CHAPTER 06

202 12 0
                                    

"Alisha's POV"

I find myself inside my apartment. I couldn't make it to school, unsure if Ma'am had the same situation. It's been almost 8:25 a.m. since I got home from her place.


Considering I'm already late, I decided to just be absent for today. I'll just come up with excuses tomorrow for my professors about why I didn't attend class. Today was supposed to be my first day as Ma'am's student assistant, but it didn't happen since I didn't go to school.


I lost the energy to attend class. I don't know why. Maybe because I realized a lot after visiting her house and seeing what kind of life she has.

Nabahag yata ang buntot ko.

Nawala ang lakas ng loob ko at umimpis ang kakapalan ng mukha ko anong karapatan kong magkagusto sa kaniya? Bukod sa teacher ko s'ya, ang yaman pa n’ya.


At first, it was just a crush, but over the years, my feelings deepened, and it turns out I'm already in love with her. Shoot! I am madly in love with her!


I'm lying on my bed right now, reflecting and reconsidering my life decisions. Should I continue admiring her, or should I stop and find someone else to admire? Para namang ang daling gawin noon... I know I don't stand a chance with her, so I find myself questioning why I feel this way. Why am I disappointed, knowing how rich she is? Is it because I have no hope, especially since she's clearly straight?


"Ang bob*mo kasi heart! Ang dami-daming pweding magustuhan bakit s'ya pa?"
I whisper to myself in frustration.


I bury my face in the pillow, and I hug it tightly. Perhaps due to intense contemplation, I didn't realize that I had drifted away from consciousness. I gradually succumbed to sleep.

...................…...........


Maaga akong pumasok sa school. Sa ngayon nasa library, ako nag-a-advace reading para sa mga susunod na lesson. Gawain ko na talaga ang ganito simula noong nag-aral ako rito.


Hindi naman ako iyong sobrang grade conscious, but I always make sure na nasusuklian ko ng magandang grade ang mga sakrepisyo at paghihirap ng mga magulang ko, at para masabi na rin na 'I'm worthy to be part of the scholarship'.


Abala ako sa pagbabasa nang magring ang phone ko.


Kate Calling...

Agad ko naman itong sinagot.


"Hello, besh! Good morning!"
Masiglang bungad sa akin ni Kate nang sinagot ko ang tawag n'ya.


"Good morning too. Ang ganda yata ng gising natin, ah? Napatawag ka?"


"Besh, are you going to attend class today? Dito na me sa room, but you are still not here. Oh, are you in the library?"
Buti na lang sanay na ko sa kaconyohan ng babaeng ito.


"Yes, I'm in the library. Don't bother coming here. I'm already organizing my things now so I can head to class."
Kilalang-kilala ko na ang babaetang ito. Siguradong susundan n'ya pa ako rito.


"Hmmm... Ok, then goodbye. Bilisan mo ok? Naiinip na ko rito, wala ako kachikahan. HAHAHA," Mabilis na sabi n'ya before she hangs up the phone.


Mabilis ko namang inayos ang gamit ko at naglakad na papunta sa room namin. First class ko si Prof. Smith ngayong Thursday kaya medyo kinakabahan na ako. Sinipat ko ang wrist watch na suot ko.


Hmmm, 7:45 a.m. Pa lang naman...

Ayoko ko kasing ma late ulit sa kan'ya, nakakahiya.


Saktong 5 minuto nang makarating ako sa room, walang pag-aalinlangang pumasok ako sa loob. Natanaw ko sa bintana na wala pa naman si ma'am, kaya okay lang na pumasok ng hindi bumabati.


"Besh, dito!"
Nakita ko naman si Kate kaya, tinahak ko na ang ang pwesto namin.


"Himala ang aga mo yata?" Nakatas ang kilay na pag-uusisa ko. Madalaks kasing late ito kapag first sub.


"Shempre, I don't want to be late. Nakakatakot kaya si Prof. Smith."

Tumango lang ako sa naging sagot n'ya, dumukdok na lamang sa armrest at pumikit.


Naramdaman ko namang sumandal ito sa akin at dumukdok din s'ya sa likod ko. Hinayaan ko lang s'ya, sanay naman na ako na ganito s'ya sa akin.


Tahimik din ang iba naming nga kaklase, kaya halos maka idlip ako.


Lumalalim na sana ang tulog ko ng biglang may malakas na tunog akong narinig. Mali pala dahil mukhang narinig din ito ni Kate dahil halos sabay naming inangat ang aming ulo kung saan nanggaling ang ingat.


Nakita kong nakatayo si Prof. Smith sa harap. Masama ang tingin sa gawi namin ni Kate. Halos magsalubong din ang mga kilay nito nang magtama ang mga mata namin. Bumaba ang tingin ko sa lapag, mukhang nabagsak ang libro at loptop na lagi n'yang dala-dala. Walang nangahas sa mga kaklase kong tumayo para pulutin ang mga ito dahil bakas sa mukha ni ma'am ang pagkairita.



'Ano kayang nangyari sa kan'ya? ' Mahinang bulong ko sa hangin. Tumingin akong muli sa sa mukha n'ya, ganon parin ito. Nailang naman ako sa aking kinakaupuan dahil pakiramdam ko saakin lang nakatutok ang mga mata n'ya na para bang sa akin s'ya galit.


Patayo na sana ako para tulungan s'yang pulutin ang mga gamit n'yang nasa lapag kahit na nasa likurang parte pa ako ng room, ng s'ya na mismo ang pumulot nito. Nabitin naman ang pagtayo ko, kaya nakaramdam ako nang pagkapahiya sa aking sarili, kaya umupo na akong muli.



Pinagmasadan ko s'yang tumalikod sa amin habang tinatahak ang lamesa sa gilid para siguro ipatong doong ang mga dala n'ya. Sana hindi nasira ang loptop ang mahal kasi noon, nakakapanghinayang.


"So... you're already present, Reyes?"
May diing pagbangit n'ya sa pagpasok ko ngayong araw.
Shuta! Akala ko hindi rin s'ya nakapasok kahapon dahil anong oras na rin nang umuwi ako mula sa bahay n'ya. Paano niya ring nalaman na hindi ako pumasok kahapon gayong hindi wala naman kaming meet sa kaniya?


Parang may bumara sa lalamunan ko ng dahil sa kaba, kaya hindi ako makasagot at makapagsalita.


Lumakad ang kaba sa buong pagkatao ko, kaya wala akong ibang nasabi kundi. "Opo, p-rof." Nautal pa ako.


Wala itong naging sagot at bumalik lang muli sa gitna, nilibot nito ang mga mata n'ya sa buong classroom.


"Is there anyone absent for today?" Seryosong tanong nito sa aming lahat.


"None, ma'am!" We respond in unison.


"Very good then. Bring out a 1/2 lengthwise and write a number from 1 to 60. We will be having a quiz from yesterday's lesson."


Hala shuta! Anong quiz? Malas naman kitang absent nga ako kahapon. HUHUHU... Tyaka bakit may pasok sa kaniya kahapon?


Walang kaming nagawa kung hindi ang kumuha ng papel at numberan ito.






Kabadong-kabado na ako, huling numero na, pero wala pa rin akong masagot. Kinakalabit ko rin si Kate, pero maging s'ya walang maisagot. Mamaya tatanungin ko siya kung bakit nagakapasok kami kay ma’am kahapon.


"Finish or not, pass your paper from back to front." Matigas na sabi ni ma'am.


Ay gagi! Wala pa akong sagot. Buti sana kung multiple choice, pero hindi, identification ba naman! Grabe ka na, ma'am, ahh!


Hindi ko alam kung magpapasa ba ako o hindi. Pero nagpasa na rin ako, siguradong bagsak na ako n'yan, first quiz pa naman namin ito. Hayss! Nahilamos ko na alang ang aking palad sa mukha ko dahil sa sobrang pagkadismaya.



"That's it for today. Miss Reyes, help me carry this paper to my office." Hala! Dahil sa bigla ko sa pagtawag n'ya sa pangalan ko muntik na akong mahulog sa upuan ko. Inangat ko ang aking tingin sa kan'ya. Nakita kong daretso s'yang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo. Bumaba ang tingin ko sa mga papel na hawak n'ya.



Gaano ba kabigat ang mga papel na iyan para magpatulong pa s'ya sa akin?


Kadami-dami namin dito, bakit ako pa talaga?


"Are you just going to look at me, Miss Reyes? Get these papers now and come with me to my office!" Dahil sa sinabi n'ya, dali-dali akong naglakad at kinuha ang mga papel sa kamay n'ya. Naramdaman kong bahagyang nagtama ang aming mga daliri, kaya nag-init ang pisnge ko.


'Shet! Bakit may spark yata Bebe ko? '


Parang tangang naisatinig ko sa aking isipan.


Piniling ko ang aking ulo ng dahil dito. Dapat ko nang tigilan ang pagkakagusto ko sa kaniya.


Walang sali-salitang naglakad lang s'ya palabas, kaya sinundan ko na ito.



Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway, kaya lalo akong naiilang. Dahil nasa likod n'ya ako hindi ko maiwasang pagmasdan ang kabuoan n'ya. She wore her usual outfit, which is a white polo tuck in a black skirt. Ang sexy n'ya talaga, hayss.


Tumitibok ng mabilis ang puso ko, pero pinagsasawalang bahala ko lamang ito. How can I unlove her, kung araw-araw ko s'yang nakikita sa school?

Dahil sa malalim na pag-iisip, hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng opisina n'ya. She unlocks the door at dali-daling pumasok at pinatong ang loptop at librong dala-dala n'ya kanina.


Hindi ko alam kung ipapatong ko rin ba ang mga papel sa lamesa n'ya, kaya nagtanong na ako, kahit na naiilang ako dahil sobrang tahimik n'ya.


"Ma'am, dito ko rin po ba ipapatong?"
Tanong ko rito habang nakaturo sa lamesang pinagpatungan n'ya rin.


Nakatalikod kasi s'ya sa akin kanina kaya humarap pa ito. Pagharap n'ya, hindi ko maiwasang mapansin ang kunot sa kan'yang noo. Bakit kaya mukha s'yang galit? Meron ba s'ya today?


"Wala ka bang ibang sasabihin bukod sa bagay na iyan, Miss Reyes?" Nagulat ako dahil sa pagtatagalog n'ya. First time ko s'yang marinig na nagtagalog. Wow! Ang sexy n'ya lalo!


Dahil sa pagkamangha ko, hindi ko namalayang napanganga ako at napatitig sa kan'ya ng malalim.


"WHAT? ARE YOU DEFT?" Hala! Nagalit na yata s'ya lalo. Napalunok na lamang ako ng aking laway bago nagsalita.


"So-sorry po prof. Ano pong ibig n'yong sabihin?" Nalilito kong tanong sa kan'ya. Ano ba ang dapat kong sabihin?


"Are you serious? Reyes, do I need to be more direct in expressing myself?"


Napatango lang ako dahil sa tinuran n'ya. Nakita ko ang pag-ikot ng mata n'ya. I'm really dumb. HUHUHU.

"I need to hear your reason. Why didn't you attend your class yesterday? Didn't I tell you that it was your first day as my student assistant?"



Nanigas naman ako sa aking kinakatayuan ng dahil sa sinabi n'ya. Shuta! Nakalimutan ko na ang bagay na iyon dahil sa quiz na hindi ko masagutan kanina.


Eh, ang alam ko nga wala namang klase sa’yo kahapon pero biglang meron pala… ang daya!

.........


Thank you for reading my story!

PROFESSOR SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon