Exited akong pumasok dahil nagluto ako ng pinakbet na hindi natikman kahapon ng bebe labs ko dahil abala s'ya. Nagluto rin ako ng pritong tilapia para may kapares ang gulay."Sana magustuhan n'ya."
Sinalansan ko naman ng maayos ang mga baunan ko sa aking bag, inilalim ko ito tulad ng lagi kong ginagawa. Tamad akong magdala ng separate na baunan kaya malaking bag na ang gamit ko.
Nagbaon rin ako ng water dahil sobrang init na rin ng panahon, mahal pa naman ang mineral water sa cafeteria.
Nakabihis na ako ng kadalasan ko namang soot na damit sa pagpasok. Puting v-neck shirt na white at black pants, tinerno ko dito ang puti kong sapatos na regalo pa sa akin ni Kate noong birthday last year.
"Ready to go na!"
Nang pagkalabas ko ng pinto ay sinigurado ko munang naka lock ito ng maiigi bago tuluyang umalis. Maaga pa naman kaya naglakad na lang ako. Exercise rin ito. Kailangan ko ito para ma-maintain ang sexy body ko na ipang-aakit ko sa bebe labs ko, HIHIHI.
~la la la la~
Masaya akong naglalakad habang sinasabayan ko pa ng pagkanta.
Nang nasa paliko na ako natanaw ko naman ang pamilyar na kotse namatahal ko ng hina-hunting dahil curious ako sa may ari. Ito kasi ang kotseng muntik ng maka bundol sa akin noon eh, Hmm...
Kumunot ang aking noo nang tumigil ito sa harap ko.
Mabilis naman akong naglakad at nagpatay malisya, kunwari walang nakikita. Nakakahiya kasi baka naaala pa nito na ako iyong parang tangang pakanta-kanta kaya muntik n'ya nang mabundol.
Nang malagpasan ko ito ng ilang habang ay napangiti ako.
'Success, hihihi. Nakaiwas din.'
Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad ng bigla itong bumusina na naging dahilan ng pagkagulat ko. Napaigtad pa ako sa gulat at napatingin ng masama sa kotseng nasa likod ko.
"Hayup, ang bastos!" Iretableng sabi ko sa hangin.
Padabog akong naglakad patungo sa kotseng mamahalin na akala mo salamin sa sobrang kinis. Kainis naman, ang aga-aga ah!
Sa paglapit ko rito ay tumapat ako sa drivers' window, bahagya akong yumuko para katukin ang nasa loob.
Alam kong bakas na sa mukha ko ang inis sa mga nagyayari pero wa pakels.
Napaatras ako dahil sa mukhang bumungad sa akin.
"Ay shuta!" Ang naibulalas ko sa bigla. Napatakip naman ako ng bibig ng dahil doon.
"What's shuta, Reyes?" Ang tanong ng babaeng nasa loob ng kotse habang nakakunot pa ang noo. S'ya pala ang may ari nitong kotseng muntik ng pumatay sa akin.
Mabilis kong kinalma ang aking sarili at muling dumuko para sagutin ang bebe labs ko. Tama kayo si Prof. Smith ang may ari ng kotseng mamahalin na ito. Ang sinabihan kong hayup kanina, huhuhu.
'Pero iba ito sa laging dala n'yang kotse na pinanghatid n'ya sa akin noong nakaraan.'
"Ah, wa-wala lang po iyon, prof. HEHEHE. By the way good morning po, kotse n'yo po?"
Hindi nito sinagot ang tanong ko.
"May kailangan po kayo?" Pagsasawalang bahala ko na lamang sa una kong tanong at nagtanong nalang muli. Ngumiti pa ako ng malawak, baka sakaling mahawa ko s'ya. Ang taray eh.
"Get in." Maikling sabi nito. Hindi ko pa na-gets kaya napakamot ako sa aking noo.
"Anong get in?"
"Huh? Ano po?" Parang tangang tanong ko pa rito.
"Pasok, Reyes." Parang nauubusang pasensya n'yang sabi sa akin.
Agad naman akong tumalima at binuksan ang pinto sa likod, iyong katapat ng driver sit.
Paupo na sana ako ng magsalita ito at tumingin sa akin.
"Not there, here, sit beside me. I'm not your fucking driver." Madiing sabi nito habang nakatingin pa sa akin ng masama.
Kagulat!
"Ay, sorry po." Mabilis kong sabi at agad na bumaba sa likod para lumipat sa harap.
Nang makaupo na ako ay agad ko nang sinuot ang sit belt.
"Pa sabay po, prof. Salamat." Nakangiti ko na ulit na sabi rito.
Hindi na naman s'ya sumagot at bata na lamang nag drive.
Sana all nonchalant.
Isang minuto pa alang ang nakalipas pero hindi na ako mapakali sa katahimikan kaya tinanong ko ulit s'ya.
"Sa iyo po ito? Ito iyong muntik nang maka budol sa kin noon eh." Pag tatanong at kwento ko rito. Nakatingin ako sa kaniya kaya kitang kita ko ang paghigpit ng hawak n'ya sa manibela.
"What are you talking about? And yes this my car."
"Ganito po kasi iyan, papasok po ako noong nakaraan... Hindi ko na po maalala kung kailan, basta papasok po ako noon ng muntik na akong mabundol ng kotseng ito." Mahaba kong kwento rito.
"You mean that I almost hit you?" Tanong nito habang daretsong nakatingin sa daan.
"Yes po!" Tumatango-tangong sabi ko rito habang parang masaya pa dahil kamuntikan n'ya na akong mabangga.
"Oh, so you're that girl that look stupid who's swaying while walking in the middle of the road?" Himala ang haba ng sinabi n'ya.
Pero anong STUPID?!
"Ay ang bad n'yo po! Hmpt, hindi po ako mukhang stupid, masaya lang po talaga akong maglakad noon dahil excited akong pumasok para silyan k-, ay basta!" Naka pout kong pagtatangol sa sarili ko. Gagi muntik pa akong madulas. Anong masilayan ka? Bakit may pa ganon?
Bahagya namang umangat ang gilid ng labi n'ya dahil sa mga tinuran kong puro katangahan.
"But you really look like stupid that day, Reyes." Wow! Kapang inis ah!
"Prof. Naman eh. Bahala na nga kayo d'yan!" Inis na sabi ko rito at pinag-cross pa ang mga braso bago ko tinuon ang tingin ko sa bintana.
"HAHAHA"
Nagulat ako nang marinig ko itong tumawa. Kaya muli akong napatingin sa dereksyon n'ya.
Napakurap pa ako ng ilang ulit, sinisigurado kung totoo ba itong nakikita ko.
"Ganda!" Hindi ko maiwasang mapa-side comment. Totoong sobrang ganda n'ya ngayong may malawak na ngiting naglalaro sa mga labi n'ya. Ngayong ko s'ya unang nakitang tumawa at magmukhang masaya. Kung alam ko lang na ang pagiging mukhang 'stupid' ko ang magpapasaya sa kaniya sana matagal ko ng ginawa sa harap n'ya, para lang masilayan lanh ang nakakabighani n'yang ganda habang tumatawa.
Tumigil ito sa pagtawa at tumin sa akin. Siguro na realized n'ya na kung anong nangyayari kaya bumalik ang straight face nito na lagi n'ya namang reaksyon.
Natahimik na rin ako dahil hindi pa rin ako maka move on sa mga nasaksihan. Ang ganda n'ya talaga.
Ilang minuto lang at nasa school na kami. Tumigil s'ya sa parking at walang sabi-sabing lumabas ng kotse na ginaya ko naman.
"Salamat po, prof, sa pagsabay." Nakangiti habang daretso akong nakatingin sa mga mata n'ya.
Wala itong sinabi pero napansin ko ang pagpula ng mga pisngi n'ya bago n'ya ako tinalikuran.
Tinanaw ko lang ang pag-alis n'ya bago ko naisipang maglakad na rin pa alis habng may ngiti pa sa labi.
....
Short update lang muna.
Marami na namang ungrammatical at wrong spelling, pagpasensyahan n'yo muna.
BINABASA MO ANG
PROFESSOR SMITH
Ficción GeneralDisclaimer This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. a/n: I'm not a professi...