Chapter 13

0 0 0
                                    

" Nathan.."

Hindi ako nakagalaw kaagad nang yakapin niya ako pagbaba ko ng sasakyan ko. Pagbubuksan ko sana siya ng pintuan para makasakay siya pero yumakap siya sa akin na ikinagulat ko.

" May nangyari ba?" Alalang tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot.

Mas lalo niyang idiniin ang sarili niya sa akin at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

" Wala naman. I'm just sad. I miss my Grandma." Hinagod ko ang likod niya. Nagdalawang isip pa ako kung hahawakan ko ba siya pero wala akong nagawa dahil kailangan ko siyang aluhin at pakalmahin.

" May alam akong lugar kung saan makikita ang city lights. Gusto mong pumunta doon, hindi ba?" Tumango tango siya habang nakayakap pa rin sa akin. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko at saka ko siya pinapasok doon.

" Bakit sportscar ang gamit mo?" Tanong niya habang nagkakabit ng seatbelt.

" Para hindi na tayo sana bababa ng sasakyan mamaya, itataas nalang ang bubong ng sasakyan." Ngumiti siya. Tinignan at sinuri niya ang kabuuan ng sasakyan ko, this is my second time na ilalabas ang sasakyan ko. Naipundar ko ito last month at ang BTS members ang unang nakasakay rito. Pangalawa naman si Shekina.

Nagsimula akong magmaneho, nang alam kong malapit na kami sa bilihan ng pagkain para mag-drive thru ay isinuot ko ang sumbrero, glasses at mask ko para maka-order ako ng pagkain naming dalawa. Baka kasi magutom kami, kaya mas mabuting may dala kaming pagkain.

" Hey, good evening. Dalawang grande ng iced caramel machiatto, two orders of pasta, croissant, and 2 slices of chocolate roll cake." Order ko.

" Nathan, nagpaalam ka ba kay Ivor?" Umiling ako sa tanong ni Shekina.

" Hindi. Sa mga kasamahan ko lang–"

" Gusto kang makilala ng manager ko. G-gusto ka niya kasi para sa akin." Nakayuko siya matapos niyang sabihin iyon. Anong gusto nilya ako para kay Shekina?

Gusto nilang maging girlfriend ko si Shekina? Heck, yes.

" Kakausapin ko siya sa susunod na araw." Tanging sagot ko lang kahit na kinikilig na ako sa loob loob ko.

Bumusangot naman siya.

" Iyon lang ang sagot mo? Gusto ng manager ko na maging tayo, Nathan. Wala ka bang masasabi doon?" Tanong niya sa akin habang nakabusangot.

" Gustong gusto ko, Shekina. Ikaw ba? Ayaw mo ba? Kaya ba malungkot ka kasi ayaw mong makatuluyan ako?" Hinawakan niya ang braso ko at saka siya umiling.

" Hindi sa ganoon, Nathan. Hindi pa kasi ako nakakapasok sa isang relasyon simula noon pa, kahit noong hindi pa ako sikat kaya hindi ko alam kung paano ang gagawin at paano pumasok sa isang seryosong relasyon." Ngumiti ako sa sinabi niya. I like her for being honest, no boyfriend since birth, huh.

Hinawakan ko ang kamay niya.

" We can try, Shekina. We can always try. Kung wala talaga, edi hindi tayo papasok ng relasyon. Pero kung as the time goes by, at may nararamdaman na tayo sa isa't isa. Uunti-untiin nating pasukin ang seryosong relasyon na iyan, okay?" Tumango siya. Lumapit ako sa kaniya at saka ko hinalikan ang noo niya. Sakto naman na dumating na ang order sa counter kaya nagbayad na ako. Mabuti nalang at hindi niya ako namukhaan lalo na ang magandang katabi ko sa passenger seat ng sportscar ko.

" Hindi ba strikto si Ivor pagdating sa mga relasyon niyo? Paano kung ayaw niya saating dalawa? Paano kung ayaw niya sa akin?"

" Walang may ayaw sayo, Shekina. At kung mayroon man, wala akong pakialam. Basta gusto kita, iyon ang mahalaga. Ipaglalaban kita hanggang sa magustuhan ka ng lahat. And besides, sa isang relasyon, hindi naman kailangan ng approval ng iba kung pwede kayong magsama. Basta mahal niyo ang isa't isa, walang makakapag-hiwalay sa inyo." Ngumiti siya sa akin.

Ako na ang nagbitbit ng mga pagkain namin nang makarating kami sa lugar kung saan makikita ang city lights. Nakangiti si Shekina at excited niyang binuksan ang kotse ko, bago siya nagtatatalon habang nakatingin sa paligid.

" Wow..." Puri niya. Nakatingin siya sa view at hawak hawak niya ang telepono niya. Kumukuha siya ng litrato habang ako naman ay inilapag ang pagkain sa benches na narito.

" A-ang ganda ganda, Nathan.." Aniya.

" Mas maganda ka, Shekina."

Kinuha ko ang telepono ko at gumaya din ako na kumuha ng litrato ng view pero kasama siya. Mas lalong gumanda ang picture dahil kasama siya sa frame. Napangiti ako.

" Sabi saakin ng Lola ko noon na kapag nalulungkot daw ako, tumingin lang daw ako sa langit o sa mga lugar na magaganda kasi pinanunuod niya raw ako mula roon. Palagi niya raw akong binabantayan kaya kapag nalulungkot ako, kahit na anong oras ay lumalabas ako ng bahay para humanap ng magandang view." Napalingon ako sa mahabang litanya niya. Naupo kami sa bench habang nasa gitna namin ang mga pagkain na dala namin.

" Gusto mo rin pala ang city lights. Akala ko tanawin kapag may araw lang ang gusto mo." Sambit ko.

" Actually, mas gusto ko ang view sa gabi kaysa sa araw. Pero ang nakasanayan kasi namin ng Grandma noon ay view sa umaga kaya iyon din ang palaging hanap hanap ko. Ngayon nalang ako nakalabas at nakakita ng city lights." Nagsimula kaming kumain habang nakatingin at nakamasid sa view.

Napaka-relaxing at napaka-ganda ng paligid.

" Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Umiling siya.

" Hindi. Mag-isa ko lang doon kaya walang maghahanap sa akin."

Ilang minuto kaming nanahimik. Walang nagsasalita. Nakatulala lang kaming dalawa sa tanawin habang dinadama rin ang malamig na simoy ng hangin. Nang nalingon ko si Shekina ay nakapikit ang mga mata niya at nakangiti siya habang ninanamnam ang sariwang hangin. Kinuhanan ko siya ng litrato nang mabilisan.

" Ang ganda ganda mo, Shekina." Puri ko sa kaniya na nakapag-pamulat sa mga mata niya. Nahihiya naman siyang ngumiti sa akin nang mapagtanto niyang sa kaniya ako nakatingin mula pa kanina.

" Salamat, Nathan. A-ang gwapo mo rin." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang humarap sa kaniya.

" W-what did you say?" Ulit ko pang tanong sa kaniya.

She smiled at me.

" Ang gwapo mo, Nathan."

His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6) Where stories live. Discover now