CHAPTER 11

64 1 0
                                    

Bright's POV

Makalipas ang ilang araw ay madami ang nangyari. Hindi ako tinigilan ng daddy ko sa school. Kahit si tito ay lagi akong binibigyan ng lunch ko. Nagpupunta na din si daddy and tito sa bahay sinusuyo si mommy. Okay naman na si mommy sakanila pero ayaw pa rin paawat sa pagtratrabaho. Nakikita ko ang pagbabago ni mommy.

"Here's your lunch, bright. Ito card para kung may gusto kang bilhin mabili mo." Sabay bigay sakin ni tito grey sakin ng lunch box at isang black card. Kinuha ko ang card at tinignan.

Pangalan ko ang nakalagay ibig sabihin sakin talaga ito.

"Ito naman bigay ng daddy mo. Hindi sya makapunta ngayon dahil inaayos nya ang company nila may bagong project kase sila. Sabi nya gamitin mo daw yan sa kung anong gusto mo. Kumain kang mabuti ha ubusin mo yang lunch mo ako nagluto nyan." May binigay ulit syang kulay gold na card and isang black. Ang dami namang card netu.

"Thank you, Mr. Grey---" me

"Call me papa." Pagtatama nya sakin.

"Thank you papa." Ulit ko.

He kissed my head bago umalis. Ako naman naglakad na patungong cafeteria para kumain. Matignan nga itong mga card. Dalawang black and isang gold. Magkano kaya laman nito? Hehe curious lang. Hindi ko kase alam mga ito syempre bata pa ako ano.

"Hmm...vip??" Nakalagay din ang name ko sa gold card pero may Lee sa dulo. BRIGHT PAINNE MOON LEE ang nakalagay.

"Bright!! Dito!!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Nasa cafeteria na pala ako dko namalayan.

Lumapit ako sa table nila ate Hailey. May mga kasama sya dalawang lalaki at isang babae. Kumaway ako.

"Hello po mga ate and kuya" sabay ngiti pagkaupo ko.

"Ang cute mo naman how old are you? I'm Jake Silvester nga pala tawagin mo na lang akong kuya Jake." Pakilala nya

"Ako naman po si Bright, 10 years old po." Ngiting ngiti ako habang nagpapakilala.

"I'm fate tapos yang kumakain si Wayne." Pakilala nung isang ate.

"Ano yang hawak mo?" Tanong ni ate Hailey sakin habang nakatingin sa hawak kong cards.

"Ah bigay po ni tito kanina bago ako pumunta dito ate." Sagot ko habang nilalagay na sa wallet ko tsaka ko naman nilabas ang baon ko.

"Grabe naman ang yaman mo kung ganun." Nagtaka ako sa sinabi nya magkanu ba laman ng mga card na yun?

"Oo nga alam mo bang unlimited yang black card tapos ang gold ay for vip's lang. Ipapakita mo lang yang vip card mo sobrang aasikasuhin ka na ng mga tao." Mahabang paliwanag ni ate fate.

Kung ganun hindi ko gagamitin mga yun. Itatago ko na lang. Nakakahiya kung magastus ko laman nun.

"Ay grabe ang sarap naman nyang ulam mo." Pagtingin ko sa nagsalita si kuya Wayne lang pala. Ubos na nya pagkain nya.

"Kuya gusto mo po? Madami po akong lunch kase naghanda si mama tapos binigyan din ako ni tito. Etu oh hati tayo kuya." Sabi ko habang naglalagay na sa plate ni kuya wayne.

"Wow thank you. Ang bait mo naman." Sabi nya tsaka kumain na si kuya wayne

Kumain kami ng tahimik at masaya dahil sa kakulitan ni kuya wayne. Ang cute nga nya eh.

After lunch ay bumalik kami sa room para klase na ulit. Yung lesson tapos ko na rin namang basahin yun pero nakinig pa rin ako baka may makuha akong wala sa libro.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon