Chapter 23

0 0 0
                                    

" Make some noice, Army's!"

Nakatalikod kami sa stage habang isinisigaw ang pangalan ng fandom namin. Hindi namin masyadong marinig ang sigawan nila dahil nakasuot kami ng earpiece.

" BTS! BTS! BTS!"

Napangiti ako.

" Hello!"

" Let's do this!" Sigaw ni Kyle.

" Oh, oh, oh, woah~. Oh, oh, oh, woah!" Simula namin sa kanta. Pumwesto kami para sa aming sayaw, at saka kami nagsimulang sumayaw nang magsimula ang tugtog namin.

" They call me artist! They call me idol!" Sigaw ni Theodore.

" Make some noice!"

Mailaw ang buong paligid dahil sa mga light sticks nila at ang ilaw mula sa stage. Malakas din ang ilaw mula sa malalaking TV screen at ang spotlight na nakatutok sa amin, alam kong malakas ang sigawan ng audience pero hindi ko marinig dahil sa monitor ko.

Pagkatapos ng ilang kanta ay nagpahinga muna kami. Kumuha kami ng tubig na nasa gilid ng stage at saka namin tinanggal ang ear piece namin para marinig namin sila. Nakakabinging ingay ang sumalubong sa amin nang maibaba ko sa tainga ko ang ear monitor na gamit ko. Masakit siya sa ulo sa sobrang lakas, pero hindi ako nagpatinag.

" Hello, Army's! Kamusta kayo?" Simpleng tanong palang ni Timothy ay malakas na kaagad ang mga sigawan nila.

Kumaway kami sa kanila.

" Maraming salamat sa pagpunta ngayon dito. Salamat kasi hindi niyo kami pinapabayaan at sinusuportahan niyo pa rin kami mula ngayon. Mag-eenjoy tayo ngayong gabi! Walang uuwi hangga't hindi tayo nababasang lahat!" Tumatawa kami ni Brian sa gilid ni Alex kasi hingal na hingal siyang nagsasalita. Nag-aapiran pa kami habang nagtatawanan, hindi namin mapigilan ang tawa naming dalawa.

" We'll start in 5 minutes! Change outfit!" Sigaw ng stage director namin. Pinalitan kami kaagad ng damit at saka inayos ang aming make up, nag-retouch kami ulit bago kami umalis sa backstage at saka kami pumwesto sa stage ulit.

" We are bulletproof! Who are we?!" Tanong ko.

" BTS! BTS! BTS!" Sigaw nila.

Nagsimula nanaman kaming kumanta at sumayaw nang magsimula ang tugtog namin. Kahit na pawis na pawis na kami ay hindi namin inaalintana ang pagod namin. Hinihingal na ang iba pero hindi namin alintana iyon dahil nag-eenjoy kami sa ginagawa namin.

" Wohooo!" Sigaw namin ni Alex.

Pagkatapos ng ilang kanta pa ay pinahinto muna namin ang tugtog. I think, it's time na sabihin sa kanila ang revelation na matagal ko na tinatago.

" Hello, Army's! Are you having fun?" Tanong ko, sumagot naman sila gamit ang hiyawan nila. Iba iba ang sinisigaw nila pero alam kong iisa lang ang sagot nila, na nag-eenjoy sila sa nangyayari ngayon.

" I have to tell you something. I think, this is my darkest revelation ever in my life. But first, I want to thank my BTS Family, my family, and of course to Ivor." Tinuro ko si Ivor na nasa ibaba ng stage na nanunuod din sa amin ngayon. Naroon din ang pamilya ko katabi niya, ngayon nalang din nila makikilala si Shekina at ganoon din siya.

" Baby, please come out." Sambit ko sa mic ko. Tinignan ko ang stage, at saka ko hinintay na bumukas ang stage.

Napangiti ako nang makalabas si Shekina sa stage. Lumakas ang hiyawan nila nang makita siya. Ipinakita din siya sa malalaking screen. Nakita ko na ang dress na suot niya, napakagat ako sa labi ko nang makita iyon, nae-excite akong tanggalin iyon. Hinila ko ang beywang niya at saka ko siya inilapit sa akin. Hinalikan ko muna ang labi niya at saka ako bumulong sa kaniya.

" You look so damn hot tonight, sweetheart." Ngumiti naman siya sa akin at saka niya hinampas ng mahina ang dibdib ko.

" Once again, I know kilala niyo na siya. I am here tonight, we are here to reveal my darkest revelation. Shekina Zephaniah Diminuendo and I are lovers. Kagaya ng mga kasama ko sa grupo, nahanap ko na rin po ang babaeng makakasama ko habang buhay at magpapasaya sa akin habang buhay. Paumanhin po kung hindi ko kayo kaagad nasabihan through issues of dispatch and everything but here we are, nasa tabi ko na po ang babaeng pinakamamahal ko at pakakasalan ko balang araw." Lumakas ang hiyawan, hindi ko alam na tatanggapin nila kaming dalawa nang buong-buo sa loob nila. Napaka-swerte ko sa fandom na ito, grabe sila magmahal sa amin.

Pinipigilan ko lang tumulo ang luha ko. Sobrang saya ko ngayon.

Inaya ko sa stage ang Pamilya ko, nang maka-akyat sila ay kaagad nilang nilapitan si Shekina at saka nila ito niyakap. Bumati naman at nagmano si Shekina sa kanila na ikinatuwa ni Mama at Papa. Hindi naman makapaniwala ang bunso kong kapatid dahil si Shekina ang babaeng sinabi kong ipapakilala ko sa kaniya. Die hard fan daw siya ng New Gems sabi niya sa akin.

" Welcome to the family, anak. Napaka-ganda mong bata. Jusko." Puri ni Mama sa kaniya, ngumiti si Shekina sa sinabi ni Mama.

" Salamat po, Ma'am–"

" Mama, anak. Walang anuman." Niyakap siya ulit ni Mama.

" Hello! Salamat sa mainit na pagtanggap sa akin bilang girlfriend ni Nathan. Salamat sa pagtanggap sa aming dalawa. Mamahalin ko si Nathan habang buhay at habang nabubuhay ako. Maraming salamat sa supporta sa aming dalawa, lalo na sa bawat grupo na mayroon kami." Hinampas nanaman ako ni Shekina nang makita niya akong naglalakad palapit sa kaniya habang may bitbit na malaking bouquet ng rosas sa kaniya.

Maya maya pa ay biglang sumabog ang mga confetti na ipinahanda ko sa staffs namin. Imbes na iba't ibang kulay ng papel ang lumabas doon ay rosas ang lumabas. Napakagandang tignan lalo na at nalalaglag iyon sa lahat ng Army's na nanunuod.

Niyakap ako ni Shekina. Nakita kong may luha sa mga mata niya kaya hinalikan ko siya sa noo at labi niya. Pinunasan ko rin ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.

" Thank you for loving me, Nathan. Thank you for not giving up, and thank you for all your sacrifices, my love." Natigil ako sa huling sinabi niya.

" What did you just say?" Tanong ko.

Tumawa siya. At saka niya ako niyakap.

" My love..."

His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6) Where stories live. Discover now