CHAPTER 13

66 2 1
                                    

Max's POV

Agad kong dinaluhan si Bry na nakahiga na ngayon sa kalsada. Asan ang nakabangga sakanya? Nagkalat din ang ilang mga chips at nabasag ang isang bote ng coke. Bumili ba sya?

"Tumawag na ba kayo ng ambulansya?" Mahinahon kong tanong dahil hindi nakakatulong ang pagpapanic ko ngayon.

"Papunta na daw." Sabi ng tindera sa tapat namin.

"B-babe." Napatingin ako kay Bry nang magsalita sya.

Dumudugo ang ulo nya pero nagagalaw nya ang mga kamay at papa nya.

"I-i'm s-s-sorry f-for hur-ting y-you..." Hindi ko mapigilang umiyak habang tinatakpan pinanggagalingan ng dugo.

"Stop talking Bry." Matigas kong sabi.

"Y-you c-ca-lled m-me b-by my n-ame a-gain. I l-ove you---" napaubo sya kaya mas lalo akong naiyak. Ayoko ng ganito.

"Wag ka nang magsalita please. Sa ulo ang tama mo Bry. Kung kailangang bumalik ako sa pagoopera gagawin ko kaya manahimik ka... I love you." Bulong ko sakanya.

"Ija ayan na ang ambulansya." Nakita ko ang dati kong mga katrabaho.

"Doc Max anong nangyari?" Tanong ng isang nurse.

"Major head injury. He needs an urgent operation." Tumango sila habang pinapasok si Bry sa loob ng sasakyan. Sumama din ako dahil hindi ako binibitawan ni Bry kahit nakapikit na sya.

Habang nasa byahe ay kinakausap ko lang si Bry para hindi sya matulog. Hinahayaan kong gawin nila ang trabaho nila.

"Bry, you need to be strong. Your daughter needs you. Kailangan ka namin. I'm sorry nagmatigas ako sayo." Iyak ko nakita ko namang ngumiti sya pero halatang nasasaktan.

Ilang minuto lang ay dumating kami sa emergency room ng dati kong pinagtratrabahuan.

"He needs an operation. Where's doc John?" Tanong ko sa Isang nurse na abala sa pagcheck sa isang matandang babae.

"Doc, wala pong available na neurosurgeon ngayon nasa OR silang lahat." Sagot nya

"Available OR?" Tanong ko

"Meron po ma'am." Nagpasalamat ako tsaka tumakbo na papuntang OR. Sumunod naman ang mga kasama kong nagtutulak sa stretcher ni Bry.

Pumasok ako sa loob at dumiretso sa isang room na nakita kong si Doc John ang nagoopera.

"Max! What're you doing here? Bawal ka dito." Napalingon silang lahat sakin pero wala akong pake.

"Bry's in danger. He needs an operation and walang available kaya ako ang gagawa. Pumunta ka after close that doc." Walang paalam akong lumabas at nagtungo sa kabilang room.

Hindi na ako nag aksaya ng panahon at nagpalit na. Pinatawag ko din ang dating anaesthesiologist na nagaassist sakin. Umiiyak man ay kailangan kong iligtas si Bry. Ayokong iwan nya ko ulit. Ayokong umiyak ang anak ko.

"Welcome back, doc Max." Bati sakin ng anaesthesiologist. Tumango lang ako at nagsimula na kami pero ilang minuto lang ay bigla kaming napatingin sa monitor.

*Tit-tit-tiiiiiiiiiiiiiit~* (pasensya na sa tunog)

No! Bry wag kang sumuko!

Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak habang patakbong sumampal sa operating table at magsimulang irevive si Bry

Please, stay with us Bry. Kahit ngayon lang!

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon