CHAPTER 1

114 2 0
                                    

Chapter 1
Her POV
Nasa park ako ngayon para makipagkita sa boyfriend ko. May sasabihin akong importante sakanya na hindi ko alam kung ikatutuwa nya o hindi.

Habang naglalakad ako ay nakita ko na siya kasama ang manager nya. Mukhang naguusap pa sila kaya hindi muna ako nagpakita.

"Kailangan mo na syang hiwalayan, Bry. Hindi ka pwedeng magkaroon ng girlfriend habang nagsisimula ka pa lang sa career mo." Yung manager niya

"Pero hindi ko kaya, Xi. Hindi na lang ako sasali sa grupong yan para wala nang problema." Sabi ni Bry ang boyfriend ko.

Pero kung hindi sya sasali sa grupong iyon ay hindi din nya matutupad ang pangarap nya at wala syang mapapatunayan sa mga magulang nya.

"Nakapirma ka na Bry wala na iyong bawian." Namromroblemang saad ng manager nya.

Napagpasyahan ko nang magpakita dahil hindi ko din naman kinakaya ang naririnig ko. Kailangan gawan ko ng paraan para matupad nya ang pangarap nya. Ayokong maging sagabal sakanya.

"Bry..." Tawag ko kaya napalingon silang dalawa. Lumapit sakin si Bry at agad akong niyakap. Hahalikan nya na sana ako pero lumihis ako.

Kailangan mong gawin ito para sa ikasasaya nya. Para sakanya rin ito.

"Bakit?" Tanong nya dahil sa ginawa ko. First time iyon kaya maninibago talaga sya.

"Magbreak na tayo." Panimula ko pero tumawa lang sya.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Nagpapatawa ka na naman eh." Sabi nya habang tumatawa. Gusto ko na ding bawiin ang sinabi ko pero kelangan kong maging matatag.

Baby pasensya ka na kailangan nating magsakripisyo para sa pangarap ng daddy mo.

"Seryoso ako Bry magbreak na tayo." Walang emosyon kong sabi.

"Haha nakakatawa, babe. Bakit ba ganyan lumalabas sa bibig mo ngayon?" Halatang naiinis na sya sa mga sinasabi ko pero wala akong magagawa.

"Hindi na kita mahal." Mabilis kong sabi habang nakayuko ayokong tignan sya sa mata. Mahal na mahal kita, magiging daddy ka na nga eh.

"Nagjojoke ka lang eh---" agad ko syang pinutol sa sasabihin nya." I'm not" Ramdam ko ang pagpatak ng luha ko pero mabilis kong pinunasan.

"Okay magbreak na tayo ibibigay ko na lang ang Lamborghini ko sa barkada ko. Hindi ko din naman natapos ang pustahan." Sa sinabi nya bigla akong napatingin sakanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang nakatitig lang sakanya.

"Pinagpustahan ka namin. Tutal maghihiwalay na lang din naman tayo gusto ko lang sabihin na hindi din naman kita mahal simula pa nung una. Hindi lang kita kayang hiwalayan dahil sa Lamborghini ko." Hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan sa sinabi nya.

*Pak*

Sinampal ko lang naman sya at hindi ko na napigilan ang luha ko. Sunod sunod na itong tumulo.

"Akala ko iba ka. Akala ko mahal mo ako. Hindi naman pala." Iyak ko pero sya parang wala lang.

"Pasensya ka na ha. Hintayin mo na lang ang mga naibigay mo sakin ibabalik ko ang mga iyon sayo bukas. Tsaka alam ko namang pangit ako umasa lang talaga akong kahit ganito ako ay mamahalin mo pa rin pero hindi pala. Sana maging masaya ka at matupad mga pangarap mo." Tumigil muna ako sa pagsasalita dahil nauubusan ako ng hininga.

"Magiging masaya talaga ako dahil hindi ko na makikita lagi ang mukha mong pangit." Dun na ako nagsimulang tumawa habang umiiyak pa rin. Mukha na akong baliw dito pero keri lang.

"Wag kang mag-alala hindi mo na ako makikita pagkatapos nito." Tumango lang sya.

Bago ako tumalikod ay tinitigan ko muna sya tsaka ngumiti ng mapait. Sana nga maging masaya ka sa pinili mo.

"Baby pasensya na hindi kita mabibigyan ng masaya at kompletong pamilya. Hindi naman pala kase talaga ako mahal ng daddy mo eh. Pero wag ka mag-alala aalagaan kitang mabuti." Kausap ko sa tyan kong wala pang umbok.

I'm 3 weeks pregnant kanina ko lang nalaman dahil galing ako sa doctor para sa medical ko dahil magboboard exam na ako sa makalawa. Sana pumasa ako para maging lisensyadong doctor na ako.

Wala na din kase akong magulang kaya wala rin akong malalapitan ngayon. Wala na rin siguro ang kuya ko kinalimutan nya na siguro ako kaya hindi na nya ako binalikan. Okay lang yun hindi naman masakit hehe.
Masyado bang malungkot ang buhay ko? Masyadong madilim at masakit. Ganun talaga siguro.

Bumalik ako sa apartment ko at doon na nagmukmok. Kahit naman gusto kong magwala o kahit ano ay hindi pwede. Ayokong mastress dahil nakakasama sa baby yun.

Magiging matatag ako para sa anak ko. Hindi ko na rin siguro sya ipapakilala sa ama nya baka itakwil lang sya. Ayokong makaranas sya ng sakit na dulot ng iisang lalaki, ang ama nya. I'm sure nagsasaya na ngayon barkada nya dahil nasakanila na ang favorite lambo ni Bry. Mahal na mahal ko pa rin naman sya pero kailangan ko na siguro mag move on. Para na rin kay baby kakalimutan ko na ding nakilala ko sila at magbabagong buhay na ako.
Sisimulan ko sa paglimot sa kuya kong mukhang kinalimutan na ako. Hindi na ako binalikan eh. Sana masaya na sya sa buhay nya. Ilalaan ko ang oras at buhay ko sa baby ko and I'll make sure magiging okay sya nang wala ang ama nya. Magiging okay kami.

Itatago ko ang anak ko hangga't maaari. Pero susuportahan ko pa rin si Bry sa career nya kahit hindi na ako ang nasa tabi nya.

I'm Max Rayleigh Takahata Moon, half Japanese and half Korean but living here in the Philippines. 20 years old future doctor. I'm pregnant and still wants to take the board exam for med. I want to tell everybody that I made a very good decision earlier. To beak up with my boyfriend to make him pursue his career. pero nagkabaliktad ang nangyare. Niloko ako, pinagpustahan, ang malala pa doon ay hindi nya ako mahal.

Ayos lang masaktan pero hindi maiiwasang mastress kaya minsan naiisip ko na lang paano kaya nalalagpasan ng mga tao ang pagiging stress sa bagay bagay? Lalo na ngayon kelangan ko malaman ito para maiwasan kong mastress baka maapektohan ang baby ko. oh well matutulog na lang ako iwas stress yun.

To be continued...

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon