Chapter 9

0 0 0
                                    

" Galit ka ba sakin, Kyle?"

Naupo siya sa upuan dito sa veranda. Nakatingin siya sa malayo.

" Kaya mo bang panindigan ang bagay na 'yan, Nathan? Iyang pinasok mo kasama si Shekina?" Tanong saakin ni Kyle. Napayuko ako sa unang tanong niya, nagkibit balikat ako.

" H-hindi ko alam, honestly speaking. Pero magtitiwala ako sa sarili ko. Nagawa niyo e, siguro naman kaya ko rin?" Tumingin sa akin si Kyle. Ngumiti siya sa akin at saka tinapik ang balikat ko.

Nabunutan ako ng tinik nang ngumiti siya sa akin.

" Susuportahan ka namin. Pero alam naming alam mo kung ano 'yang pinasok mo. Kung kailangan mo ng tulong, magsabi ka lang. Tutulungan ka rin naming sabihin 'yan kay Ivor. Sa ngayon, mag-focus ka muna sa inyong dalawa ni Shekina, palalimin niyo muna ang pagtitinginan at nararamdaman niyo sa isa't isa at kung sigurado na kayo, saka na kayo umamin sa publiko." Mahabang litanya ni Kyle. Alam kong kahit saan at anong problema ay nandiyan siya lagi, lalo na ang buong grupo, kaya naman masaya ako na may ganito akong pamilya.

Hinding hindi ka nila huhusgahan at sasamahan ka sa kahit na anong problema.

" Salamat, Kyle. Iyan din muna ang plano ko sa ngayon, lalo na at ilang buwan natin silang makakasama. Salamat sayo, alam kong nandiyan ka palagi para sa amin." Nag-fist bump kaming dalawa nang matapos kaming mag-usap. Sabay kaming lumabas ng veranda at bumalik sa ibaba para makipag-usap sa iba naming kasama sa bahay, nakita kong nagluluto nanaman si Alex sa kusina, may balak ata silang manuod ng movie ngayon a.

Tumalon ako sa ginawa nilang higaan gamit ang mga sofa. Masaya ako dahil kahit na may mga asawa na ang iba sa amin, silang lima–ay hindi pa rin nagbabago ang pinag-samahan namin. Ginagawa pa rin namin ang mga ginagawa namin noon at mas lalong tumitibay ang samahan namin ngayon.

" Anong ganap nanaman ngayon?" Tanong ni Timothy nang makababa siya mula sa kwarto niya.

" Tuturuan natin si Nathan kung paano ang gagawin para mapa-inlove niya sa kaniya si Shekina–" Binato ko ng unan si Cody.

" Ang sama mo! Kaya ko!" Sigaw ko sa kaniya.

" Joke lang. Manunuod daw bago tayo matulog kasi maaga naman dapat bukas. Break the rules." Ani Brian. Napailing si Kyle sa sinabi niya. Si Theodore at Timothy ay naroon sa kusina at parang batang nakasunod kay Alex habang nagluluto ng kakainin namin, nagtatawanan sila doon, kaya naman nahahawa kaming mga nandito sa sala.

" Same genre at vibes kasi kayo ni Shekina. Sa pananamit palang at style ng pagsasayaw tsaka sa positions niyo sa grupo, bagay na bagay talaga. At alam kong iyan din ang dahilan kung bakit nag-focus ka sa kaniya this days." Ani Brian sa akin na tinanguan ko kaagad. Noong unang araw palang na nakita ko siya sa airport, ibang iba talaga ang pakiramdam ko noon sa kaniya.

" Yeah. I love her style. Tapos mas lalo ko pa siyang nagustuhan noong sinabi niya na kapag daw may unang lalaking nag-aya sa kaniya na manuod ng mga magagandang view ay papakasalan niya raw, e ganoon din ang sinabi sa akin ni Lolo noon." Laglag ang panga silang tumingin sa sinabi ko.

" Totoo?!" Hindi makapaniwalang tanong nila sa akin, tumango naman ako sa kanila.

" Oo, totoo. Hindi ako nagbibiro."

Tumulong kami na mailagay sa lamesa namin sa sala ang mga pagkain na niluto ni Alex. Marami iyon dahil malakas kaming kumain tuwing nanunuod kami ng palabas.

Shekina: Are you busy?

Nathan: I'm not. Why?

Humanap ako ng magandang pwesto para makanuod. Nang kumportable na ako ay  nahiga na ako at hinintay ang movie na papanuorin namin.

Shekina: I can't sleep.

Nathan: Why? May problema ba?

Shekina: Hindi ko rin alam. Hindi ako makatulog.

When the movie started, pinatay nila lahat ng ilaw. Nag-focus din ako sa panunuod pero hinihintay ko ang reply ni Shekina para makapag-reply ako kaagad sa kaniya.

Nathan: Let's watch a movie together.

Shekina: What movie?

Nathan: Your favorite one.

Nilantakan ko ang pagkain habang hindi inaalis ang paningin sa movie, hindi ko pa kasi ito napapanood kaya naka-focus talaga ako sa story.

Shekina: Really? You will do that? Maaga rin kayo bukas for sure.

Nathan: Edi sabay tayong ma-late kung kinakailangan. Basta makatulog ka.

" Shit!" Mura naming sabay sabay nang naging intense na ang pinanunuod namin. Napatawa pa kami nang sabay sabay ang reaksyon naming lahat.

" Parang tanga! Bilisan mo!" Sigaw ni Alex.

Shekina: Thank you so much, Nathan. I'll send you the link, wait.

Nathan: I can wait. Go ahead.

Pagkatapos ng movie ay bumalik na kaagad ako sa kwarto para mabuksan ang laptop ko. Nahiga na rin ako sa kama at baka sakaling abutan na rin ako ng antok mamaya habang kausap ko siya. Binuksan ko ang link na sinend sa akin ni Shekina. Agad akong tumawag sa kaniya.

" Hi." Bati niya sa akin, bati niya palang ay napangiti na ako kaagad.

" Hey. Uumpisahan na ba natin ang movie? O may gagawin ka pa muna?" Tanong ko sa kaniya. Nakita kong gumalaw siya at naglakad sa kung saan, may ipinakita siya sa aking bowl ng popcorn at tacos, kaya napatawa ako.

" Wow, prepared ka pala." Biro ko sa kaniya. Proud naman siyang ngumiti sa akin.

" Of course. I love watching movies. Game na?" She asked.

Tumango ako.

" Game na."

Habang nanunuod ng movie ay nagrereact kami sa pinapanood. Kumakain naman si Shekina sa camera, napapatawa nalang ako kapag nakikita ko ang reaksyon niya. Nakahiga na rin ako at ramdam ko na ang antok ko.

" Kapag inaantok ka na, huwag mong papatayin ang tawag." Bilin ko sa kaniya.

"Yes, boss!"  Aniya habang nakasaludo pa.

Maya maya pa ay ramdam kong papikit pikit na ang mata ni Shekina sa camera. Maging ako ay inaantok na rin. Siya na ang kusang nag-pause ng movie at saka siya nahiga sa kama niya. Hindi niya pinapatay ang tawag.

" I'm sleepy na.." Aniya habang nakapikit ang mga mata niya.

Napangiti ako.

" Goodnight, baby.."

" Goodnight, Nathan.."

His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6) Where stories live. Discover now