CHAPTER 05

192 13 0
                                    

Hmmm...

Ang lambot naman ng higaan ko ngayon, HIHIHI. Malayong-malayo sa araw-araw kong hinihigaan.

This is heaven.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa unan na sobrang bango at lambot. Nakapapikit pa rin ako habang dinadama ang lamig ng kwarto ko ngayon at ang lambot ng kamang hinihigaan ko.

Nasa panaginip ba ako? To make sure I pinch my arm.

Hmmm...

Bakit ang sakit? Ganito ba sa panaginip, nakaramdam pa rin ng sakit?

Then realization hits me.

Mabilis akong napaupo mula sa aking kinahihigaan, nilibot ko ang aking paningin sa palagid.

"Gagi, nasaan ako?" Nalilitong tanong ko sa'king sarili.

Pilit kong inanaalala kung ano bang nangyari sa akin at kung bakit ako narito sa napakagarbong kwarto na ito.

"Hala! 'Di ba si ma'am ang huli kong kasama? Shuta! Paanong napunta ako sa lugar na ito?" Mahinang tanong at anas ko sa aking sarili.

Nakakahiya!

Mabilis akong tumayo mula sa kamang sobrang laki. King size 'ata ito?

Yabang naman ng may ari nito...

Nakakahiya na nakihiga ako sa may kama na may kama, kaya inayos ko muna ito bago dahan-dahang tinahak ang pinto palabas

May tatlong pinto rito. Dalawang magkadikit na masmaliit kumpara doon sa nagiisa sa kanang bahagi ng kwarto. Sigurado akong iyong malaking pinto ang pinto palabas.

Sobrang laking kwarto.

Nang malapit na ako sa pinto nilingon kong muli ang kamang kanina lang ay hinihigaan ko.

Maayos naman ang pagkakaayos ko diba? Ay basta, pwedi na iyan.

Hahawakan ko na sana ang seradura ng pinto para tuluyan nang makalabas nang bigla itong bumukas. Nagulat naman ako at bahagyang nagpanic kaya napaatras.

Dahil sa pag-atras ko hindi ko namalayang nagcross ang mga paa ko kaya nawalan ako ng balanse.

Napatili ako ng dahil rito.

Napapikit rin ako sa kaba at hinintay ko na lamang na bumagsak ako sa matigas na sahig.

Minuto na akong nakapikit pero hindi ko pa rin nararamdaman ang sakit nang pagkabagsak ko kaya nagtataka kong minulat ang aking mga mata.

Napasinghap naman ako sa nakita. Luh, anong ginagawa ng bebe ko rito? Ang lapit ng mukha n'ya sa akin kaya hindi ko maiwang titigan ang mga mata n'ya, bumaba rin ang mga tingin ko sa mapupula n'yang labi.

"What do you think you are doing, Miss Reyes?" May diing tanong n'ya sa akin.

Dahil sa tanong n'ya walang pag-aatubili na tinulak ko s'ya para makalayo sa kaniya.

"Really, Miss Reyes?" Lalong lumalim ang boses n'ya, bakas na rin dito ang inis.

Napatingin ako sa mukha n'ya, nakakunot ang kaniyang noo habang nakatiim bagang.

"Why so hot, bebe ko?" Hindi ko namalayang naibulalas ko pala ang ang dapat ay sa isip ko lang.

Lalong kumunot ang noo nito.

"Pardon?" Shete! Buti na lang 'di n'ya narinig.

"Sorry po, ma'am, hindi ko po sinasadyang itulak kayo, nabigla lang po ako." Mabilis na sabi ko para makaiwas sa tanong n'ya, kanina. Bahagya akong yumuko pero patago ko paring sinisipat ang mukha n'ya.

PROFESSOR SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon