CHAPTER 8

72 2 1
                                    

Grey's POV
Nasan na kaya ang mag-ina na yun? Hindi ko pa rin sila mahanap hanggang ngayon. Simula na naman ng pasukan sa med school na pinatayo ko matagal na. Nakapag conduct na kami ng entrance exam at lahat na. Kailangan na lang enrollment para makapagsimula na.

Ilang taon na rin nang huli ko silang makita. Kamusta na kaya sila? Umalis ako sa pagiging idol and nagfocus sa business. Si Bry hiwalay na sa fiance nya dahil nalaman na nyang hindi nya anak ang batang iyon. Nagpatuloy pa rin sila sa pagiging idol at tinatawag na silang the trio ngayon.

Papalabas na nga pala ako ng hospital ngayon dahil may tinapos akong meeting sa loob. About sa another branch ng hospital.

"Bili na po kayo ng cookies masarap po ito!" Boses ng batang babae

"Anak ano ka ba naman bakit ka nandito? Hala uwi! Niluto ko yan para sayo hindi para ibenta." Teka pamilyar ang boses nya

"Pero mommy gusto ko tumulong kumita ng pera. Wala na po tayong bigas na isasaing bukas eh." Sumakay ako sa sasakyan ko at dahan dahang pinaandar.

Gusto ko makita kung sino ang mga iyon.

*Tok-tok-tok*

Binaba ko ang window ng kotse ko.

"Ah sir, bili na po kayo cookies masarap po---" hindi nya natuloy ang sinasabi nya.

"Bright! Halika na sabi naku pagpapawisan ka---" napatigil din sya sa pagsasalita.

Nakasuot sya ng lumang dahil na may butas butas pa habang yung short naman parang pinutulan lang na pants. Si Bright naman nakasuot ng maayos na damit. All this time andito sila?

"Ray..." Sabi ko pero tumalikod na sya kahit si Bright.

Kaya lumabas ako ng kotse at hinabol sila.

"Ray sandali!" Tumigil sya kaya napatigil din si Bright. Nakayuko lang habang nakatalikod si Ray

"Aeh pasensya na kung nakita mo kami Mr. Moon aalis na kami." Hinila nya si Bright habang naglalakad sila palayo.

"Hi Mr. Grey pasensya na po." Nagbow pa sya at umalis. Hindi ko na sila napigilan.

Pumasok na ulit ako sa kotse at dahan dahang sinusundan sila kung saan sila uuwi.

Ilang sandali pa ay pumasok sila sa isang apartment na sira sira na. Dito ba sila nakatira? Bakit dito? Makakasama sakanila madaming lamok.

Tumambay ako ng ilan pang sandali doon bago ako umalis.

"Kyle, gusto kong bantayan mo itong mga 'to. Ito ang address. Ireport mo lahat sakin mga ginagawa nila." Sabi ko sa isang tauhan ko. Nahanap ko na sila.

"Yes boss." Sagot nya bago umalis.

KINABUKASAN

"Boss nasa med school nyo po sila ngayon. May kasamang dalawang lalaki." Report sakin ni Kyle. Nasa board meeting ako ngayon pero may earpiece ako ngayon.

"Okay dismiss." Sabi ko tsaka lumabas agad.

Pupuntahan ko sila. Anong ginagawa nila sa med school? Magaaral ba ulit si Ray? Pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan ko para agad makadating sa school.

Nadatnan ko silang kasama dalawang lalaki. Teka! Si doc John yun ah. Alam nya kung nasaan sila Ray all this time? Halata ang pagod sa mukha nya.

Lumabas ako ng kotse ko at nilapitan sila. Hinawakan mo agad si Ray baka tumakas na naman.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko na ikinayuko nya.

"Aalis na lang kami, sir." Hindi ko maiwasang masaktan sa pagkakasabi nya.

"Ililipat na lang natin si Bright." Ano ibig nilang sabihin?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro hahayaan ko muna sila pero babantayan ko sila.

Umalis na lang ako para wala nang gulo. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata nya.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon