CHAPTER 04

181 14 0
                                    

"Alisha POV"

"May I ask, Prof., why did you call for me?" Mahinang tanong ko sa rito.

"I heard from your other professor that you are looking for a job. I need a student assistant, so I decided to hire you instead. Anyways, you don't need to find a job outside the school anymore."

Sh*t! Ano raw? Nakalimutan ko nga palang naghahanap ako ng isa pang part-time job. Bayaran na naman kasi ng monthly bills ko.

"Ano po kasi, ma'am? Part-time job lang po kasi yung need ko for now baka po kasi hindi kayanin ng oras ko. Mayroon pa po kasi akong ibang work." Nakayukong paliwanag ko kay ma'am.

I don't know if I'll refuse or not.

"Are you refusing my offer to you, Miss Reyes?" Cold at madiin na tanong nito sa akin.

Hindi po, labs! Hindi sa ganon, HUHUHU.

"ANSWER ME. ARE YOU MUTE NOW?"
Luh, nagalit na 'ata s'ya nang tuluyan sa akin. Malakas n'yang pinalo ang mesa gamit ang kamay n'ya, kaya bahaya akong napaigtad.

"Ay, hindi po-hindi p-o, Prof. HEHEHE." Nagmamadali kong sagot sa kan'ya, baka kasi magalit ulit. HUHU, 'kakatakot...

Bahagya kong inangat ang aking ulo para makita ang reaksyon n'ya. Nakita kong bahagyang umangat ang gilid ng labi n'ya. Wow! Why so hot, Mommy?

Parang tumigil ang pagikot ng mundo ko. Hindi ko namalayang napatulala nanaman ako sa gandang taglay s'ya.

"HEY, MISS REYES! Are you still with me?" Napabalik naman ako sa wisyo nang marinig kong bahagyang tumaas muli ang boses nito. It's also evident on her face that she's a bit irritated.

"O-po, prof." Natataranta kong sagot. Bahagya itong umismid at nagsimula muling magsalita. This time, sinigurado kong makikinig na ako sa mga sasabihin n'ya.

"You'll start your work tomorrow. I will ask the registrar for your schedule so I will know what your available time is. Is that ok for you?"

Mistulang bata ako habang nakikinig sa mga sinasabi n'ya. Tumago lang rin ako sa tanong n'ya dahil wala na rin naman akong magagawa kung tatangi pa ako.

"I'll pay you 50,000 monthly; every day your working hours will depend on your availability. Don't worry, you will also have a rest day every weekends."

Tumango-tango lang ako sa lahat ng mga sinabi n'ya. Wow! Ang laki naman ng pasahod n'ya. Mas malaki pa ata sahod ko sa kan'ya keysa sa manager ng fast food na pinapasukan ko. Iba talaga pag-rich woman, hahaha.

Dahil malaki naman pala 'yung sahod, hindi na rin ako nagreklamo. Doble 'yon sa sahod na natatangap ko kapagpinagsama-sama lahat ng part-time job ko.

"Also, don't forget to resign from your other job. I want you to focus on your studies and your work for me, understood?"

"Opo"

"That's all; you can go back to your class." Cold muli na sabi nito. Nagpaalam at nagpasalamat lang ako sa kan'ya at dahan-dahang tinahak ang pinto para makalabas.

Habang papunta ako sa next class ko hindi pa rin ako mapakali sa aking sarili. Kanina pang umaga nasabi sa akin ng bebe ko na magtratarabaho na ako sa kaniya, pero hindi pa rin ako makampante. Kinakabahan ako para bukas.

Last sub ko na ito ngayong araw, dahil wala raw yung dalawang professor namin para sa dalawang natitirang subject sa hapon. Kasama kasi sila sa accreditation na magaganap next week.

Dahil maaga rin naman akong uuwi ngayon araw naisipan ko na lang na puntahan na lang ng maaga iyong mga part-time job ko during weekdays and Saturdays. I don't have work every Sunday because I consider it my rest and study day. Mag papalam na akong magreresign, baka kasi magalit na naman ang bebe lab ko kapag hindi ako sumunod sa utos n'ya. HAHAHA

Baka masunurin 'to!

.........

"Are you sure that you are quitting, Ali?"

"Opo, Boss. Need ko na rin po kasing mag focus sa studies ko."
Keme ka gurl! Studies daw!

"Ok, I can't stop you from quitting since it's for your studies. But still, if you want to come back here, do not hesitate because you are always welcome here."

Napangiti ako dahil sa sinabi n'ya. Ang bait talaga ni Bossing. Maganda na mabait pa! Kung kakayanin ko lang, hindi ako magre-resign dito.

"Salamat, Bossing."

"Don't forget to visit us here, Ali. We will miss you."

Tumayo ito mula sa kaniyang kinakauupuan, lumapit s'ya sa akin at mahigpit akong niyakap.




Habang pauwi sa bahay naisipan ko na ring bumili ng stock ng goods and necessities for a month.

Nang nasa loob na ako ng grocery store. Tinatamad kong tinutulak ang cart na daladala ko, bahagya pa akong napapayuko dahil sa antok at katamaran. HAHAHAHA.

Bawat station, kumukuha lang ako ng mga bagay na kailangan ko.

"Ano bang mas maganda? Itong pula o itong green?" Mahinang tanong ko sa aking sarili.

Dahil busy ako sa pagpili kung anong kulay ng conditioner ang bibilhin ko, hindi ko namalayang may tao sa likod ko.

"I think the green one is better."

Nagulat naman ako dahil biglang may nagsalita sa likod ko, kaya mabilis akong humarap dito.

Napa singhap naman ako dahil sa taong nagsalita sa likod ko. Nanghina ang tuhod ko dahil sa kaba, kaya kamuntikan na akong matumba. Buti na lang at nasapo n'ya ako.

Parang may libo-libong bultahe ang lumakad sa buong sistema ko. Ang paghawak n'ya sa aking braso at bewang ay bahagyang humigpit. Nagkatitigan kami. Feeling ko, naramdaman n'ya rin ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan, ngayon.

Tinukod ko ang aking mga kamay sa kan'yang dibdib para mahina itong itulak.

"Sorr-y po, ma'am." Paghingi ko nang paumangin nang maglayo kami. Iniyuko ko rin ang aking ulo dahil sa hiya.

Shete... Pagkanganamang minamalas ka, oo. Bakit nandito ang bebe labs ko?

‘Baka naggrocery din s'ya like you.’
Sagot naman ng utak ko sa sarili kong tanong.

"Ano nga po ulit iyon, ma'am?" Pagtatanong ko. Narinig ko kasing may sinasabi s'ya sa akin, kanina.

"I said, choose the green one. It's better than red." Maydiing pag-uulit nito sa sinabi.

Uminit naman ang aking mukha dahil sa narinig. Gaga! Baka akalain ni ma'am nababaliw na ako dahil tinatanong ko ang aking sarili kanina.

"O-kay po, ma'am. Salamat po."

Mabilis ko s'yang tinalikuran at ibinalik ang pulang conditioner, habang ang green naman ay inilagay ko sa cart sa ibabang basket. Akmang itutulak ko na ang aking cart para umalis nang maramdamang kong hinawakan n'ya ako sa braso. Napatigil ako ng dahil dito at humarap muli sa kan'ya.

Sa pagharap ko hindi nakatakas sa aking paningin ang pagdilim ng kaniyang mukha. Hala! Nagalit yata?

"Bakit po? May kailangan pa po ba kayo?" Kahit natatakot tinapangan ko ang aking sarili at nagtanong.

Nag-igting naman ang panga nito. Rumihistro sa maganda n'yang mukha, ang gigil at inis.

Napaatras naman ako ng dahil dito.

"You disrespectful kid! You didn't even bid your goodbye to me. How dare you turn your back on me?"

May diing sabi n'ya sa akin habang malalim akong tinitignan. Para namang hinalukay ang t'yan ko sa kaba. Nakaramdam ako ng hilo at ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko.

Nandilim ang aking paningin. Para akong gulay na nalanta at unti-unting natutumba...

Bago ako tuluyang nawalan ng malay naramdaman kong may sumapo sa akin.


"Shit! Hey, Alisha?"

PROFESSOR SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon