CHAPTER 08

156 12 0
                                    

"Beshy, tara sabay kana sa akin umuwi."

"May gagawin pa ako eh, sa susunod na lang para makalibre rin ako ng sakay. HAHAHA."

Ilang araw na simula noong nag start ako maging assistant ni ma'am. Nakasanayan ko na ring puntahan s'ya tuwing break time at uwian.

Ewan ko kung nakakahalata na itong si Kate, ilang beses ko na rin kasing tinanggihan ang mga alok n'ya mula noong araw na iyon.

Halos hindi na kami magsabay sa pagkain, hindi tulad noon. Hindi ko naman masabi sa kaniyang nagpapart time ako kay ma'am, sigurado kasing aasarin n'ya 'ko.

"Hmpt, ano ba iyan? Mula noong nakaraang Thursday hindi mo na ako sinasabayang kumain, kahit umuwi. Tell me may tinatago ka ba sa akin, are you seeing someone? Ano?" Pag-aakusa n'ya sa akin ng may pagtatampo sa boses n'ya, nakakunot pa ang noo n'ya habang naka cross arms.

"Grabe ka naman, seeing someone agad? 'Di ba pweding may ginagawa lang na importante."

Lalo namang kumunot ang noo nito at tinaasan pa ako ng kilay.

"Hmpt, I don't believe you. You're not like this, I know you... or not? So tell me the truth!"

Wow, grabe! Talagang ipagpipilitan talaga n'yang may kinikita ako kaya 'di na ako sumasabay sa kaniya. Tho, totoo naman... Si Prof. Smith nga lang.

"Ano ka ba naman! Tama bang magtamang hinala ka diyan? Wala po akong kinikita. Ok na?"

Nakita kong 'di pa rin s'ya kumbinsido kaya naisipan ko na lang na sabihin na lang ang totoo, baka kasi humaba pa itong usapan namin. Kailan ko na rin kasing pumunta kay ma'am para tapusin ang ginagawa ko kanina.

Sa totoo n'yan parang wala naman talaga akong ginagawa. Naiinip na nga ako sa pag-aayos ng mga papers na ilang araw ko nang inuulut-ulit na i-arrange.

"Oo na sasabihin ko na ang totoo. Huwag kang mabibigla... Student assistant ako ni prof. Smith."

Kasasabi ko lang na huwag mabibigla, tumili ba naman ang gaga.

"Wow! Kaya naman pala..."
Ang weird n'ya. Iyong ngiti n'ya abot hanggang tenga.

"Anong kaya naman pala?"

"Kaya naman pala... Mukha ka laging masaya simula noong Tuesday. HAHAHA"

Huh? Parang tanga, anong masaya? Ganon pa rin naman ako ahh.

"Ewan ko sa'yo. Alis na ko, umuwi ka na rin." Nagpaalam na ako sa kaniya at umalis. Nakita ko s'yang sinagot ang tumawag sa cp n'ya bago kami tuluyang naghiwalay ng landas.

.......

"Ok na po ito, ma'am, naayos ko na po. May iuutos pa po ba kayo"

Inabot n'ya naman ang mga papel at mabilis na sinuri ito.

"None, just stay there until I finish my work." As usual para s'yang laging walang gana kung magsalita.

Mabilis n'yang tinipa ng kung ano sa loptop habang bahagya pang nakakunot ang noo n'ya.

Hindi ko maiwang hindi s'ya pagmasdan sa tuwing natatapos ako sa ginagawa ko. Ang hot n'ya kasi talaga, mas lalo na kapag naka eye glass s'ya. Ilang araw ng ulit-ulit lang ang ginagawa ko, mag-ayos ng papel. Wala na rin akong ibang ginagawa after noon. Noong una akala ko pwedi na akong umuwi pero nag-init ang ulo ng lola n'yo sa akin noong nagpaalam ako.

PROFESSOR SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon