CHAPTER 14

86 2 0
                                    

Max's POV

6 months later...

"Bry please wake up. Magising ka lang bati na tayo." Kausap ko kay Bry na nakahiga ngayon sa hospital bed.
Anim na buwan na syang nakahiga dito. It's a miracle na nabuhay sya akala ko ay iiwan na nya kami.

Sa anim na buwan na iyon ay nagkabati kami ni kuya. Nakilala ko ang parents ni Bry at kilala na din nila ang anak namin. Si Bright ay kasalukuyang nasa school ngayon at napapansin kong nagiging matamlay sya tuwing nakikita nya ang daddy nya. Naiintindihan ko naman iyon dahil ngayon na lang nya naranasang magkaroon ng complete family pero heto ang daddy nya at nakahiga sa hospital bed.

"Ija, kailan ba talaga magigising ang anak ko?" Sabi ni tita, ang mom ni Bry.

"Hindi po ako sigurado pero magigising po sya hintayin lang po natin." Sagot ko habang nakahawak sa kamay ni Bry.

"Namimiss ko na ang anak ko. Mabuti na lang at nandyan kayong dalawa at hindi ako nabuburyo dito." Napangiti ako. Napalapit na kami ng anak ko sa kanya ng husto.

Napatingin ako sa daliri ni Bry nang bigla itong gumalaw habang hawak ko ang kamay nya. Is this a sign? Oh my ghad!

"Bry? Bry!" Tawag ko sakanya kahit si tita ay nataranta na rin at lumabas para tumawag ng doctor habang ako ay minomonitor kung magmumulat sya.

Dahan dahan syang nagmulat ng mata na agad kong ikinangiti at unti unting tumulo ang luha ko.

"Bry, you're back." Iyak ko at ngumiti naman sya.

"I'm back." Nahihirapan pa rin syang magsalita kaya bulong lang ang narinig ko.

Inabutan ko sya ng tubig at saktong dumating ang mga doctor. They just checked kung okay sya o kung may mga complications. After that umalis na sila.

"Kailangan pa palang may mangyari sakin bago mo ako patawarin. Bago ka bumalik sakin." Inirapan ko nga.

"Loko ka pa rin ano?" Naiiyak pa rin ako.

"Don't cry, babe. Buhay ako oh Hindi pa ako patay---aw hahaha!" Napalo ko sya sa kalokohan nya. Magbibiro na nga lang buhay nya pa ibibiro nya.

"You really love each other ano?" Napangiti lang ako sa sinabi ni tita.
"I always love her mom."

Pinupunasan nya mga luha ko habang sinasabi ang mga katagang iyan sa kanyang ina.

This is the first time na sinabi nya iyon sa harapan ng mom nya.

"Ma! Nandi--- daddy!" Napalingon kami sa kakapasok lang.

My daughter's crying while looking at her father. Tumakbo sya palapit kay Bry and niyakap sya. Masaya akong kompleto na ang anak ko ngayon wala nangkulang sakanya.

"Dad ang tagal mo po." Iyak nya. Ito namang loko nyang ama tatawa tawa.

"Wag mong iexpose ang katawan ng daddy sa mama mo. Baka bigla syang magpropose sakin." Natawa ako dahil sa higpit ng yakap ni Bright sa kanya ay natatanggal na ang tali sa likod ng hospital gown nya.

Lumabas muna si tita at si kuya para bumili ng makakain. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang mag-ama na naglalaro sa ipad ni Bright. Ito ang pangarap ko noon ang makitang sumaya si Bright kasama ang ama nya. I didn't expect na mangyayari ito. Akala ko kase hanggang panaginip na lang dahil may fiance at anak na sya noon. Nasan na kaya ang mag-inang yun ngayon?

"Daddy, look at my score hahaha mas mataas sakin kesa sayo." Tawang tawa si Bright sa ama na mukhang mababa ang score sa nilalaro nila.

Napapakamot na lang ng batok si Bry dahil sa pangaasar ng anak.

"Kanina pa sila naglalaro?" Si kuya nakadating na pala sila at may mga bitbit silang mga pagkain galing Jollibee. Request siguro ni Bright.

"Ah oo kuya nagaasaran nga sila eh." Tinulungan ko syang ihanda ang mga pinamili nila ni tita.

"Anak tama na muna iyan at kakain na tayo." Tita

"Ah yes ma tapusin lang namin 'to." Natawa ako sa sagot nya mukhang bumalik sya sa pagkabata sa inaasta nya.

Ganyan kase sya noong nag-aaral pa lang kami. Laging naglalaro ng online games. Adik dati yan sa mga ganun at mukhang isa iyon sa namana ni Bright sakanya.

Ilang sandali lang ay natapos na sila sa paglalaro at inabot ko na ang pagkain nya.

*Blag*

Napalingon kaming lahat sa pinto nang may marahas na nagbukas nun. Anong ginagawa nila dito

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon