaniya. Bumusangot naman siya.
" Ayaw mo bang nandito ako?" Umiling ako.
" Hindi naman sa ganoon. Baka kasi may gagawin ka rin at–"
" Noong mga nakaraang araw ay kahit may ginagawa ka, inuuna mo akong puntahan, and I want to do that with you, also. Please? Hayaan mong alagaan muna kita ngayon." Wala akong nagawa nang mag-beautiful eyes at ngumiti siya sa akin, kulang nalang ay lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.
" May dinner mamaya sa ibaba. Kumain ka doon. Huwag kang mahihiya sa kanila dahil kalog din mga iyan madalas." Sabay kaming tumawa sa sinabi ko.
" Ayos lang."
" Lay here beside me." Utos ko sa kaniya.
" Hmm?"
" Lay here beside me, Shekina. Tabihan mo muna ako dito." Ani ko. Umayos siya ng upo niya at saka siya nahiga sa tabi ko, nakaharap siya sa akin. Kinumutan ko ang kalahati ng katawan niya at saka ko siya hinila para mas magdikit ang katawan naming dalawa.
Nang magtama ang paningin naming dalawa ay isiniksik niya ang mukha niya sa dibdib ko dahil sa hiyang nararamdaman.
" Nathan, tama ba itong ginagawa natin? Hindi ka ba pagagalitan ni Ivor?" Alalang tanong niya na inilingan ko. Hinagod ko ang buhok niya, at saka ko hinalikan ang noo niya.
Napapikit siya sa ginawa ko.
" Hindi. Huwag kang mag-alala." Paninigurado ko sa kaniya.
" Nathan, I'm falling for you and I think, I-i like you.." Pag-amin niya sa akin na ikinagulat ko. Naihinto ko ang paghahagod ko sa buhok niya at napatulala ako sa sinabi niya.
" Really?" Malambing na tanong ko sa kaniya.
Tumango siya.
" Hmm-mm, I mean it." Aniya. Ngumiti ako, hinalikan ko ang tungki ng ilong niya. At saka ko siya niyakap.
" I love you, Shekina." Bulong ko sa tainga niya.
Minutes had passed, Shekina fell asleep beside me. Kakahagod ko ata sa buhok niya kaya nakatulog siya. Mas nauna pa siyang makatulog kaysa sa akin, kaya natawa nalang ako. Kinumutan ko siya at saka ko siya iniwan saglit sa kwarto ko para makakain ako at makuhanan ko na rin siya ng pagkain niya.
" Nasaan si Shekina? Bakit ikaw ang bumaba?" Takang tanong ni Timothy. May malisya namang nakatingin sa akin si Brian at Alex, ang dalawang malakas mang-trip.
" Nakatulog sa tabi ko. Mas nauna pang makatulog kaysa sa akin." Naiiling na kwento ko sa kanila.
" Bakit? May ginawa ba kayo para mabilis siyang makatulog–"
" Wala, okay? Kalmahan niyo. May respeto naman ako sa kaniya." Nag-thumbs up sila sa sinabi ko. Lumapit sila sa akin nang maupo ako sa dining hall at kumuha ng pagkain ko.
" Seryoso ka na ba sa kaniya? Kasi kung oo, handa kaming pagtakpan ka kay Ivor para makapag-kita sa kaniya at tutulungan ka namin para magkatuluyan kayong dalawa. Alam mo naman kami, hindi natin pababayaan ang isa't isa, hindi ba?" Mahabang litanya sa akin ni Kyle. Tumango ako.
" Umamin na siya sa akin. At seryoso ako sa kaniya, Kyle. Wala na akong balak maghanap pa ng ibang babae maliban kay Shekina kaya seseryosohin ko ang kung anong mayroon sa aming dalawa ngayon at sa susunod na taon pa." Nagulat ako nang tapikin ako nang malakas ni Theodore sa balikat ko, napalakas ata dahil sa kilig niya.
" Kami na ang bahala sa inyo sa mga susunod na araw kung kailangan niyo ng tulong namin. Basta mag-focus kayo sa relasyon na mayroon kayo ngayon, Nathan. Suportado namin kayong dalawa." Ngumiti ako. Tinapik ko isa isa ang balikat nila at saka ko itinaas ang pagkain na dala ko para kay Shekina. Nakauwi na pala ang iba niyang ka-grupo.
Magpapasalamat na rin ako sa ibang staff bukas na namili pa ng damit ni Shekina para makapag-palit siya ng damit at makatulog siya dito sa kwarto ko.
" Baby.." Tapik ko sa kaniya nang makapasok ako sa kwarto ko. Mahimbing pa rin ang tulog niya.
" Baby, you should eat." Inayos ko ang buhok niya at hinalikan ko ang pisngi niya pababa sa leeg niya at sa balikat niya. Nagising naman siya doon.
Ngumiti ako sa kaniya nang magtama ang paningin naming dalawa.
" Can you hug me?" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere at hinintay na mayakap ko siya. Napailing muna ako bago ko siya niyakap. Nakaibabaw ako sa kaniya ngayon.
" I'm sorry, natulugan kita." Aniya.
" It's fine. Nakapag-pahinga ka rin." Tugon ko naman.
Naupo siya at sumandal sa headboard ng kama. Ibinigay ko sa kaniya ang pagkain niya at saka na siya kumain magisa. Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakain. Hinawakan at inayos ko ang buhok niya dahil sumasama sa pagkain niya ang hibla nito.
" Nakauwi na ba ang mga kasama ko?" Tanong niya. Inabutan ko siya ng tissue at tubig.
" Yeah. Kanina daw pagkatapos nilang kumain. Hindi na raw sila nakapag-paalam pero baka nag-message sila sayo." Kinuha ko ang pinagkainan niya nang matapos siya at saka ko iniabot ang tubig niya.
Pinakatitigan ko ang mukha niya habang umiinom siya ng tubig.
" Dito ka na matulog sa akin ngayon, ihahatid nalang kita bukas ng maaga sa inyo." Tumango siya. Napangiti ako. Unang beses ko atang makakatulog na may kasamang babae, at ang babaeng mahal ko pa. Si Shekina pa.
Hays.
Nang makabalik ako galing sa ibaba dahil ibinalik ko ang pinagkainan niya ay nahiha na akong muli sa kama ko. Nagulat naman ako nang mahiga sa tabi ko si Shekina at nakayakap siya sa akin. Nakatingin naman siya sa reaksiyon ko.
" Hmm?" Takang tanong ko sa kaniya.
" Wala naman, ang swerte ko lang." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
" Swerte saan?"
" Sayo. Kasi inaalagaan mo ako at hindi mo ako pinapabayaan. Nararamdaman kong gusto mo talaga ako at seryoso ka sa akin, kaya ang swerte ko, kasi may tumatrato sa akin na para akong isang prinsesa." Ngumiti ako.
" Araw araw kong ipaparamdam sayo kung gaano kita kamahal, Shekina."
YOU ARE READING
His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6)
FanfictionThe Darkest Revelation of Nathan Aillard Monteclaro. Bilang isang Idol, hindi na ata uso ang lovelife para sa kanila. Pero para kay Nathan, gagawin niya ang lahat para hindi nila malaman ang isang rebelasyon na ikagugulo ng buong fans at ka-grupo n...