Nang iminulat ko ang aking mga mata para silipin ang reaksyon niya, nagulat ako dahil nagtama ang aming mga paningin. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko, pero parang nagliliyab ang mga mata niya sa init na namamagitan sa amin. Parang ang dami nitong gustong ipahatid at sabihin sa akin na hindi niya maisaboses.
Nang maubusan kami ng hininga, agad kong binitawan ang kanyang mga labi at malalim na hinabol ang aking hininga, na siya ring ginawa niya.
Malalim na paghinga lamang ang maririnig sa apat na sulok ng opisina, mainit din ang atmosphere sa paligid.
Dahil sa namagitang halikan sa pagitan namin, hindi ko mahanap ang boses ko at alam kong ganoon din siya. Malalim niya akong pinagmamasdan na siyang naging dahilan para makaramdam ako ng hiya.
Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa nangyari. Nakakahiya! Lahat ng hiya ko sa katawan ay lumabas noong mapagtanto ko ang nangyari.
Ibubuka ko na sana ang mga labi ko para sabihing lalabas na muna ako nang maunahan niya ako. "Ahm..." Kaya wala na akong nagawa kundi manatili.
"Let's eat now. Masamang pinaghihintay ang pagkain," sabi niya nang normal na para bang walang nangyari.
'Ay? Ganoon-ganoon na lang iyon?'
'Hindi ba namin pag-uusapan ang nangyari kanina?'
Napakurap-kurap pa ako noong talikuran niya na ako at dumiretso na sa sofa at umupo.
Kahit naguguluhan, naglakad na rin ako palapit sa kanya at umupo sa harap niya. Naglaho na rin ang mga tanong sa isipan ko at pinagsawalang-bahala na muna ito.
Binuksan na niya ang baunan ko at hinawakan ang kutsara at tinidor. Ako naman ay ankatanga lang na pinoproseso ang mga nangyayari sa utak ko.
Nang susubo na ito, tumingin muna siya sa akin at nilisikan ako ng mata na para bang sinasabi niya na kumain na ako. Agad ko namang hinawakan ang kutsara at sinandukan ang lasagna para kainin.
Pagkasubo ko nito, nagpatuloy na siya sa pagkain. Halos tumigil pa ako sa pagnguya para pagmasdan ang magiging reaksyon niya.
Napangiti naman ako ng bahagyang kuminang ang mga mata niya. Ayokong mag-assume pero hindi ko mapigilan...
Malamang ay nasarapan siya dahil naging tuloy-tuloy rin ang pagsubo niya. Kumukuha rin siya ng isda at isinasabay ito sa gulay at kaunting kanin.
Magana siyang kumain kaya parang nahawa ako at nagpatuloy na rin sa pagkain.
"Hmmm, yummy," ang madalas na reaksyon ko sa tuwing kinakain ko ang mga pagkain niya na galing sa kaparehas na restaurant. Ang alam ko, kaibigan daw ito ni Ma'am, iyong isa sa mga prof na kasama niya noon sa tuwing kakain siya sa cafeteria.
Ngayon kasi ay hindi na niya nasasabayan ang mga ito dahil madalas na kami ang magkasabay.
Lumipas ang mga minuto, napuno ng katahimikan ang paligid habang kumakain kami. Tunog lamang ng kutsara at tinidor ang maririnig. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtaka kung anong nararamdaman niya sa mga nangyari. Wala siyang kahit na anong pinapahiwatig sa mga kilos niya na para bang normal lang ang lahat.
Napawi ang ngiti ko at bumalik ang mga tanong sa aking isipan. 'Kaya ko bang umarte ng normal tulad niya gayong apektado ako sa namagitan sa aming halikan? Nalilito ako at naghihirap sa sitwasyon ko ngayon...' Ang kaninang kilig at saya na nararamdaman ko ay naglaho kasabay nang pag-usbong ng takot sa aking dibdib nang maalala kung ano ba ang puno't dulo nito. Iyon ay ang usap-usapan na may asawa na siya.
Siguro ay napansin nito ang biglang pagkawala ko ng ganang kumain kaya napatingin ito sa akin ng may kunot sa noo. "What's really happening to you?" seryosong sabi nito at binaba na rin ang kutsara at tinidor na hawak.
'Tayo... Ano ba talaga ako para sa inyo?'
Hindi naman ako makasagot sa tanong niya at nanatili lamang tahimik kahit na marami akong gustong itanong at sabihin.
"What now, you're giving me that stupid silence again?" nauubusan na siya ng pasensya sa akin.
Lalo namang umurong ang dila ko sa takot sa kanya.
Hinampas niya ang lamesa gamit ang kanyang kamay na nagdulot ng malakas na kalampag sa kwarto. "F*ck, answer me!" galit na sabi nito.
Pinipilit kong magsalita at sagutin siya pero hindi ko mahanap sa utak ko kung ano ba ang dapat na sabihin.
"Galit po ba kayo?" wala sa sariling tanong ko rito kahit na napaka-obvious naman na galit siya sa inaakto ko.
Sa tanong ko ay lalong dumiin ang tingin niya sa akin at nag-grit ng teeth. 'Ang hot kahit galit.'
"What do you think, Alisha? Huh?" sa pangalawang pagkakataon ay tinawag niya ako sa pangalan ko, sayang dahil sa tuwing babanggitin niya ito ay may bahid ng pagkairita sa boses niya.
"Opo, prof."
Dahil sa sinagot ko ay napahilamos na lang siya sa sarili. Sorry naman kung hindi ko masabi talaga kung anong nais kong sabihin kaya puro katangahan na lang ang lumalabas sa bibig ko.
Siguro ay hindi na niya matiis ang inis niya sa akin kaya tumayo ito kahit hindi pa tapos kumain at mistulang lalabas pero nagsalita ako kaya napatigil ito saglit. "Prof, hindi pa po kayo tapos kumain. Saan po kayo pupunta?"
"Shut up, you finish eating your food, fix that damn table, then you can go to your next class. Do not come here later; you may go home first and rest," mahaba niyang litanya na may bahid pa rin ng inis sa boses.
"Po? Pero po—" naputol ang sasabihin ko nang tuluyan na siyang lumabas at binalibag pa ang pinto na naging dahilan ng pagkagulat ko.
"So ako pa may kasalanan ngayon imbes na siya? Luh, labo!" naibulalas ko na lang.
Kinain ko naman ang mga tirang pagkain kahit nawalan na ako ng gana. Bad kasi ang magsayang ng food. Mahal kaya ang bilihin at maraming tao ang nagugutom. 'Pero kanina nag-iinarte ka!'
Pagkatapos kong kumain, agad kong niligpit ang mga pinagkainan namin. Hindi na siya bumalik kaya malungkot kong inaayos ang mga pinagkainan na kadalasang siya ang gumagawa. Ewan ko ba sa kanya, minsan mas feel ko pa na ako ang amo kaysa sa kanya. Masyado siyang maasikaso kahit na laging seryoso.
Pinatay ko ang aircon at fan, agad din akong lumabas at ni-lock ang pinto. Bitbit ko ang bag ko habang naglalakad sa hallway na wala sa sarili.
'Napapadalas na ang pagkawala ko sa sarili, hindi na ito maganda...'
Gaya ng sinabi niya, agad kong tinahak ang daan papunta sa next class ko. Ilang minuto na lang rin naman at mag-aala-una na. Habang naglalakad, naisipan ko munang pumunta ng restroom para umihi at magsalamin. Mag-toothbrush na rin ako para naman fresh pa rin ang breath ko.
Sa paglalakad ko, napadaan ako sa hallway kung saan papunta sa opisina ng isa sa mga kaibigan ni Prof. Smith. Agad akong nagtago sa gilid ng pader bago lumiko sa hallway nang makarinig ako ng pamilyar na boses.
"Ganoon na lang iyon? Akala ko ba nakalimutan mo na siya kaya ka nakipagrelasyon sa akin?" Nanlaki ang mata ko sa narinig at napasilip pa para kumpirmahing siya ba talaga iyon.
Napasinghap ako kaya napatakip ako ng aking bibig sa nakita. 'Hala! Kate, ano iyon? Bakit may pa ganon?' Sakto kasing pagsilip ko ay nakita kong hinatak ni Kate ang isang hindi ko maalalang tao at hinalikan niya ito ng mariin. Hindi naman pumiglas ang propesora at hinayaan lang siya.
"Gagi, bakla ka rin pala!" Wala sa sariling sabi ko na medyo napalakas kaya napatigil ang dalawa sa ginagawa. Nang lingon na silang dalawa sa gawi ko, agad akong nagtagong muli sa pader at nagmadaling maglakad paalis doon.
'Chizmiz pa, hindi ka tuloy nakaihi,' kastigo ng sarili kong utak sa ginawa kong kademonyohan. Tama ba iyong nakinig ako sa usapan ng iba? 'Siyempre tama!' Minsan talaga contradicting ang utak ko, kaya minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.
Mabilis akong naglakad dahil naiihi na rin ako. Malayo pa ang susunod na CR kaya kailangan ko talagang magmadali, baka abutan ako ng time.
Hindi ko alam kung nakakatulong ba itong pagtangatangahan ko para ma-divert ang atensiyon ko sa iba para huwag na siyang isipin.
Ang hirap kasing gumalaw, dahil sa tuwing mawawalan ako ng ibang iniisip, siya bigla ang gugulo sa utak ko.
Ang daya lang dahil malamang sa malamang ako lang ang napapa-isip sa aming dalawa.
Nang makapasok ako sa CR, agad kong ginawa ang mga nais kong gawin at pagkatapos ay tinungo ko agad ang next class ko. Sakto namang pagdating ko ay padating na rin ang prof namin sa subject na ito. Agad kong nilibot ang mata ko kung nandito na si Kate pero to my disappointment ay wala siya. 'Hmpt, inuna niya pa talagang ituloy ang naudlot nilang kainan!'
Pero na-realize ko lang na friendship goals talaga kami, HAHAHA.
BINABASA MO ANG
PROFESSOR SMITH
General FictionDisclaimer This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. a/n: I'm not a professi...