Chapter 15

1 0 0
                                    

" Ayos ka lang?"

Nalingon ko si Cody nang magsalita siya sa gilid ko habang naglalakad kami papunta sa dance studio. 

" Masakit lang ang ulo ko, Cody."

Naupo ako sa upuan sa dance room nang makaramdam ako ng hilo.

" 30 minutes break muna. Hindi maganda pakiramdam ni Nathan." Anunsiyo ni Cody sa buong team nang makapasok sila lahat. May ibang staff naman na umalis at pagbalik ay may kasama na silang mga first aid staffs papasok dito sa dance room.

" Ayos lang ba siya?" Dinig kong tanong ng isang ka-grupo ni Shekina kay Alex.

" Oo, medyo nahihilo at masakit lang daw ang ulo niya." Sagot naman ni Alex sa kanila.

Pinaupo ako ng mga staff at pinasandal sa dala dala nilang isang sofa. Kinuhanan nila ako ng BP, at kung ano ano pang tests ang ginawa sa akin. Nakapikit lang ang mga mata ko dahil nahihilo talaga ako.

" Kumain ka po ba ng almusal kanina, Sir?" Tanong saakin ng Nurse.

Tumango ako.

" Opo, kumain po ako." Sagot ko naman.

Nagkumpulan na sa akin ang mga nurses at staff na mag-aasikaso sa akin. Ang ibang members ko rin ay nakaupo lang sa gilid at pinanunuod ang ginagawa sa akin, ang ilan naman ay kinakausap ang mga babaeng kasama namin para maaliw sila.

" Excuse me po..." Napadilat ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Shekina. Nahawi ang daanan niya papunta sa akin nang gumilid lahat ng staff na nakapalibot sa akin.

Hinawakan ni Shekina ang kamay ko, at saka niya hinawakan ang noo at leeg ko.

" Nathan, nilalagnat ka ba? Anong masakit sayo? Nahamugan ka ba kagabi?" Pabulong nalang ang huling tanong niya sa akin, baka marinig kasi ng mga staff na nakapalibot sa amin ngayon. Nakatingin silang lahat sa amin.

Nagkibit balikat ako sa tanong niya.

" Siguro? Hindi ko alam. Don't worry, I'm fine." Naupo siya sa sofa na kinauupuan ko rin at saka niya pinaalis ang staffs sa harapan namin.

" Ako na po ang bahala sa kaniya." Magalang na sabi niya sa kanila. Agad naman silang nagpaalam na lalabas muna, iniwan nalang nila ang mga gamit nila sa gilid ko.

Hawak hawak niya pa rin ang kamay ko, habang nakabusangot siya sa harap ko. Napatawa naman ako sa reaksiyon ng mukha niya.

" Kung iniisip mong kasalanan mo, hindi. Wala kang kasalanan. Ginusto kong makipagkita sayo kagabi, kaya huwag kang mag-alala. Ngumiti ka na." Umiling siya sa sinabi ko, at saka padabog niyang inayos ang upo niya.

" No, I feel like it's my fault–"

" Shh, wala kang kasalanan, okay? Walang may gustong mangyari 'to kaya ngumiti ka na. Magiging maayos din ako mamaya maya." Nang makumbinsi ko siya ay nagsimula na siyang makipag-usap sa mga kasama namin dito sa dance room, ilang minuto pa ay maayos naman na ang kalagayan ko, kaya tinuloy na namin ang practice. Kung minsan lang ay hindi ako nakakasama dahil nagpapahinga ako.

Nakailang ulit kami ng sayaw, bago namin napagpasiyahang magpahinga na muna. Naupo ang ilan sa sahig, dahil sa pagod. May inilagay naman na lamesa ang staff at sinabing hintayin nalang daw dito ang pagkain namin, para hindi na kami lalabas pa ng dance room.

" Ayos ka na?" Bulong sa akin ni Shekina nang makaupo siya sa tabi ko. Tumango ako.

" Maayos na ako. Napagod ka? Nandoon ang tubig ko." Turo ko sa gilid ng upuan kung saan nakalagay ang mga gamit namin.

Tumayo siya at kinuha niya ang tubigan ko, at saka siya bumalik sa tabi ko.

" Here. Iinom ka?" Tanong niya. Umiling ako. Binuksan ko ang tubigan ko, at saka ko ito iniabot sa kaniya.

" Diyan ka na uminom sa tubigan ko." Utos ko. Walang pag-aalinlangan naman siyang tumango at uminom sa tubigan ko. Alam kong tinitignan kami ng iba naming kasama pero wala akong pakialam, basta magkasama kami ni Shekina dito ay wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba.

Tabi pa rin kami ni Shekina nang mai-ayos na ang pagkain namin. Nakaupo kaming lahat sa sahig, may sapin naman kaya hindi kami malalamigan kung sakali.

" Siguro kung may video ang dance practice natin ngayon, nakailang ulit na tayo dahil sa kakatawa ni Alex at Brian." Lumakas ang tawanan sa kwarto dahil sa pabirong sambit ni Cody.

" Paano kasi, hindi niya masabayan iyong ibang steps tapos dinadamay niya sina Alisha." Turo ni Brian kay Alisha, isa sa member ng New Gems.

Tumawa naman si Alisha at saka siya nagsalita.

" Tinuturo ko nga sa kaniya iyong steps kaso hindi niya talaga makuha, buti nalang nakuha niya noong itinuro na sa kaniya ni Hershey." Busy ang lahat sa pagkain at pagku-kwentuhan. Hinubad ko ang jacket na suot ko at inilagay ko iyon sa hita ni Shekina. Naka-shorts lang siya kaya alam kong nilalamig na iyan. Ipinatong ko ang kamay ko sa hita niya nang mailapag ko ang jacket sa kaniya.

Tinignan niya ako.

" Nathan.." Aniya.

" Hmm?"

" It's warm–"

Natigil siya sa pagsasalita ng lahat sila ay nakatingin na sa aming dalawa. Napalunok ako.

" Warm na iyong pagkain, kanina pa kayo nag-uusap e." Palusot kong sabi sa kanila. Nakumbinsi naman sila kaya nagpatuloy kami sa pagkain. Pero nakita kong nakatingin si Brian sa akin habang isinesenyas ang ilalim ng lamesa, nakita niya siguro na nakapatong ang kamay ko sa hita ni Shekina.

Napangisi ako.

Nang matapos kaming kumain ay kay Shekina nila iniabot ang gamot ko, nagtataka pa ako dahil ang mga staff ang nag-abot niyon kay Shekina at nagtititili sila nang makaalis sa dance room. Ang weird nila.

" Here's your medicine. Inumin mo na para makapag-pahinga ka na." Ani Shekina. Kinuha ko ang gamot na binuksan niya at saka ko ito ininom.

" Bagay kayo." Sabay na sabi ni Hershey at Alisha sa harapan naming dalawa. Pinanlakihan naman sila ng mata ni Shekina.

" Sobra." Sagot naman nina Alex at Brian sa gilid ko. Napangisi ako dahil sa kilig.

" Nathan, uuwi ka na pagkatapos dito ha? Matulog ka. Kahit na huwag ka munang tumawag sa akin, basta magpahinga ka–"

" Sama ka nalang sa bahay namin, Shekina. Ayos lang naman." Ani Kyle.

" Totoo?"

" Oo."

Tinignan ako ni Shekina at saka siya tumango.

" S-sige, sasama ako."

I smiled.

" Thank you, baby."

His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6) Where stories live. Discover now