CHAPTER 5

78 1 0
                                    

Grey's POV

Nakatingin lang ako sa papalayong babae na tinawag na Ray ng doctor na lalaki. Dalawa ba silang may pangalan na Ray dito?

Napatingin ako sa mga kasama ko. Ayos na ang inaanak namin tulog na sya. Pero yung batang babae na tinawag ng doctor sa pangalang Bright sya ang nagligtas sa anak ni Bry. Pero hindi man lang nakapagpasalamat. Sinabihan pang wala syang pake sa bata.

"Ang cute talaga ni Bright ano?" Biglang may nga lumabas na nurse mula sa loob ng OR.

"Oo nga eh matalino pa. Alam lahat ng sagot sa tanong natin eh sa medical books lang yun nakikita." Hinarang ko sila sa paglalakad nila at nagtanong.

"Ano ang pangalan ng ina ng batang inoperahan sa loob?" Mabilis kong tanong. Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Ah si doc Max po?" Tumango ako.

"Max Rayleigh Takahata Moon po ang buong name nya pero kapag nasa OR ay doc Max ang tawag namin. Mga seniors lang namin ang tumatawag sakanya na Ray, sir." Mahabang sagot ng babaeng nurse.

"Eh ito anong pangalan nito?" Tanong ko ulit habang pinapakita ang picture ng nagpakilala saking kapatid ko.

"Ah yan po si doc Lorey Rivera isa pong pediatrician yan. Ang tawag naman po sakanya ay doc Rey. Magiingat po kayo dyan dahil masyadong magastos." Lalaking nurse naman ang sumagot.

Hindi ako makapaniwala. Ang babaeng iyon ang kapatid ko. Tinangka kong tanggalin sa trabaho, pinabayaan ko ang anak nya. Hinayaan ko syang sigawan ng mga kasama ko.

"Sa-salamat, makakaalis na kayo." Pasasalamat ko. Tumingin ako sa mga kasama ko na ngayon ay pinapatahan ang anak ni Bry dahil masakit daw ang sugat nya. Nagaalala sila sakanya pero hindi sa batang nahulugan ng bote. Kung hindi dahil sakanya ay ang anak ni Bry ang nahulugan at nabasagan ng bote sa ulo.

Walang paalam akong naglakad patungo sa mga private room for the doctor's relatives. Syempre alam ko kung asan ito dahil ako naman ang may ari nito.

"Baby pasensya ka na kung tayong dalawa lang sa buhay. Wala kang daddy, walang tito, walang Lolo at lola, wala tayo nun." Rinig ko mula sa loob. Nasa pintuan na ako at handa nang buksan pero napatigil ako sa narinig ko.

"Mukhang kinalimutan na kase ako ng kuya ko iba na kinikilala nyang kapatid. Ang daddy mo wala din namang pake satin dahil may iba na sya. Ayos lang yun magiging masaya pa rin tayo dahil masaya sila... Kahit tulog ka lumuluha ka pa rin ganun ba kasama ang panaginip mo ngayon? Life must go on baby kahit kinalimutan na tayo ng lahat. Mahal na mahal ka ni mommy." Hindi ko na natuloy ang pagpasok at tumalikod na lang para umalis.

Huli na siguro ako masyado ko na siguro syang nasaktan ng hindi ko namamalayan. Noong nakita ko sya sa mall kaharap ang nagpanggap na kapatid ko na nakahawak sa pisngi nito, pinaban ko sya sa mall. Nung nakita ko sya sa restaurant na kinainan namin at inaway sya ni Rey ay hindi ko sya pinagtanggol, nasaktan ko pa nang akmang sasampalin niya si Rey nasampal ko sya.

"Bro andyan ka na pala uwi na tayo." Nakayuko ako habang derederetso lang palabas ng hospital."huh hintay grey!" Wala akong pinansin kahit sino sakanila kahit tinatawag ako.

"Kuya aalis ka na? Diba bibilhan mo pa ako ng new car?" Doon ako napalingon. Dahil sa babaeng ito nasaktan ko ang totoong kapatid ko and now I'm late. It's too late to say sorry for all the bad things I did.

"You're fired, REY. And stop calling me kuya dahil alam ko na ang totoo that your are fake." Sabi ko bago makalabas at dali-daling nagpunta sa van. Wala na akong pake sa pinaguusapan ng mga kasama ko habang papasok sa van.

"Daddy she pushed me like this oh! She's so masama. She deserves what happened to her---"bago pa matapos ng batang ito ang sinasabi nya ay pinutol ko na.

"Stop talking." Cold kong sabi tsaka pumikit at iniisip lahat ng ginawa ko sa baby sister ko.

"Bakit ganyan ka grey? Nagkwekwento lang ang anak ko. Wala naman syang ginagawa sayo ah nagsasabi lang sya ng totoo." Napadilat ako sa sinabi nya.

"No wonder anak mo nga sya nagmana sayo. Masama din ang ugali." Pranka kong sabi at kita ko na masama ang tingin ni Bry sakin

"Pansin ko lang ha tinanong mo ang pangalan ng babaeng iyon kanina. Bakit Grey gusto mo ba yung malanding iyon?" Nagpipigil ako ngayon. Dahil ayokong manakit ng babae. Nasaktan ko na ang kapatid ko at huli na iyon.

D ko na sya pinansin at natulog na lang.

KINABUKASAN

Nasa Hospital ako ngayon kasama si Bry dahil andito daw ang kapatid niya. Dahil sira naman ang elevator ay naghagdan na kami.

Max's POV

Habang pababa ako ng hagdan dito dahil sira naman ang elevator, may napansin akong nakahiga sa hagdan.

"Ah miss baka mahulog ka dyan. Umalis ka dyan." Nagaalalang sabi ko. Isang maling galaw ay mahuhulog talaga sya.

"Bashit acho aalish?*hik*" mukhang lasing ito ah. Bakit nasa hospital ito kung lasing sya dapat nasa bahay na sya or sa ER may mga extra bed naman dun.

"Miss wag kang humalaw hintayin mo ako dyan wait lang." Mabilis akong nakababa pero hindi pa ako nakakalapit sakanya ay bigla syang tumagilid at gumulong na pababa.

"Miss!/Zyra!!" May nagkasabay akong sumigaw. Boses ni Bry

Tumingin ako sa paligid ko. Cctv nakaopen sya, si doc Rey, at pagtingin ko sa baba ay nakita ko ang galit na mukha ni Bry at k-kuya ko na nakatingin sakin.

"Hindi, mali iniisip nyo." Mabilis kong turan at umiiling pa

"Pag may nangyaring masama sa kapatid ko, wag na wag ka nang magpapakita sakin." Bry at mabilis na tumakbo pababa habang buhat ang babae kanina habang si kuya ay nakatitig lang na parang walang emosyon.

Yumuko na lang ako at naglakad pababa. Nagkakagulo sila sa OR dahil sa floor sa ito ay ang OR.

"Doc yung kapatid ni sir Bry kailangan maoperahan sa ulo may namuong dugo sa loob." Hinila na ako ng Isang scrub nurse. Nakita kong nasa waiting area si Bry pero hindi nya ako napansin.

"Doc??" Anaesthesiologist

"Gagawin ko. Simulan na natin." Sabi ko tsaka nagsimulang mag opera.

Wala ako sa sarili habang nagsasabon kanina parang namamanhid ako.
Tatlong oras ang operation and successful naman. Pero may possibility na comatose ang pasyente. Inutusan ko na ang nag assist saking doctor ang lumabas at magbigay ng balita.

Ilang sandali pa ako sa loob bago lumabas. Pagkalabas ko ng OR ay hindi ko inaasahan si kuya kasama ang vip patient ko at si Bry.

*Pak* namanhid ako sa ginawa ni Bry. Sinampal nya ako.

"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kapatid ko, Max. Umalis ka na at wag magpakita sakin kahit kailan." Tumungo lang ako at hindi nagsalita.

"Ija bakit mo ginawa sa bunso ko iyon?" Mama siguro nila. Hindi ko naman kase nakilala ang pamilya nya dati eh.

"You're fired. Umalis ka na sa hospital ko." Walang emosyon na sabi ni kuya.
Tumango ako sa mga sinabi nila

"sorry. Hindi nyo na ulit ako makikita." Sabi ko tsaka umalis sa harapan nila. Ang sakit.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon