CHAPTER 09

175 13 0
                                    


Lumipas ang weekends ko na parang walang nangyari, natulog lang ako at nagpahinga buong araw dahil wala rin naman akong ibang gagawin. Since nagresign na nga ako sa mga part time job ko wala na akong ibang ginagawa tuwing weekends, hindi tulad noon na halos mamatay na ako dahil sa sobrang pagod sa katratrabaho.

Maaga akong gumising para maagang pumasok. Nakagawian ko na rin kasi.

6:30 am palang pero nandito na ako sa school. Naglalakad ako sa hallway, may iilan na ring mga estudyante ang papasok sa sarili nilang mga silid. May 7 o' clock kasing pasok ang mga 3rd year ng ibang department. Malawak ang ngiti kong tinatahak ngayon ang daan papunta sa opisina ni prof. Smith.

Miss ko na s'ya...

Paliko na sana ako sa kaliwa kung nasaan ang opisina ni prof. noong may nabangga akong unidentified species. Jowk, hindi ko kasi napansin kung ano ba iyong nabanga ko kaya dumoko ako para makita ito.

Hala!

"Ay sorry po, miss. Ayos lang po ba kayo?" Hindi ako sinagot ng mgandang babae bagkus sinamaan lang ako nito ng tingin.

Pinagmasdan ko ito. Maliit s'ya na babae pero sexy. Sa tingin ko nasa 5'2 ang height n'ya. Mas matangkad kasi s'ya sa akin ng ilang  inches dahil 5'0 lang ako. Mukha s'yang mayaman dahil sa soot n'ya.

"Are you blind? Mukha ba akong maayos, ha?" Ang taray n'ya naman. Maganda sana pero mukhang masama ang ugali.

Natahimik lang ako sa sinabi nito, ayaw ko nang sumagot pero baka kasi humaba pa ang diskusyonan.

Yuyuko na sana ako para tulungan itong tumayo pero padabog na s'yang tumayo mag-isa.

Pinagpag n'ya ang kaniyang pwetan dahil may dumi ito.

Gusto ko sana s'yang tulungan pero natatakot ako.

"Sorry po ulit." Paghingi ko ulit ng tawad.

Hindi n'ya iyon sinagot at basta na lang ako tinalikuran at naglakad.

"Grabe, ang taray!" Napabuga na lang ako sa hangin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hmmm... Mukhang nandito na s'ya. Ang aga n'ya yata."

Kumatok ako para ipaalam na may tao sa labas. Madalas na nauuna ako sa kaniya dahil 6:45 pa ito kung pamasok. Binigyan n'ya naman ako spare key ng opisina n'ya kaya okay lang na maaga akong pumasok.

"Come in." Ang aga-aga pero mukhang wala na s'ya agad sa mood. Malalim ang boses nito at halatang iritado.

Grabe naman!

Nang makapasok, agad ko itong binati.

"Good morning, bab-- I mean prof, HEHEHE." Ang shunga ko talaga. Dahil nakatingin ako sa kaniya nakita ko ang pag-angat ng ulo at pagkunot ng kilay nito. Kahit gusto kong tanungin kung bakit s'ya tumawag sa akin noong Friday ng gabi, hindi ko na ginawa. Bad mood kasi s'ya.

Hindi man ako nito binati pabalik, nakangiti parin akong lumapit sa mesa nito.

Napansin kong magulo ang mesa n'ya, ang ilang mga ballpen at papel ay nagkalat sa lapag.

PROFESSOR SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon