CHAPTER 13

138 12 0
                                    


"Happy 1.5k sa atin. Thank you for reading this story. I know that I'm still lacking in terms of writing, but I will make sure that I do my best to make this better and to finish it."

---

"Alam n'yo na ba iyong chika?"

"Chika? Hindi pa, ano ba iyon?"

"Si Prof. Smith daw may asawa na!"

"Is that legit?"

"When pa ba nagkamali ang source ko? Of course it's legit! Duh!"

Nangunot ang noo ko at nanlaki ang mga mata sa narinig na usapan ng tatlong babaeng nakasalubong ko sa hallway. Papunta kasi ako sa first class ko.

'Tama ba ang narinig ko? Huh?'

'Lalaki o babaeng asawa?'

Hindi ma-process ng utak ko ang mga narinig.

"Hindi pwede! Lalaki man o babae, ako ang future asawa n'on!" Ang naibulalas ko na lang sa sarili ng may panggigigil.

Ang kaninang mabagal kong paglalakad dahil ninanamnam ko ang kulitan namin ni Prof sa kotse ay napalitan ng bilis, at para bang bumigat ang mga hakbang ko.

Naglaho rin ang malawak na ngiti na naglalaro sa aking labi.

Sa paglipas ng bawat minuto, mas lalo pang bumibigat ang pakiramdam ko.

At sa lumipas na minuto na iyon, nakita ko na lang ang aking sarili na nakaupo na sa loob ng classroom. Katabi ko si Kate, pero parang wala rin siya sa sarili.

Katahimikan ang bumabalot sa pagitan namin, na siguro para sa iba ay hindi normal. Kanina ko pa kasi napapansin ang paglingon ng ilang mga kaklase sa pwesto namin.

Daretso lang akong nakatingin sa harap, walang imik, at wala sa sarili, hindi tulad ng normal kong gawain. Madalas akong sumagot at nakikipag-participate sa klase, at lahat ng atensiyon ko ay ibinibigay ko sa guro para lubos kong maunawaan ang lesson.

Pero iba ngayon, daig ko pa ang namatayan. Wala akong gana...

Tama naman, para nga naman akong namatayan—namatayan ng puso...

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Maniniwala ba ako sa narinig ko kanina at hahayaan itong lamunin ang sistema ko, o hihintayin kong ma-confirm ang narinig? Nababaliw na yata ako! Ano bang pakialam ko kung may asawa na nga siya, wala namang kami, HAHAHA.

Halos sabunutan ko ang aking sarili sa mga kabaliwang nararamdaman ko. Pinilit kong iwaksi ang mga naiisip at sinubukang mag-focus sa gurong nasa harap na busy na busy sa pagtuturo. Sinilip ko rin si Kate—tulad ko, daretso lang rin ang tingin nito sa harap at halatang wala sa sarili.

Tinignan ko ang oras sa itim na orasan na nasa bisig ko.

10:45... Isang oras at 15 minuto na lang, lunch na. Kaya ko ba siyang harapin nang hindi magtatanong?

"Ano ba, Ali? Tigilan mo na ang pag-iisip," gigil na bulong ko sa sarili.

Epekto ba ito ng pagkawala ko sa sarili? Kung kanina nakita ko na lamang ang sarili kong nakaupo sa classroom, ngayon naman ay nakita ko na lang ang aking sarili na nasa opisina niya.

Nakaupo ako sa sofa na lagi kong inuupuan at tinutulugan. Hindi ko alam kung napapansin niya, pero I feel so uneasy.

My mind is a mess...

'Tanungin ko ba siya?' tanong ko sa aking isipan.

'Huwag, kabastusan iyon. Hayaan mo siyang kusang magsabi.' sagot ko rin naman sa tanong ko.

PROFESSOR SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon