CHAPTER 4

84 1 0
                                    

A week later***

Max's POV

Nasa hospital ako ngayon at may kasalukuyan kaming inooperahan ngayon.

"Doc pasensya na po sa isturbo pero si Bright po." Biglang pumasok ang nurse na mukhang natataranta pero ako kalmado lang.

"Ano yun?" Tanong ko habang nagtatanggal ng gown. Pinaubaya ko na sa mga kasama ko ang pagtatahi sa pasyente.

"Doc si Bright po kase sinugod po dito nasa kabilang OR po sya ngayon." Hindi ko na sya pinatapos at tumakbo na ako papuntang kabila para tignan ang anak ko.

Pagpasok ko nakita ko ang anak kong nakahiga sa operating table habang tinatahian sa ulo at may mga gasgas sa katawan. What happened to my baby?

"Doc Max she's out of danger now. Natanggal na namin ang bubog at ililipat na namin sya sa private room." Kalmadong sabi ni doc John sakin habang tinitignan ko si Bright.

"Thank you so much doc." Sabi ko tsaka lumabas ng OR

Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko sa waiting area. Si Bry, isang babae yung fiance nya, ang bata sa concert na may gasgas sa tuhod. At ang mga kagrupo ni Bry andito din si kuya na mukhang nagulat pa nang makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng babae mukhang kilala nya ako sa tuno ng boses nya.

"Nagopera lang. Eh kayo?" Casual kong tanong.

"Pwedeng gamutin mo ang inaanak namin, doc? Tinulak kase nung batang babae." Sabi ng isang lalaking kasama nila. Nakikita ko sila sa kwarto ni Bright noon pero hindi ko alam pangalan nila. Ngayon wala na ang mga picture sa kwarto ng anak ko dahil binasura namin gusto ngang sunugin pero pinigilan ko.

"Kung hindi ba naman kase tanga ang batang iyon edi sana wala sya sa loob ng OR at hindi sana magkakasugat ang anak ko." Si Bry

Ah so ito pala ang dahilan bakit nasa OR ngayon ang anak ko.

"Ah yung batang babae na inoperahan sa ulo." Kalmado pero madiin ang pagkakasabi ko. "Sa sinabi mo Mr. Lee, nakakastrike 3 ka na." Taas noo kong hinarap si Bry na nakakunot ng noo.

"Wala akong pake sa batang iyon, gamutin mo na lang ang anak ko." Utos nya kaya walang imik kong tinitigan sya gusto kong umiyak at sabihing wala syang karapatan para sabihin iyon pero nagulat ako napatayo sila nang bumukas ang pintuan sa OR.

"Doc kamusta ang batang dinala namin dito?" Si kuya ang nagtanong. Aasa na sana ako na may
malasakit sya samin kaso wala na palang pag-asa.

"Maayos na sya, sir. Pinadala na namin sya sa private room for relatives of the doctors." Sagot nya tsaka tumingin sakin si doc John. "Doc hinahanap ka na ni Bright puntahan mo na. Ang lakas talaga ng batang iyon nang gisingin namin sya ay kinukulit pa ako. Nasakanya ang ipad ko ngayon doc pakibalik na lang mamaya." Mahabang saad ni doc sakin habang nakangiti.

"Thank you, doc." Pasasalamat ko "No problem Ray alam kong magiging magaling na doctor ang batang yun. I recommended your daughter sa kaibigan ko and he wants to meet her. Gusto nyang mag take ang anak mo ng exam para sa med school. I know she's only 4 years old kaya hihintayin nya ang bata. Gotta go." Mahabang kwento nya habang naglalakad kami. Hindi namin pinansin ang mga taong matagal na akong nilimot.

Pumasok ako sa room kung nasaan ang anak ko. Nadatnan ko syang may tinitignan sa iPad mukhang ito yung sinasabi ni doc John.

"Anak musta na pakiramdam mo? May masakit ba sa ulo? Sinabi sakin na nagkulit ka daw pagkagising mo." Sunod sunod kong tanong kaya napatingin sya sakin.

"Mommy I saved Mr. Lee's happiness." Ngumiti sya pero nakita kong may tumulong luha galing sa mata nya.

"You're so kind to do that baby." Niyakap ko sya at dun na sya umiyak ng tudo.

"Mommy he's happy naman diba? I'm sure naman dun kase hindi napahamak ang nag-iisang anak nya." Nakayakap lang sya sakin at hindi naman ako nagsasalita.

"Baby I want to ask you something." Tanong ko

"Ano yun mommy?" Tinignan ko sya pero umiiyak pa rin.

"Gusto mo bang magdoctor talaga? Anytime you want may ipapakilala ako sayo. Friend sya ni doc John you know him diba? Your ninong John recommended you sa friend nya and that friend of him ay gusto kang makita. Gusto ka nyang tulungan pumasok sa med school. Anytime you want baby." Mahabang paliwanag ko sakanya

"Pag 10 years old na ako mommy. Gusto ko muna magenjoy sa pagiging bata." She's so matured.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon