CHAPTER 02

221 18 0
                                    

"Alisha POV"

Tapos na kaming kumain ni Kate ng lunch. Gusto ko pa sanang magtagal sa cafeteria para titigan ang bebe labs ko pero naalala kong may kailangan nga pala akong kuhanin sa library.

Inutusan kasi ako ng isa sa mga professor ko na kuhanin ang librong hineheram n’ya sa librarian kahapon. ‘Di ko na kasama si Kate ngayon, sabi ko mauna na s’ya dahil may kukunin pa ako sa library. Gusto n’ya nga sanang sumama pero sabi ko huwag na, sawa na kasi ako sa mukha n’ya. Char.

Habang naglalakad papunta sa library marami akong nakakasalubong na mga estudyang wala ring tigil sa pagtitig sa akin at sa pagbubulungan.

“Ang ganda n’ya rin talaga 'no?” Sabi ng babaeng kulit ang buhok, maganda rin s’ya  kaya ngumiti ako rito.

“Yup. Look at her face, perfect!” Salamat po ateng maganda rin. HEHEHE.

“Maganda nga poor naman! Hmpt!”

‘Ah, talaga ba ateng mas mukha pang poor sa akin? Talagang maganda ako, in born kaya ang kagandahan ko.’

“Such a fame whore. Hindi naman talaga s’ya  maganda at ang small n’ya pa.” Sabi ng mukhang patong kulay itim ang nguso.

‘Anong small? Ako small? Baka sapakin kita d’yan nang makita mo kung gaano ako ka-small!’

Hindi ko mapigilang mag side comment sa utak ko everytime I am hearing that someone who’s uglier than me is saying that I am ugly— like ‘sino ka d’yan, mimah?’ Napapasabi na lang ako ng ‘grabeng mga bulungan ‘yan. RINIG NA RINIG KO!’

Shete ‘tong mga ‘to, okay na sana roon sa part na pinupuri nila ako pero nilalait din daw ba ako. Hmpt! Ingit lang kayo sa ganda ko. HOHOHO.

“Ano nga kasi ang name n’ya, friend?” Dinig kong tanong ng babaeng kulot ang buhok na pumuri rin sa akin kanina.

“Alisha Reyes 'ata ng BSBA 4A” Sagot ng kausap nito na si ateng maganda.

“Beh, pangalan lang iyong tinanong ko hindi kasama ang program, year, at section. HAHAHA. Halata ka masyado.”

HAHAHA. Nakakatawa naman ‘yong dalawang ‘yon. Hindi ko na narinig ang susunod na sinabi nila dahil nakalayo na ako . By the way she’s right I’m Alisha Reyes, 4th year sa kursong BS in business administration.

‘Di n’yo kaya graduating na ako. HAHA.

Graduating na ako pero ‘di ko pa rin s’ya nagiging teacher, emms.

Lord baka naman.

Nandito na ako sa loob ng library.

“Good afternoon, Miss. Ask ko lang po iyong about sa book na hinihiram ni Prof. Gina?”

“Ikaw ba ang inutusan ni Prof? I-log mo na lang d’yan sa log book ang name mo then here's the book.”  Tanong n’ya sa akin habang inaabot ang libro.

“Ah, opo” Nakangiti ko namang sagot habang inaabot ang libro. Ni log ko na rin ang pangalan ko.

“Thank you po, abot ko na po ito kay ma’am. Goodbye.” Pagpapasalamat ko at tinalihuran na s’ya para pumunta sa klase ni ma’am Gina, s’ya kasi ang second class ko ngayong tanghali at gagamitin n'ya muna ang libro sa 4B. I walked past dahil anong oras na rin, malapit nang magsimula ang 1st subject ko this afternoon.

Nang makarating ako sa room n’ya sa first floor sa B.A. building ay agad akong kumatok sa pinto at nag-excuse. “Good afternoon po, excuse me po ma’am Gina ito na po ang book na pinapakuha n’yo.” I politely said. Nagsitinginan naman sa akin ang mga 4B, ang mga babae ay umirap pa after nilang tumingin sa gawi ko at ang mga lalaki naman ay mistulang mga aso na naka dila nang makita ako. ‘Ang gross, bleh!’

PROFESSOR SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon