Dahil nasa 1k+ reads na tayo... Para sa inyo ang chapter na ito! Maraming salamat sa pagbabasa at pag-vo-vote, God bless!
...........
Halos tumakbo na ako sa kakamadali rito sa hallway ng school. Bwisit naman ang alarm ko, hindi tumunog. Kailangan ko na talagang bumili ng bago.
Lakad at takbo ang ginawa ko para lang umabot sa tamang oras sa klase ni Prof. Smith.
"Shete naman!" I hissed while grasping for air.
Grabe, para akong nauubusan ng hininga. Malalim ang bawat paghinga ko habang nasa tapat na ng pinto ng classroom. Hinahagod ko pa ang dibdib ko para kumalma nang kusang bumukas ang pinto.
Nakakunot noo habang nakahalukipkip naman ang babaeng mahal na mahal ko na s'yang nagbukas ng pinto.
'Ayieh! Mahal na mahal daw!'
Seryoso ako nitong pinagmamasdan.
Siguradong mukha akong asong ulol sa harap n'ya ngayon o basang sisiw dahil pinapapawisan na rin kasi ako. Hmmpt.
Sumilay ang malawak na ngiti ko sa labi habang nakatingin sa kaniyang mukha ng daretso.
Tumatapang na talaga ako, HAHAHA.
"Good morning, La- ay Prof pala." Parang tangang bati ko rito, muntikan pa ko pa talaga s'yang matawag na labs.
Ayieeuut sayo self! Ang aga-aga pa para lumandi.
Hindi ako nito pinansin at basta na lamang tumalikod, iniwan nitong bukas ang pintuan kaya pumasok na rin ako at umupo na sa upuan ko.
Kapag kaupo ko ay kinalabit ko si Kate para ipaalam na nandito ang cute n'yang bff, HAHAHA. Nakadukdok na naman kasi ito. Antok na antok na naman ang gaga. Napapa-isip na tuloy ako kung ano ang nagyayari sa kaniya. Nagsimula ito noong araw na hindi s'ya nakapasok.
Umangat naman ang ulo nito at tinuon sa akin ang kaniyang paningin. Nginitian ko naman s'ya at binati ng 'good morning'.
"Good morning, besh! Muntik ka nanamang ma-late." Nakangiti rin n'ya ring bati sa akin at nang aasar pa akong tinitignan.
Halos matawa naman ako dahil sa paniningkit ng kaniyang mga mata. Mukha kasi s'yang pusa na kagigising lang, HAHAHA.
Tutuksuhin ko pa sana ito ng magsalita na ang bebe ko sa harap. Tinuon ko naman agad dito ang atensiyon ko.
"Good morning, everyone." Ang hot naman this woman.
"Good morning, prof!"
Kung ganiyang mukha ba naman ang bubungad sa umaga ko malamang ay araw-araw na akong papasok ng maaga, HIHIHI.
Pang-umaga na kasi kami ngayon kay Prof, nakipagpalit kasi sya kay ma'am Torez na dating pang alas otso. Si Prof. kasi ay dating pang tanghali,unang subject s'ya sa tanghali. Ang sabi ng bebe labs ko ay abala raw s'ya sa ibang mga personal na bagay at paghawak sa buong school at sa ibang kumpanya nila kaya nilipat ang oras n'ya sa pang-umaga na klase. Binitawan n'ya na rin ang ilang mga klase n'ya sa ibang section at grade level. Kaya marami ang naiingit sa section at kurso namin dahil kami na lang ang tinuturuan n'ya ngayon. Na naging pabor naman sa akin dahil ginaganahan akong pumasok.
Dati kaba at takot ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko s'ya pero ngayon ay saya at galak na, nakatulong din siguro ang pagiging student assistant ko sa kaniya kaya nawala ang kaba ko.
Ang baliw ko lang dahil hindi ko na talaga napangatawanan ang mga pinagsasabi ko rati. Anong iiwas? Wala nang iiwas sa pamilyang ito, bahala na si batman kung magiging sawi man ako. At least naging masaya ako kahit saglit lang, alam kong imposible pero wala namang mawawala sa akin kung sakaling susubukan ko.
Nakasalumbaba ako habang parang tanga na naman na pinagmamasdan ang bawat kilos n'ya. Alam kong kanina n'ya pa ako napapansin pero wala akong pakielam, HAHAHA. Change person na ito, Lab. Wala ng lugar ang hiya at pagdadalawang isip sa puso ko ngayon.
Habang nag-di-discuss s'ya at nagsusulat sa white board ay tuloy parin ang ginagawa kong kabaliwang pagtitig sa mga kilos n'ya. Hinagod rin ng mata ko ang kabuoan n'ya.
'Wala pa ring nagbago ang hot n'ya parin. Baka bebe labs ko iyan!'
Halos matawa ako sa mga kabaliwang naiisip ko.
Siguro ay ramdam n'ya na talaga ang titig ko kaha humarap ito sa gawi ko at tinignan ako nang daretso na naghatid naman ng kilabot at kilig sa buong pagkatao ko.
'Don't look at me like that, Love. Marulok ako!'
Hindi ko napansing sumilay pala ang maliit na ngiti sa mga labi ko habang nakatingin kami sa isa't isa kaya nangunot ang noo nito.
Ibubuka na sana n'ya ang kaniyang bibig nang biglang mag ring ang alarm ng school.
Hudyat na tapos na ang unang klase.
Shete! Sa kakatitig ko sa kaniya hindi ko man lang namalayang dumaan na ang isa't kalahating oras. Ang bilis naman!
"Class, dismissed." Walang kagatol-gatol na dismissed n'ya sa klase.
Agad s'yang lumapit sa lamesa para kunin ang mga gamit n'ya bago nagmamadaling lumabas ng room.
"Huh?" Ganon na lang iyon, ni hindi man lang n'ya kami hinintay makalabas o makapagpaalam sa kaniya.
Naputol ang pag-iisip ko nang kinalabit ako ni Kate.
"Bakit?"
"Anong bakit? Mukha ka ng tanga d'yan. Wala ka bang planong lumabas ng room, anong oras na may second subject pa tayo?" Huh? Napatingin naman ako sa orasan na nasa kanang bisig ko. Hala, 9:45 na!
"Ay sorry, besh!" Minadali ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko na nasa lamesa at basta ko na lamang sinakbit ang bag sa aking balikat.
"Sorry, tara na." Aya ko sa kaniya at mabilis na naglakad para tunguhin ang susunod naming subject. Malapit lang naman iyon sa room na pinagmulan namin kaya hindi naman kami na late.
Naka-upo na kami sa mga pwesto namin nang pumasok na sa room ang susunod naming guro.
Nandito ako ngayon sa Library.
Abala ako sa pag-aayos ng librong hineram ko kahapon nang napalingon ako sa gawi ng librarian. May kausap ito na sobrang pamilyar sa akin. Bahagya itong nakasandal sa table habang nakapatong rin ang kaliwang braso nito. Ang hot naman.
Masuyo ko s'yang pinagmamasdan nang magawi rin ang paningin n'ya sa akin habang nakikipag-usap parin kay ateng librarian. Nang magtama ang aming mga mata hindi ko namalayang napangisi ako ng kaunti habang s'ya ay tumalim ang tingin sa akin.
Nagtaka naman ako dahil dito.
Mabilis ko nang inayos ang pagkakalagay ng libro at nagmamadaling nilapiyan ang napaka gandang babae na kanina pa hindi mawala-wala sa isip ko.
"Good afternoon po Prof. Smith." Nakangiti kong bati rito noong nasa haraap n'ya na ako.
Bigla naman akong nalungkot noong maalala kong muli iyong dahilan kung bakit kanina ko pa s'ya iniisip.
Hindi ito umimik at tumingin lang sa akin na naghatid naman sa akin ng kilig.
'Ako lang yata ang kinikilig kahit na parang masama ang tingin ng crush ko sa akin...'
"Ano pong ginagawa n'yo rito Prof.? Baka po may matulong ako sa in'yo."
Tanong ko pa rito pero wala pa rin s'yang imik. Baka nonchalant iyan!
Dahil hindi pa rin ito nagsasalita at nakatingin parin sa akin ay nagtanong akong muli.
"Pumunta po ako sa office n'yo kanina pero wala po kayo. Naghintay pa nga po akong 30 minuto pero 'di po kayo dumating. May nangyari po ba?" Pagkwekwento ko sa kaniya sa kung ano ang nangyari kanina noong lunch break na dapat ay nasa opisina n'ya ako at nagtratrabaho. Sayang hindi n'ya tuloy natikman ang luto kong pakbet. Buti na lamang at hindi pa nag-lu-lunch si Kate kanina kaya nagsabay na lang kami. S'ya nga ang naka-ubos ng p'akbet eh.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o ano? Nakita kong may dumaang emosyon na panghihinayang sa kaniyang mga mata.
"Sayang po dahil hindi n'yo natikman iyong luto kong p'akbet." Pagpapatuloy ko pa sa pagsasalita.
Masasalita sana ito nang tinawag na s'ya ni ateng librarian, dahil nga nakatuon lamang sa akniya ang atensiyon ko hindi ko naiintindihan kung ano ang mga pinagsasabi nito sa bebe labs ko.
Nakita ko na lang na may malaki s'yang kahon na inabot kay Prof.
"Thank you..." Walang kabuhay-buhay na pagpapasalamat ni Prof. sa kaniya.
Nang makita kong bubuhatin ito ng bebe labs ko ay agad ko namang nilayo sa kaniya ang kahon.
"Ako na po, Pr-of." Na utal pa ako dahil noong magtama ang mga daliri namin ay nakaramdam ako ng kuryenteng lumakad sa buo kong pagkatao.
Nakita kong rumihisto ang gulat sa kaniyang mukha, kaya napa-isip ako.
'Nagulat ba s'ya dahil sa inasta ko?'
"Tulungan ko na po kayo, mabigat po kasi ito at baka mahirapan kayo dahil sa suot n'yong hills." Mabilis kong paglilinaw sa ginawa ko kanina.
'Dahilan pa!'
"It's fine, I can manage." Mahina nitong savi sa akin na para bang nahihiya pa, pero imposible na mahiya ito.
Nang kukunin n'ya pa sana ang kahon ay agad ko na itong binuhat.
"Saan po ito dadalhin?" Nakangiting tanong ko na sa kaniya, umiling-iling pa ito bago sinabing 'okay'. Alam n'ya sigurong hindi n'ya na maukuha ang kahon sa akin, unless sasabihin n'ya kung saan ito ilalagay.
"In my office, don't you have a class? It's just 3:30 pm, and I know that you still have a class until 4... Hmm?"
Nagulat naman ako ng bigla itong magtanong kaya bahagya pa akong napa stop sa paghinga.
"Hmm... May emergency daw po si Sir Vasquez, kaya maaga po s'yang nagpa-out." Wala naman itong sinabi at tumango lang. Nagsimula na rin s'yang maglakad palabas ng library kaya nagmamadali ko s'yang sinundan. Nas likoran n'ya lang ako kaya tanaw ko na naman ang sexy n'yang likod. HIHIHI.
'Nice butt!'
Nang dahil sa naisip ko ay agad ko nang iniwas ang aking tingin sa kaniyang likod at nagfocus na lang sa buhat buhat kong kahon. Nakikita ko pa ang kaniyang paa kaya nasusundan ko pa rin s'ya.
Kamuntikan ko naman s'yang mabanga noong bila s'yang tumigil kaya halos mabitawan ki ang kahon.
Muntik na iyon...
Inangat ko na ulit ang aking ulo kaya nakita kong nasa harap na pala kami ng opisina n'ya.
Binukas n'ya ng malaki ang pito at bahagyang gumulid para ipahiwatig na pumasok na ako. Dahil sa ginawa n'ya hindi ko mapigilang kiligin na naman.
Gentle woman naman pala!
Nang makapasok ako sinara na n'ya agad ang pinto.
"Put that box on the table." Utos n'ya sa akin na agad ko namang ginawa.
"Sit on the couch." Nang marinig ko ito ay agad naman akong umupo.
Ng pagkaupo ko ay lumabit ito sa kahon. Binuksan n'ya ito at mahinhing nilabas ang mga laman nitong libo.
Na ngunit naman ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko ng parang pamilyar sa akin ang mga librong iyon, ang pinagkaibahan lang ay bagong-bago pa ang mga ito.
"These books are for you, Miss Santos. I've noticed that you are just borrowing books from library, so I've decided to personally purchased these for you. Consider this as part of your salary since you are working for me." Walang kagatol-gatol na sabi nito habang sinasalansan ang mga libro, na para bang wala lang mga mga sinasabi n'ya.
Nagulat ako hindi lang dahil sa mga librong binili at binibigay n'ya sa akin, dahil na rin sa mahaba n'yang sinabi.
Himala?
"Just thank me because I won't let you refuse these books."
Huh?
Sa ilang lingo, araw, at oras kong pagtratrabaho sa kaniya ngayon ko lang napagtanto na may pagka-mapagbigay s'ya— I mean mapagbigay naman talaga s'ya tulad na lang kapag nililibre n'ya ako ng masasarap na pagkain.
Aaminin kong kinilig ako sa ginagawa n'ya pero napigilan lang dahil pinapairal n'ya nanaman sa akin ang pagka-bossy n'ya ngayon n'ya na lang kasi ito ginawa mula noong inalok n'ya ako para maging student assistant n'ya.
Hmpt, ayaw ko sa bossy! Gusto ko ako ang boss, HAHAHA.
'Pero sige na nga, basta ikaw okay lang na maging sunodsunoran ako.'
"Okay po, Momm- ay Prof po pala."
'Anong Mommy? Di mo iyan nanay, pwedi pa future wife.'
Halos matampal ko naman ang sarili ko dahil sa mga kalandiang naiisip ko. Kamuntikan ko pa s'yang matawag na Mommy.
Since I'm looking directly into her eyes, I saw how amused those eyes were at my litany earlier.
Kaya kahit nahihiya, pinagpatuloy ko pa rin ang pagsasalita.
"Sabi n'yo nga po 'di ako pwedeng tumangi kaya ano pang magagawa ko?"
"Good..." Mahinang sabi nito kaya hindi ko rin gaanong narinig ang sinabi niya bukod sa 'good'. 'Di ko na lamang iyon pinagtuonan ng pansin dahil nakita kong tinalikuran niya ako at umupo sa kaniyang swivel chair. Binuksan niya ang kaniyang laptop.
Magtatanong pa sana ako kung ano ang mga gagawin ko ngayon nang unahan niya na ako.
"You can go home now since I don't have any work for you right now, and you don't have anything to do here yet. Get those books with you. Don't forget to lock the door after you leave."
Mahabang sabi niya habang abala na sa pagtitipa ng kung ano sa laptop niya.
"Pero po Prof..." Magsasalita pa lang sana ako nang iangat niya ang kaniyang mata sa akin at sinamaan ako ng tingin.
Gusto ko pa sanang umangal dahil mas gusto kong makasama siya at magtrabaho kaysa sa umuwi at magpahinga.
Hindi rin kasi ako matatahimik sa bahay dahil maghapon akong hindi nagtrabaho sa kaniya, pero hindi man lang niya binabawasan ang sahod ko, plus binigyan niya pa ako ng mga mamahaling libro.
Nakakakonsensya! Feeling ko hindi ko talaga nagagawa ang trabaho ko sa kaniya.
Wala na akong sinabi at basta na lamang kinuha ang mga libro na nakalagay na muli sa box at sinukbit sa magkabila kong balikat ang aking bag.
"Goodbye and thank you for the books, Prof." After I said that, I walk quickly to the door, but before I fully leave the room, I look back to steal a last glance at her.
When I look at her, our glances meet, as she is also looking at me with her stoic face. I smile mischievously and finally walk out the door.
.....
A/n:
Again thanks for 1k+ read. Ito na yata ang pinaka mahabang chapter na sinulat ko mula sa chapter 1. Para sa inyo ito.
!!!!
Maraming ungrammatical at typographical error sa chapter na ito. Please understand that I am not a professional author or writer and my first language is Filipino.
#Sabawangplot
#hindikonasureangplot
BINABASA MO ANG
PROFESSOR SMITH
General FictionDisclaimer This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. a/n: I'm not a professi...