Chapter 5

1 1 0
                                    

" Nathan!"
" BTS!"
" We love you!"

Sigaw ng mga fans nang lumabas kami sa back stage at papunta kami sa stage kung saan naroon ang mga lamesa naming pito. Ito na ang fan meeting namin.

" Hello Army's! Kamusta kayong lahat?" Tanong ni Brian sa mga fans na nasa ibaba.

" We're good."
" Ayos lang."
" Good!"

Sigaw ng mga Army's sa tanong ni Brian. Naupo naman kami sa mga upuan namin at saka kami nagkamustahan muna sa mga fans bago kami magpapasimula sa fan sign.

" Kanina pa ba kayo naghihintay dito sa amin?" Tanong ni Kyle habang nagpupunas ng pawis niya. Hindi pa nga nagsisimula ang fan meeting ay pawis na pawis na kaagad kami dahil sa dami ng tao dito, hindi na kinakaya ng aircon.

Nagsalita ang MC sa harapan at saka nila pinapila ang mga fans sa ibaba, at saka sila isa isang tataas sa stage para makausap at makita namin sila, and syempre, mapirmahan ang mga dala dala nilang mga merches na galing sa amin.

"Hi! Omygosh! Ang gwapo mo!" Tili ng babae habang nakaupo sa harapan ko.  Nauuna kasi ako sa pila, sunod naman sila Kyle at iba pang members.

" Hi, nice to meet you. Kamusta ka na?" Tanong ko sa kaniya. Kinuha ko ang dala niyang merch at saka ko ito pinirmahan.

" I'm good. I'm shaking..." Aniya. Hinawakan ko ang kamay niya, kaya mas lalo siyang kinilig sa ginawa ko. Ngumiti siya sa akin at saka niya sinabi ang pangalan niya para mailagay ko sa pinipirmahan ko. Nagpasalamat din ako sa dala niyang regalo sa akin. Inilagay iyon ng staff na naka-assign sa akin sa box kung saan ilalagay ang mga regalo na para sa amin.

Gaya ng dati, may tig-iisa kaming box kung saan ilalagay ang mga regalo na ibinigay sa amin ng mga fans, pagkatapos ng fan sign namin ito pwedeng galawin lahat at tignan isa isa. Strikto kami sa galaw ng oras ngayon, kaya dapat ay mabilisan lang.

" Bakit nanginginig kayo? Nasobrahan ba kayo sa kape?" Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Timothy sa mic niya, siguro ay kinakabahan din ang fan na nasa harapan niya kaya nag-joke siya para mabawasan ang kaba niya.

" Kailan po kayo magkaka-asawa?" Tanong ng isang fan na nasa harapan ko. Ngumisi naman ako sa tanong niya.

" Hindi ko alam e. Depende." Bulong ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin.

" If you have fallen inlove, please don't be afraid to tell it to us. We will support you gaya ng ginawa namin sa ibang members. May karapatan kayong magmahal at nirerespeto namin iyon." Tumaba ang puso ko dahil sa sinabi niya. Masaya ako na may ganitong mga uri ng Army's na nakakaintindi sa kalagayan namin. Kaya naman ngumiti ako nang maluwag sa kaniya.

" Maraming salamat. Hinding hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa inyo kapag may nahanap na akong babaeng mamahalin at makakasama ko habang buhay."

Hanggang makaalis ang babae ay nakatingin ako sa kaniya. Natuwa ako sa sinabi niya at tinamaan ako sa sinabi niya kaya naman hindi ko maiwasang tignan siya papalayo sa akin at papunta sa ibang member.

" Nathan, you and Shekina can make a good couple. We will support you if she's the one that you love." Napailing ako sa sinabi ng babae habang tumatawa, inaasahan ko nang sasabihin nila iyan dito kaya hindi na ako nagugulat sa ganiyang mga tanong.

Ilang oras ang itinagal namin sa fan meeting. May mga oras lang na nagbi-break kami para kumain o kaya naman ay mag-cr sa likod dahil sa sobrang dami ng tao ay kailangan din namin ng pahinga. Tahimik naman na naghihintay ang mga ibang Army's sa upuan nila na natapos na para sa performance namin mamaya bago kami umalis at matapos ang event.

" Hi! Masaya kaming makita kayo ulit pagkatapos ng dalawang taon!" Sabi ni Theodore nang matapos na kaming magpirma at makipag-usap sa kanila. Nakatayo na rin kami at nakasandal na sa lamesa namin kanina.

" Yes. Dalawang taon nga din pala ang itinagal bago mangyari ang fan meeting na matagal na nating hinihingi, diba Cody?" Tanong naman ni Kyle kay Cody na busy sa lamesa at inaayos ang mga regalo na nakuha niya.

Tumango siya at kinuha ang mic ko.

" Yes. Oo, tama." Napatawa ang lahat sa sinabi niya.

Sinenyasan kami ng MC na kakanta na kami kaya naman nag-ready na kami sa harapan.

" Like an echo in the forest, yeah life goes on.."

Chill lang kami habang kumakanta. Nakataas naman ang mga Army bombs nila at saka kumakanta sila kasabay namin. Napapangiti ako sa kanila at itinututok ko rin sa kanila ang mic ko kung minsan para marinig din silang kumakanta.

" They call me artist! The call me Idol!"

Kanta namin. Kapag-kuwan lang kami sumasayaw dahil maliit ang stage kaya hindi kami pwedeng sumayaw dito. Kapag natipuhan lang naming sumayaw ay sasayaw kami.

" Wohooo! We love you Army's!" Sabay sabay na sigaw namin nang matapos kaming magperform. Tumatawa pa kaming dalawa ni Theodore dahil hinihingal si Brian kakasayaw kanina. Siya lang ata ang sayaw nang sayaw kanina sa likod kaya tuwang tuwa ang mga Army's sa ibaba.

" Maraming salamat sa pagpunta. Masaya kaming makita at makasama kayo  ngayon. Sana sa concert, naroon din kayo at maramdaman namin ang presensiya niyo." Ani Cody.

" Oo nga. Sa concert, mas malawak kaya sabay sabay tayong iindak, tatalon, sisigaw, at kakanta. Kaya attend kayo, manuod kayo at sumama kayo sa concert para makapag-saya tayong lahat doon." Ani naman ni Alex. Ngumiti ako.

" Maraming salamat ngayong araw. Salamat sa supporta palagi. At kita kita tayo sa tour sa susunod na buwan. Magkita kita tayo doon!" Humiyaw sila sa sinabi ni Brian.

Nagwawala halos ang ilang fans sa ibaba. Enjoy na enjoy sila.

" Mag-iingat kayo pauwi lahat. Salamat ngayon, at mahal na mahal namin kayo!" Sigaw ko. Pumalakpak sila sa sinabi ko.

Nahuling magsalita si Timothy, siya naman kasi ang bunso kaya siya ang ihuhuli namin. Ang Maknae of all time.

" Army's uwi na tayo! Tara na! Nakakauwi na ako."

Natawa kami sa sinabi niya, bago kami sabay sabay na yumuko at nagpasalamat.

" Bye Army's! Salamat!"

His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6) Where stories live. Discover now