CHAPTER 01

435 20 0
                                    

“Alisha POV”

“ALISHA!” Narinig kong pasigaw na tawag sa akin ng bestfriend ko na nasa aking likoran. Babagal-bagal kasi s’ya kung kumilos kaya iniwanan ko at nagmamadali na naglakad papunt ng cafeteria. Nilingon ko naman s’ya at nilakihan ng mata dahil na i-iskandalo ako sa lakas ng pagtawag n’ya sa pangalan ko.

Okay lang sana kung kami lang ang tao rito, ang kaso nasa cafeteria kami tapos tatawagin n’ya ako nang pagkalakas-lakas.

Nakakahiya!

Madali kong tinungo ang kinaroroonan n’ya. Nakatayo ito malapit sa pintoan habang nakaduko at nakakapit sa tuhod. Hingal na hingal ito at parang may dinaanang delubyo dahil sa pawis na nagpapakinang sa leeg at noo n’ya, magulo rin ang buhok nito.

Mukha na s’yang bruha. HAHAHA.

“Bakit ba?” Pagtataray ko rito.

“Sorry, besty. Hintayin mo kasi ako.” Nakanguso naman n’yang sagot sa akin. Alam n'ya, kasi na nabwibwisit na ako sa kan'ya, kaya nagpapa-cute s’ya. Ang pinaka ayoko kasi sa lahat iyong pinagtitinginan ako. Kahit na ba sabihin na madalas akong tignan ng iba, kaya dapat sanay na ako, ayaw ko pa rin! Hindi halata, but I feel shy every time there is someone looking at me, especially if they are observing every move that I make. I feel like they are invading my privacy.

“Ang kupad mo kasing maglakad at kumilos kaya ka naiiwan.” Sabi ko sa kan’ya habang pataray na tinalikuran s’ya. Mabilis naman s’yang naglakad at pumantay sa akin, kinawit n’ya ang kan’yang braso sa aking braso. Ang init-init na nga kapit pa ito ng kapit!

“Grabe ka naman. HUHU” Nakalabi na naman ang gaga, akala n’ya siguro kinaganda n’ya ‘yon. HAHAHA

Patuloy akong naglakad papunta sa madalas naming inuupuan, which is sa kaliwa at dulong bahagi ng cafeteria. Wala masyadong umuupo rito kaya paborito ko/namin ang pwesto na ito. At sa kadahilanan na rin na rito ko s’ya unang nasilayan. Madali at tanaw ko s’ya sa pwesto na ito. HIHIHI.

Other than that is kumportable ako kapag wala masyadong tao sa paligid ko and this spot is the right spot for that. HAHAHA.

Pang-apatan ang lamesa at upuan na ito. Umupo ako sa usual na inuupuan ko, umupo rin naman sa aking harapan si Kate.

‘Para tanaw ko s’ya kung sakaling darating man s’ya…’

Oo nga pala, her name is Kate, and she is my one and only best friend. We have been friends since our first year of college. But now I’m thinking about why I befriended this talkative person. Kung ano kasi ‘yong kinaingay n’ya, s’ya namang kinatahimik ko. Tama nga siguro sila, that opposite attracts.
“Anong o-orderin mo best? Mag eat ka ng rice?” Tanong n’ya sa akin.

“Nah, I have my baon. Nagtitipid ako ngayon kaya nag packed na lang ako ng lunch.” Nahahawa na talaga ako sa ka-conyohan ng babaitang ‘to. HAHAHA.

Nagtitipid ako ngayong lingo dahil malapit na naman ang bayaran ng apartment na tinitirahan ko. Nasa probinsya kasi ang mga magulang ko at narito lamang talaga ako sa Manila para mag-aral.

I’m actually scholar kaya nakapag-aral ako sa private school na ‘to. Ang swerte ko dahil noong nag-college ako ay biglang in-open ang school na ito para sa mga scholar. Isa ako sa mga swinerte sa isang libong nag-apply para sa scholarship at 3 lang kaming natanggap. Mataas din kasi ang expectations and requirements ng school kaya pahirapan talaga ang pagpasok dito. That same year is actually the first and last year na tumanggap sila ng scholar. I felt so lucky that day, and until now, I’m still grateful for the opportunity that they have given me.

Nagpa-part time  ako para masuportahan ko ang ibang pangangailangan ko dahil sapat lang ang perang pinapadala ng magulang ko sa akin pambayad ng upa sa apartment at pagkain pang isang buwan. Hindi iyon sapat dahil marami rin akong pangangailangan na gamit sa school at sa pang araw-araw na buhay.

Actually, marami akong part-time jobs. Nasasayangan kasi ako sa mga oras na wala akong gingawa kaya kapag may oras ako na libre sa schedule ko, naghahanap agad ako ng trabaho na pwedi rito.

“Ah, okay. But do you want anything? My treat don’t worry.” ‘Na all may panlibre, iba talaga kapag anak mayaman. HAHA. Mayaman kasi ‘tong gagang ito! Anak s’ya ng isang sikat na CEO at lawyer sa Pilipinas.

“I’m fine with my baon so huwag ka nang mag-alala.” Nakangiting tugon ko naman sa alok n’ya. Napaka generous n’ya talaga. Actually, isa iyon sa dahilan kung bakit kami tumagal bilang magkaibigan, masyado s’yang mapagbigay na hindi ko naman matanggihan dahil mapilit s’ya. Turan n’ya nga ‘I don’t accept ‘no’ as an answer.’ Maintindihan din s’ya at maalaga kaya wala akong marereklamo sa kaniya bukod sa napakaarte n’yang magsalita at napakabagal n’yang kumilos, mabilis pa yata iyong pagong sa kaniya.

“HMM… Then wait me here okay, I’m just going to order my food. Don’t start eating without me.” Nag okay sign naman ako sa kan’ya kaya mabilis na s’yang tumayo at nagpunta sa counter para mag-order.

Habang hinihintay ko si Kate na dumating nakarinig naman ako nang malalakas na tilian.
Hmmpt, ang iingay naman ng mga estudyanteng ‘to, nakakarindi na.

‘I think they are already coming…’

Tama nga ako dahil magkakasabay na pumasok ang apat na magkakaibingang propesora na paborito ng Diyos. HAHAHA.

To be honest ang gaganda talaga nila para silang mga greek goddess na bumaba sa Mt. Olympus. Ang cliché at lame but it’s true. For me understatement pa ng iyon dahil walang words na makakapag describe kung gaano s’ya ka ganda sa paningin ko. Plus the fact na ang yayaman nila. Nakakapagtaka nga na mga teacher sila at hindi mga model dahil hindi n’yo naitatanong mga matatangkad din ang mga hot professor n’yo, HAHAHA.

Hmmmm, I’m feeling déjà vu. It’s been three years pero kaparehong pakiramdam pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko s’ya.

“Prof. Smith ang ganda n’yo po!!”

“Anakan n’yo ko prof. Smith!!”

Bawal ako lang dapat! Hmpt. ‘As if kaya n’ya, wala naman s’yang hotdog na mahaba at mataba.’ Segunda naman agad ng utak ko na pinagsawalang bahala ko lang.

“Handa akong umulit basta ikaw ulit ang teacher ko prof. Adam”
Hibang!

“I’m fallin’ for you, prof. Lee!”
Ang corny mo naman girl!

“Sa’yo lang kakalampag prof. Montez!!”
Ang squammy!
Everytime na may sisigaw agad naman akong may side comment, nakakairita na kasi.

Grabe talaga parang hindi anak mayaman ‘tong mga ito kung makatili at magsisigaw, ptsst. Hindi talaga nabibili ng pera ang delikadesa. Tularan n’yo ako low-key lang na malandi. HIHIHI.

“SHUT THE HELL UP!! ANG IINGAY N’YO!!” Napaigtad naman ako sa sigaw ni Prof. Smith. Iyan tuloy sumigaw na s’ya dati tingin palang tumatahimik na.

Mabilis na nagsitahimik ang lahat. Sa sobrang tahimik nga parang may dumaang anghel. HAHAHA.

DESERVE! HAHAHA. Ingay pa more.

Nakakatakot talaga ang apat na professor na ‘yan.

Usap-usapan talaga ang pagiging cold at terror nila. Hindi ko pa kasi sila nagiging teacher kaya umaasa lang ako sa mga naririnig kong bulong-bulongan tungkol sa kanila, especially, sa kaniya. Pero kahit usap-usapan lang ang mga ‘yon halata naman talaga sa kanila ang pagiging terror sa hills pa lang na suot nila, confirm na. HAHAHA.

Secret lang natin ‘to pero crush ko talaga si Prof. Smith. Ang ganda n’ya kasi kaya ‘di ko maiwasang hangaan s’ya, HUHUHU bels. Sa hight n’ya palang na 5’11 kuhang kuha n’ya na ako. Samahan pa ng sexy n’yang pangangatawan, baliw na baliw na ako sa kan’ya. At idagdag pa na may roon s’yang perpektong mukha with the combination of asul na mga mata, pointed nose, perfect brows and pouty red lips. Wala na, finish na talaga!!!

Kahit babae s’ya handang-handa akong bumukaka para lang sa kanya. HAHAHA. Kiss me and touch me, Ma’am! Charot.

‘Landi mo naman friend!’ Segunda ng utak ko sa akin.

‘Che! ‘lam kong bet mo rin ang idea na hinahawak-hawakan ka ni ma’am kaya ‘wag ako! Remember ikaw ang utak ko. HAHAHA.’ Epal talaga nitong utak ko ehh.

Patuloy silang naglakad papunta sa usual din nilang pwesto which is sa gitnang bahagi naman, na tanaw na tanaw ko mula rito.

Ewan ko ba sa mga ‘yan trip ‘ata talaga nila ‘yong pakiramdam na sila ang center of attention ng lahat kaya bet na bet nilang sa gitna umuupo at kumain. Nagsiupo naman sila at panandaliang nag-usap. Hindi ko man marinig kung ano ang pinaguusapan nila, halata namang tungkol ito sa kung anong o-order-in nilang food dahil tinaas ni Prof. Adam ang kaniyang kamay. May lumapit na isang staff ng cafeteria sa kanila at kinuha ang order ng mga ito. Mga special ‘yang mga ‘yan kaya sila lang ang kinukuhanan ng order. Pamilya kasi ni Prof. Smith ang may ari ng school, at sabi ng iba ti-na-ke over n’ya na rin daw ito.

Umiwas na ako ng tingin sa kanila dahil baka mahalata n’ya akong pinagmasdan s’ya. HAHAHA. Ako na lang kasi ang naiwang nakatingin sa kanila ‘mula noong sumigaw ang bebe labs ko. HIHIHI.

Bakit ba hindi ko mapigilang pagmasdan s’ya?

Nakita kong palapit na sa akin si Kate kaya kinuha ko na rin ang baon ko mula sa aking bag. Nilabas ko na rin ‘yong tumbler ko na may lamang tubig. Ni ready ko na rin ang kutsara at tinidor, mistulan akong excited na naghihintay na makakain. Ang bagal kasing maglakad ni Kate. HUHU. Gutom na ako!

“Sorry, matagal ba ako? Dumating kasi sila prof kaya nataranta ang mga staff sa counter. But anyway binilhan kita ng chocolate cake for your dessert, HEHEHE.” Paghingi n’ya naman ng paumanhin habang nilalapag ang mga order n’ya sa lamesa. Nilagay n’ya rin sa tabi ng baunan ko ang slice ng cake na favorite ko.

Generous talaga ‘tong babaitang ito. Sabi ko na ngang okay na ako sa baon ko, ang kulit talaga. Pero shempre I’m still grateful kasi binilhan n’ya ako ng favorite ko.

“Nag-abala ka pa, pero salamat. Love mo talaga ako. HIHI.”

“No worries, let’s eat.” Nakangiti n’ya namang sabi.

Nag pray na kami at kumain nang magana. Nawala na rin sa isip kong nandito ang crush ko dahil ‘food is life’ ang motto ko sa buhay. Habang kumakain nagchichikahan din kami, shempre. HAHA.

Lumipas ang mga minuto panaka-naka ko s’yang tinitigan at alam kong nakakahalata na si Kate sa kin dahil may pang-iinis n’ya ako kung tignan, may ngisi pa ito sa labi na para bang iniis ako.


Inirapan ko naman s’ya kaya naging dahilan ito kung bakit s’ya natawa ng malakas na naging dahilang ng pagtingin sa amin ng mga tao sa loob ng cafeteria.

“HAHAHA—ay sorry.”  Nag piece sign pa ito bahagyang ngumiwi dahil sa kahihiyang ginawa n’ya. Para naman akong tanga dahil agad na tumuon ang pansin ko sa gawi ng bebe labs ko. Nakita ko naman ang tatlo na tumingin sa amin pero s’ya ay hindi.

“Uy… umasa s’ya. HAHAHA.” Nang-iinis na naman si Kate kay hindi ko mapigilang hampasin s’ya  sa braso at samaan ng tingin.

“Sige inisin mo lang ako, hindi kita pakokipyahin sa mga exam.” Irita kong sabi sa kaniya. Dahil sa sinabi ko ay nanlaki ang malaki n’ya ng mata.

“Parang biro lang eh, wala sanang personalan.”  O ‘di ngayon takot ka. Minsan may pagka squammy din talaga itong si Kate. HAHAHA.

“Bahala ka d’yan.” Inirapan ko pa s’ya kaya nataranta ito at kung ano-ano na ang pinagsasabi.

“Libre kitang orange waffle later. Gusto mo iyon, right? Mamayang uwian.” Anong tingin n’ya sa akin cheap? May pa orange waffle pa s’yang nalalaman, kwek-kwek lang iyon eh. Luh, asa s’ya!

“Okay you are forgiven na basta ba 30 pesos ah!”  Bumungisngis naman ito at tumango pa. “Kahit 50 pa basta ikaw. HAHAHA.” Ang sabi n’ya rin.

HEHEHE, sorry naman basta kwek-kwek hindi ko matatanggihan. Favorite ko iyon eh.

PROFESSOR SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon