CHAPTER 10

153 12 0
                                    

CHAPTER 10
A/n:
"Hi, I know I'm still lacking in terms of properly describing the scenes. There are misspelled words and grammatical errors. I'm also not sure if the writing style I'm using is still the same as in the first chapter. To those who are reading my story, thank you very much. I wish that you'll stay and continue reading my stories till the end."

..............

"Okay ka lang ba Besh?" Tanong ko kay Kate dahil nakikita kong namumutla s'ya.

"Nah? I'm fine." Nakangiting pagsisungaling n'ya sa akin. Halata namang hindi sa okay dahil kanina ko pa napapansin ang pagdukdok n'ya. Hindi rin normal na bigla s'yang tumatahimik kaya nag-aalala na talaga ako.

Iniangat ko naman ang aking kaliwang kamay papunta sa kaniyang noo para salatin kung nilalagnat ba s'ya.

"Hmm... Hindi ka naman mainit pero namumutla ka." Nag-aalala kong sabi rito.

"Hindi lang talaga ako nakatulog nang maayos kagabi, kaya parang nahihilo ako ngayon." Mahinang sabi nito habang nakadukdok na naman.

"Sigurado ka? Samahan kaya muna kita magpa-consult sa clinic para sure tayong okay ka lang." Pangungulit ko pa rito.

Hindi talaga ako sanay na tahimik s'ya kaya hindi ako mapakali.

"I'm fine, okay. Don't worry about me, HAHAHA. Halatang-halata talaga na love mo ko. Easy lang besh ako lang 'to." Tignan mo 'tong gagang 'to, kitang seryoso nga ako kalokohan pa rin talaga ang lumalabas sa bibig n'ya.

"Ewan ko sa'yo. Hala ka! Sige matulog ka muna d'yan maaga pa naman. Gigisingin na lang kita kapag dumating na si sir.

May 1hr vacant kasi kami bago ang 2nd period namin ngayong umaga.

Wala itong sinabi at dumuko lang sa desk n'ya.

Natanong ko na nga pala s'ya kung bakit s'ya absent kahapon. Nag LBM daw s'ya. Pero parang may something...

Lumipas ang mga minuto na wala akong ibang ginagawa kun'di paglaroan ang buhok n'ya, hinahaplos-haplos ko ito at sinusuklay gamit ang mga daliri ko. Ramdam ko rin ang bawat bigat ng paghinga n'ya na indication that she's really sleeping. Dahil sa ginagawa kong paghaplos-haplos sa buhok n'ya hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako, habang nakadukdok sa kaniyang likoran.

Naalimpungatan ako noong makarinig ako ng mahinang pagtapik sa akin ng kung sino.

"Hmmm... Bakit?" Wala sa sariling tanong ko pa rito.

"Ali, gumising na kayo ni Kate kanina pa nakatingin sa inyo si ma'am." Dahil sa narinig ay nanlaki ang mata ko at nawala ang antok ko.

Bakit, ma'am? 'Di ba si Sir Bonie Ngayon?

Agad ko na ring tinapik-tapik si Kate para magising ito bago ko tinuon ang paningin ko sa harap.

"Hah? Bakit s'ya ang nandito?" Mahinang tanong ko sa aking sarili noong makita ko si Prof. Smith sa harap habang masama na naman ang tingin sa akin— sa amin ni Kate.

Wala na naman ba s'ya sa mood?

'Grabe na iyan, Labs. Inaraw-araw mo na ang pagiging moody.'

Dahil nakatingin pa rin ito sa amin ay hindi ko napigilan ang sarili ko na bumulong sa hangin ng 'sorry po, ma'am'.

Nakita ko namang umirap ito bago ipinagpatuloy siguro ang sinasabi n'ya kanina.

"So, as I was saying, Sir Bonie asked me to supervise your section while he's away. I've posted the activity that Sir Bonie assigned to all of you. Please read the directions carefully and answer it. Understood?"

PROFESSOR SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon