CHAPTER 6

74 1 0
                                    

Grey's POV
Nasa vip room na kami ngayon. Gabi na at kapag hindi pa nagising bukas si Zyra ay idedeklarang comatose ito. Umiiyak pa rin si tita at itong si Bry nakatulala lang sa mga kamay nya.

"Lalabas lang po ako." Paalam ko at hindi na naghintay ng sagot nila.

Pupuntahan ko si Ray para kausapin sya. Madami akong nakakasalubong na bumabati sakin pero deretso lang ako.

Walang ano ano kong binuksan ang pinto kung saan ang kwarto ng anak ni Ray. Nakita ko silang naglalagay ng gamit sa loob ng isang hindi kalakiang bag.

"Ah sir, aalis na po kami. Pasensya na po. Aalis na din ako sa trabaho gaya ng sabi nyo. Wag po kayo mag-alala hindi na po kami magpapakita sa Inyo." Sabi nya habang sinasara ang zipper ng bag.

Tinignan ko ang batang babae na nakatayo sa tabi nya. Wala na ang dextrose pero yung bandage sa ulo nya ay meron pa. Mukhang kalilinis lang din ng mga galus nya sa katawan.

"Sige po aalis na kami. Salamat sa work, Mr. Grey. Pasensya na ulit." Ngumiti sya pero halatang peke. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam saan magsimula.

"Babye po Mr. Grey! Sana po maging masaya kayo nila Mr. Bry kasama ang batang babae sa concert. Masaya po kaming makita kayong masaya lahat lalo na si Mr. Bry na daddy ko pala pero mukhang walang pake sakin. I'm glad naligtas namin ni mommy ang happiness nyo." Ngiting ngiti ang batang babae na ito pero tuloy tuloy na tumutulong ang luha nya.

Anak sya ni Bry? Pero paano?
Hindi ko namalayan na wala na sila sa harapan ko. Kaya tumakbo ako palabas at nakita kong pumasok sila sa locker room ng mga doctors dito kaya sinundan ko.

"Teka!" Sa sobrang lakas ng pagkakabukas ko ng pinto ay hindi ko alam na may tinamaan na ako. Sinilip ko ang likod ng pinto ay naestatwa ako sa nakita ko.

Si Ray habang nakahawak sa tagiliran nya. Sya ang tinamaan ng door knob ng pinto.

"I-im sorry--" pinutol nya ang sasabihin ko

"Ayos lang po, sir. Sige po kinuha ko lang ang mga gamit ko."nilagpasan nya ako.

St*p*d Grey! You're so st*p*d! Napasabunot na lang ako sa buhok nang makaalis sila. Wala na akong maihaharap na mukha sakanila. Nasaktan ko si Ray not only emotionally but also physically. I'm such a bad brother and uncle to my niece.

Ilang minuto pa akong tumambay sa loob ng locker room para pahupain ang sakit na nararamdaman ko. Walang wala ito sa nararamdaman nilang mag-ina.

"Ah sir, pinapabigay po ni Ray." May nilapag syang bracelet at kwintas. Ito yung bigay ko sakanya bago kami nagkahiwalay. "Ito rin po pala." May nilapag ulit syang papel sa harapan ko tsaka sya nagpaalam na aalis na.

"Mr. Grey Takahata Moon,
I just want you to know na masaya akong madami kang friends at successful, Mr. Grey. Ito na siguro ang huli kong kausap sayo, sir. Hindi na kita tatawaging kuya dahil mukhang limut mo na rin naman ako, Mr. Grey. Siguro ito ang wish mo ngayong birthday mo ang umalis ako sa buhay mo at hindi na masaktan ang kinikilala mong kapatid. Aakuhin ko na lang lahat ng kasalanan sana maging masaya ka pag nawala na kami. Bright Painne Moon ang pangalan nya. Alam kong kakalimutan mo din sya pero sasabihin ko pa rin ang pangalan nya kahit dito lang maipakilala ko sya sayo. Binabalik ko na ang mga binigay mo sa akin noon dahil alam kong tinatakwil mo na ako, kami ngayon.

Goodbye and happy birthday, Mr. Grey.

Max Rayleigh"

Habang binabasa ko ang sulat ay hindi ko mapigilang umiyak. May isa pang sulat na maliit mukhang pinunit lang ang papel na ito.

"Hi Mr. Grey, ako po si Bright. Sabi ni mommy birthday mo daw po. Happy birthday! Congratulations for your successful career. Your happiness was saved by me and I'm happy sa ginawa ko. Goodbye po!"

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa mga nangyari. Sunod sunod at hindi ko na alam kung sino ang papanigan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang tauhan ko. I need to know the truth sa nangyari kay Zyra.

Bry's POV

Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. Nasampal ko ang pinakamamahal ko. Nasaktan ko ulit sya pero ngayon physically na. Pero mas mahal ko ang kapatid ko dahil sa ginawa ni Max ay comatose ngayon ang kapatid ko. Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya pero may parte sakin na gusto syang kausapin.

Pumasok si Grey dito sa kwarto ni Zyra. Ano nangyari dito? Ang pula ng mata nya mukhang umiyak.

"Tol anyare sayo? Umiyak ka ba?" David asked na hindi pinansin ni grey

"Wala na sila." Huh? Pinagsasabi nito?

"Sino?" Zin habang kumakain ng grapes

"Si doc Max. Bry may tanong ako." Bigla akong napalingon sakanya.

"Ano yun?" Ako

"Naging kayo ba ni doc Max?" Nagulat ako sa tanong nya. Saan nya napulot yan?

"Sagutin mo ako Bry naging kayo ba?!" Mas nagulat ako nang sumigaw sya. Buti na lang lumabas sila mom at Zane kasama ang anak namin.

"Y-yes pero matagal na. 4 years ago pa." Sagot ko

"BRO!!" Nagulat kami nang bigla nyang inihagis ang cellphone nya. Wasak na wasak.

"Alam mo ba kung ano ang buhay nya bago sya naging doctor?" Tanong nya pero nakakatakot sya ngayon. Naging kalmado sya pero ramdam namin ang galit nya.

"Oo. Na-naglalabada, waitress s-sa b-bar at--sh**!" Napasigaw ako sa gulat nang bigla nyang sinipa ang sofa na kinauupuan naming tatlo habang sya nakatayo.

Hindi namin alam kung anong nangyayare kay Grey kaya nagkakatinginan na lang kami ngayon.

"D-did you know? You made a very big mistake, Bry. Ginalaw mo sya at iniwan sa ere. Niloko mo sya. You told everyone that you have a daughter, only daughter. Sinabi mong wala kang pake sa nagaagaw buhay na batang iyon dahil sa pagligtas sa anak mo. Wala kang pake sakanila. Pinaramdam nating lahat na walang wala sila." Pahina ng pahina ang pagkakasabi nya.

"Ano ba nangyayare sayo grey? Walang wala naman talaga sila ah mas mahalaga ang anak ko at ang kapatid ko." Napatingin sya sakin. Hindi ko alam saan nanggaling ang mga sinabi kong yun.

"Alam mo bang dalawang babae ang nasaktan mo? Nasaktan natin. I reviewed the cctv footage and hindi nya kasalanan na nahulog ang kapatid mo. Malayo sya sa kapatid mo nang nahulog ka." Mahinahon nyang sabi. He's crying and that's really new to us. Hindi sya umiiyak sa harapan namin.

"Sabagay wala na rin naman tayong magagawa kahit nalaman pa natin ang totoo. Wala na sila haha. It's my birthday and tomorrow's her birthday." Huminga sya ng malalim bago tumayo sa pagkakasalampak sa sahig. "I'll be leaving this group. I can't be happy if they're not happy. You can continue being an idol but I'm leaving." Deklara nya na naging dahilan ng pagtutol nila David and Zin

"Teka grey! San ka pupunta?" Sumunod kami sakanya sa labas

"Hahanapin ko si Ray and Bright." Sagot nya na ikinatigil namin.

Hindi na namin sya nasundan dahil nagsara na ang elevator. Ano nang gagawin namin? Grey's the leader of our group hindi pwedeng wala sya.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon