" Kanina ka pa sa cellphone mo, Nathan. Mag-focus ka muna dito."
Umayos ako ng upo ko nang mapansin ako ni Kyle. Itinago ko cellphone ko sa bulsa ko at saka ako nakipag-usap sa kanila.
" We will be having our collaboration with the New Gems." Napatigil kaming lahat sa sinabi ni Kyle. Hawak hawak niya ang isang folder at doon niya ata binasa sa amin ang sinabi niya.
Kinuha ko ang folder na hawak niya.
" New Gems X BTS.."
Ha?
Bakit pumayag si Ivor?
" Kailan pa 'to? Kailan 'to magsisimula?" Tanong ni Brian habang nakatingin sa folder.
" Mamaya kaagad. Ngayon lang sinabi sa akin kaya ngayon ko rin lang nalaman. At saka, parating na raw dito ang New Gems, kaya kailangan nating mag-ayos." Tatayo na sana si Kyle pero hinila ni Timothy ang braso niya at pinaupo ulit siya.
Nagtaas naman si Kyle ng kilay sa kaniya.
" Bakit hindi natin nalaman kaagad? Naisa-publiko na ba 'tong balitang 'to?" Ani Timothy. Umiling si Kyle sa kaniya.
" Nope. Saka daw isasa-publiko kapag nakapag-kita na ang dalawang grupo mamaya. Kaya tumayo na kayo diyan at magpa-ayos na kayo ng mga sarili niyo."
Iniwan kami ni Kyle na nakanganga sa mga upuan namin. Hindi man lang muna tinanong kung ayos lang ba sa amin na makipag-collab sa ibang grupo bago siya pumayag? O kahit man lang tinanong ang mga Army's kung papayag ba silang may kasama kaming ibang grupo. Nai-stress ako.
Sumunod kami sa kwarto kung saan kami inaayusan at saka kami nag-paayos ng aming mga sarili. Light make up at pinaayos lang ng kaunti ang buhok namin kasi wala namang camera mamaya. Naririnig na namin ang mga ingay sa labas ng kwarto kung nasaan kami kaya tumayo na si Kyle at sinilip iyon.
" Nandiyan na sila. Diretso daw tayo sa conference room, sabi ni Ivor." Ani Kyle habang hawak hawak ang telepono niya at kumukuha pa ng litrato ng sarili niya. Napatayo na rin ako.
Makikita ko si Shekina. At makakasama pa ng matagal.
" Tara na." Sabay sabay kaming pito n naglakad papunta sa conference room. Nasa likod namin ang mga staff, kita pa namin sa harapan namin ang iilang staff ng New Gems na nakatingin sa amin.
Nang makarating kami sa conference room ay kinakausap ni Ivor ang grupo, tumayo naman sila nang makitang papasok kami at paupo kami sa harapan nila. Ngumiti lang kami.
" Hello, we are the New Gems." Sabay sabay nilang sabi.
" Nice to meet you all. BTS here." Ani Kyle. Nakipag-shake hands kami sa kanila isa isa.
Nauna akong nakipag-shake hands kay Shekina dahil siya naman ang nasa harapan ko. Ngumiti siya sa akin.
" Nice to meet you again, Nathan." Aniya sa mahinhing boses. Kinuha kk ang kamay niya at saka ko ito hinalikan.
" I'm glad we met again, Shekina—"
" Ehem.." Kunwaring ubo ni Ivor sa harapan ko, natigil kami sa usapan dahil doon. Nabitawan ko rin ang kamay niya.
Kainis Ivor a.
" We will start your collaboration tomorrow. For now, I want you to familiarize each other kahit na kilala niyo naman na ang isa't isa. One thing, if you need anything just ask for help, nandito naman ang mga staffs namin to accompany you." Nakangiti si Ivor habang sinasambit iyon.
Nagkasalubong ang mata namin ni Shekina. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kaniya pabalik.
" BTS will tour you here later. Naghanda kami ng pagkain para sa inyo. Kaya hintayin muna natin dito bago kayo ililibot sa building." Panay naman sila pasalamat kay Ivor, nahihiya sila kaya madalang magsalita ang iba, si Shekina lang ang nagsasalita madalas kasi siya din naman ang group leader nila.
" Thank you so much po, it's really an honor na makapasok po dito tapos BTS pa ang magto-tour sa amin." Nagtawanan kami sa sinabi nila.
" It's fine. Sa susunod ay kami naman ang bibisita sa building niyo, soon." Singit ni Kyle sa usapan, tumango naman sila sa amin.
" Sure. We can also tour you there. Pero hindi hamak na mas malaki ang building niyo kaysa sa amin, nakakahiya naman po." Ani Shekina. Nahihiya pa siyang ngumiti.
Shit. Ang cute niya.
" Nako, wala namang kaso sa amin ang lugar. Basta makapasok kami at mai-tour niyo kami soon. It's our pleasure also."
Dumating ang mga pagkain namin sa kwarto. Sumama akong maghain niyon dahil medyo marami ang pagkain na ipinahanda ni Ivor para sa kanila. Nagsimula na rin lang kaming kumain agad.
" Wow. The food is nice." Puri nila sa pagkain.
Napangiti ako.
" Thank you, buti naman at nagustuhan niyo." Ani Ivor.
Walang naguusap habang kumakain, kung minsan lang ay maglalapag ng Daddy jokes si Alex pero tatawanan nalang namin kahit na hindi namin naiintindihan ang jokes na sinasabi niya. Kahit kailan talaga itong si Alex. Napaka-corny. Joke.
" This is Ivor's office." Ani Kyle habang hawak hawak ang doorknob ng pintuan ng opisina ni Ivor. Pinapasok namin sila doon at saka hinayaan na tignan at suriin ang lugar.
" Wow.." Anila.
" Next one is our recording studio." Binuksan ko ang pintuan at hinayaan silang makapasok doon. Malawak ang recording studio namin kaya kasyang kasya kaming lahat sa loob.
Nilibot nila ang buong studio bago kami lumabas doon.
" It's nice." Sabi sa akin ni Shekina na ikinagulat ko. Nasa tabi ko pala siya at nakangiti sa akin.
Ngumisi ako.
" Yeah. Maganda talaga dito." Medyo mayabang na sabi ko sa kaniya. Hinampas niya naman ang braso ko nang mahina.
" Tsk, mayabang." Aniya pero pabiro iyon. Sabay kaming tumawang dalawa.
" This is our dance studio. Kung saan kami nagco-cover ng dance practice namin. And dito kami nag-aaral ng sayaw." Manghang mangha sila habang nakatingin sa dance studio namin.
" Wala kayong mirror na gamit kapag sumasayaw?" Ani ng isang member nila.
" Uh, actually mayroon. Pero madalas hindi namin gamit. May takip ang mirrors namin kaya naibaba namin anytime kung hindi namin kailangan ng mirror sa pagsasayaw." Bumilog ang mga bibig nila sa sinabi ni Kyle. Ngumiti naman si Kyle sa kanila.
" Nathan, pwedeng magtanong?"
YOU ARE READING
His Darkest Revelation ( His Darkest Series #6)
Fiksi PenggemarThe Darkest Revelation of Nathan Aillard Monteclaro. Bilang isang Idol, hindi na ata uso ang lovelife para sa kanila. Pero para kay Nathan, gagawin niya ang lahat para hindi nila malaman ang isang rebelasyon na ikagugulo ng buong fans at ka-grupo n...