" Hindi pwede 'to!"
Sigaw saakin ni Ivor habang nasa loob kami ng opisina niya. Hawak hawak ko ang kamay ng babaeng pinakamamahal ko.
" Why? Dahil ba dalawa nalang kami ni Cody na wala pang babae kaya nirereserba mo kami? How come hindi kami pwedeng magmahal kagaya nila?" Natigil si Ivor sa sinabi ko, kahit anong gawin niya ay hindi ko hihiwalayan at tatalikuran si Shekina.
Mahal namin ang isa't isa.
" Then go, Nathan. Ipangalandakan mo sa buong mundo na may girlfriend ka na rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo!" Sigaw niya sa akin. Umalis siya sa opisina niya at naiwan kaming dalawa ni Shekina dito sa loob.
Hinawakan ko ang kamay niya at saka ako humarap sa kaniya.
" Don't mind him. Alam ko ang ginagawa ko at may plano na ako para saating dalawa." Niyakap niya ako nang matapos akong magsalita.
" Paano kung ayaw sa akin ng mga kaibigan at fans niyo?"
Umiling ako.
" No, Shekina. Don't say that. Matatapos natin ito."
Hinagod ko nang dahan dahan ang likuran niya. Wala akong choice...
" I'll show them my darkest revelation."
YOU ARE READING
His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6)
FanfictionThe Darkest Revelation of Nathan Aillard Monteclaro. Bilang isang Idol, hindi na ata uso ang lovelife para sa kanila. Pero para kay Nathan, gagawin niya ang lahat para hindi nila malaman ang isang rebelasyon na ikagugulo ng buong fans at ka-grupo n...