CHAPTER 17

77 3 0
                                    

Bry's POV

Sayang wala si dad dito. Busy yun eh wala na ngang time samin ni mom kaya hetu at naggagala si mom at nagpapakabusy pero sakin naman nagpapakabusy eh malaki na ako.

"Mom, tama na baka masobrahan ka." Saway ko dahil hanggang ngayon hindi sya matigil sa kakatawa.

Pasensya naman kung ganito ako kaapektado kila Max. Mahal ko eh. Nasa byahe na kami papunta sa bahay nila Grey. Nakabili na din kami ng mga pasalubong sa anak ko. Bumili pa ako ng medical books para lang sakanya. Baka sakaling magustuhan nya.

"Andito na po tayo, ma'am, sir." Ngumiti ako kay manong Ben, ang driver namin. Ganito sya lagi kapag may pinupuntahan kami. Lagi nyang sinasabi kung nandun na kami o kung ilang oras pa.

"Thank you po manong Ben. Tawagan ka na lang po namin kapag uuwi na kami." Sabi ko pagkababa namin ni mom at tumango lang sya tsaka ngumiti.

"Mom, doorbell na." Sabi ko nang mapansin kong nakatayo lang si mom.

"Inuutusan mo na ako?" A*sh!

"Hindi po mom. Kayo po kase ang may free hand. Eh ako kase walang free." Sagot ko

"Ah oo nga ano?" Ay sya naman ang naging lutang ngayon hahaha!

Tatawa tawa ako ngayon pero kinakabahan ako sa magiging reaction nila kapag nakita ako.

"Ay ma'am set! Kayo ho pala. Pasok ho pasensya na natagalan sa pagbukas galing pa ho kase ako sa kwarto ni Bright. Ayaw kumain ng batang iyon." Tinulungan nya ako sa mga bitbit ko.

"Manang kelan ang huling kain ni Bright?" Nagaalalang tanong ko habang papasok kami sa bahay nila Grey.

"Ay naku ser, kagabi pa ho. Ayaw nga bumaba kaya hinatidan ko pero hindi ginagalaw yung pagkain." Sagot nya. Sobrang nagiguilty ako dahil sobrang apektado ang anak ko sa nagawa ko.

Sana mapatawad nila ako agad. Dahil hindi ko kayang magtagal ang galit at tampo nila sakin.

"Bry, Anong ginagawa mo dito?" Pagpasok namin sa kusina ng bahay ni Grey ay nadatnan namin sya ditong nagluluto.

"Susuyuin ang mag-ina ko." Sagot ko tsaka nilapag ang mga pagkain sa table.

"Nagluluto ka na Grey ah. Dati umaasa ka lang kay manang." Ewan ko pero ako lang ba nakapansin sa pagiging madaldal ni mom.

"Nagpapaturo pa lang po tita." Tumango si mom sa sagot nito.

Nagkwentuhan silang tatlo doon. Si manang, grey and mom. Tinuturuan din nila itong magluto dahil wala talagang alam sa pagluluto iyon. Nagtanong ko na din naman kung saan ang kwarto ni Max dito dahil plano kong sya ang uunahin kong suyuin para matulungan ako sa anak namin.

Nagtungo ako sa 2nd floor ng bahay at pinuntahan ang room na sinabi ni Grey.

*Tok-tok-tok*

"Sino yan?" Kahit isang araw lang ay namiss ko agad ang boses nya.

"Manang kung Ikaw yan pasok ka na lang." Akala nya yata si manang ang kumakatok pero pumasok pa rin ako kahit hindi ako si manang.

"Max." Tawag ko pagkapasok ko na ikinalingon nya.

Napakaganda nya pa rin pero halatang namamaga ang mata nya.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon