"Alisha's POV"Shutangin* mga mare anong idadahilan ko sa kaniya, na feeling ko wala na akong pag-asa sa kaniya kaya hindi ako nakapasok? Na nawalan ako ng lakas dahil na realized ko na hindi kami bagay?
"Ahmm... Ano po ma'am... Su-sumakit po kasi ulo ko kaya hindi na po ako tumuloy na pumasok. Pasensya na po, ma'am, kung hindi ko nagawa ang trabaho ko sa inyo kahapon."
Kahit nauutal, buti nalang at nakaisip pa ako ng palusot.
Tumingin din ako nang daretso sa kaniya para kapanipaniwala ang dahilan ko sa hindi ko pagpasok kahapon. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero nakitang may dumaang emosyon sa mga magaganda n'yang mata.
'Pag-aalala ba iyon?' Tanong ko sa aking utak.
'Kanino sayo? Asa ka!' Sagot ko rin naman sa aking sarili.
Nilibot ko na lang ang aking tingin sa kaniyang opisina. Wala namang bago rito, ang boring pa rin ng design. HAHAHA.
"Ehem...Does your head still hurting?" Tumikhim s'ya kaya natuong muli ang atensiyon ko sa kaniya. Napatango lang ako bilang sagot sa tanong n'ya.
Kung alam mo lang ma'am ang tunay na dahilan...
Napansin kong tumingin s'ya sa wrist watch n'ya kaya naisipan ko ring tignan ang soot kong watch na pekeng G-Shock. HAHAHA.
9:45 a. m. na pala. 10 a. m kasi ang next class ko.
"Attend your next class first and come here before lunch. Understood?"
"Ok po ma'am." After she heard my answer tumalikod s'ya sa akin at naglakad pa punta sa swivel chair n'ya. Prente s'yang umupo rito habang sinisimulang basahin ang mga papel na nasa lamesa.
Pwedi na ba akong umalis? Ayan ang gusto kong itanong sa kaniya simula pa kanina. Napansin n'ya sigurong nandito pa ako kaya inangat n'ya ang kaniyang ulo.
"You can go now. Don't forget what I said earlier, come here before lunch." Walang gana n'yang sabi at muling bumalik sa ginagawa.
Tapos na ang klase ko ngayong umaga, inaayos ko na ang mga gamit ko nang maalala kong kailangan ko nga palang pumunta sa opisina ni ma'am. Kinakabahan ako!
"Faster! Why you're so bagal ba, besh? I'm hungry na!" Kanina pa iyan ganinyan ng ganiyan pero hindi ko pinapansin. Naitanong ko na rin pala sa kaniya kung bakit may klase kahapon kay prof. Smith kahit na hindi pa naman namin schedule sa kaniya. Ang sabi n’ya absent daw iyong prof namin sa marketing kaya pinaheram daw kay Prof Smith iyong oras.
"Mauna ka na kasi sa cafeteria, may dadaanan pa kasi ako." Kanina ko pa sinasabi na mauna na s'ya pero ayaw n'ya namang mauna.
"Hmpt. Sama mo na lang ako sa pupuntahan mo." Nakangusong ulit n'ya uli sa kanina n'ya pa kinukulit.
"Hindi nga kasi pwedi. Huwag ng matigas ang ulo mo, pumunta ka na sa cafeteria at kumain." Nakita kong lalong humaba ang nguso n'ya kaya hindi ko maiwang mapangiti. HAHAHA, mukha s'yang pato!
"Sure ka na?" Ulit n'ya pang muli. Tumango naman ako.
Kinuha n'ya na ang bag n'ya at dali-daling naglakad palabas ng pinto. Gutom na nga yata s'ya? Kumaway pa s'ya sakin habang nakatalikod.
Minadali ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko at umalis na rin sa room para pumunta sa opisina ni prof. Smith.
I'm already here in front of her office, hesitating if I will knock or not. Nahihiya kasi ako.
Kakatok pa lang sana ako ng biglang bumukas ang pinto, napalayo nalang ako sa pagkagulat. Nanlaki rin ang mata ko.
For sure mukha na akong tanga ngayon...
BINABASA MO ANG
PROFESSOR SMITH
General FictionDisclaimer This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. a/n: I'm not a professi...