CHAPTER 16

84 2 0
                                    

Bry's POV
I'm so wasted. Nasaktan ko na naman si Max lalo na ang anak namin. Napakatanga ko kase hindi ko napansing mas inuna ko ang pagsasalita nya ng masama. Ayoko lang lumaki syang ganun gusto ko maging mabait sya. Pero hindi ko namalayang mali ang nagawa ko. Ngayon hindi ko na alam kung paano ko susuyuin ang mag-ina ko pero susubukan ko.

Ayokong kamuhian ako ng husto ng anak ko. Pinaalis ni mom si Trix at ang bata. Napakatanga ko talaga at nagpaloko ako.

"Papapalitan natin ang last name ng batang iyon, anak. Masyadong mayabang at ang totoong apo ko pa ang niyabangan nya." Kinwento kase ni Grey sakanya ang nangyari at galit na galit si mom.

"I'm sure nasa bahay na sila ngayon. Wag ka munang magpakita sakanila Bry. Masyadong nasaktan ang dalawa. Ikaw naman kase inuna mo pang suwayin ang mali ng anak mo kesa sa protektahan sya." Napapasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa sinabi nya.

May mali ako alam ko yun. Kailangan ko nang itama ang lahat bago pa ako tuluyang iwan Ng mag-ina ko. Ang t*nga ko din kase talaga. Hindi naman kase ako agad nakabawi at hindi ko naipagtanggol ang mag-ina ko.

Umalis na si Grey para samahan ang mag-ina ko sa bahay nya.

"Doc, please let me get out of this hospital! I need to see my daughter please!" Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ayaw akong idischarge ng doctor na nakaassign sakin.

"Anak, isang araw lang naman. Hintayin na lang natin. Hindi naman lalayo sila Max eh." Napalingon ako.

"Mom! Hindi sila lalayo pero yung loob ng anak ko siguradong lalayo sakin kapag hindi ko pa sya pinuntahan!" Napasigaw ako because of frustration.

"Don't shout, Bry!" Mom

"Eh sumisigaw ka din naman mom." Nakasimangot kong sabi.

"May problema na nga nagagawa mo pa talagang mamilosopong tao ka." Bumalik na lang ako sa kama dahil wala naman akong mapapala kung makikipagaway pa ako at pipilitin ang doctor na yun na palabasin na ako.

KINABUKASAN

Lalabas na kami ng hospital ngayon at plano kong dumiretso sa bahay nila Grey.

"Mom, bili tayo ng pagkain sa Jollibee. Pasalubong kay Bright." Sabi ko kay mom na ngayon ay inaasikaso ang mga gamit namin.

"Sige bibili tayo pero kailangan mo munang magpalit. Ano gagawin mong souvenir yang hospital gown?" Napatingin ako sa suot ko.

Napatampal na lang ako sa noo ko nang marealize ko na suot ko pa rin ang hospital gown ko. Pagtingin ko kay mom nagpipigil sya ng tawa nya.

"Mom, let it out. Baka mautot ka." Umirap ako.

"HAHAHA napakalutang mo anak. Yan ba nagagawa ni Max at Bright sayo?" Hindi ko na lang pinansin si mom. Masaya sya eh. Saya nya.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon