CHAPTER 7

67 1 0
                                    

Max's POV

6 years later***

Papunta kami ngayon sa Med School para sa entrance exam. 10 years old na ang anak ko at sya mismo ang nagsabing ready na sya for med school. Sa murang edad nya ay magaaral na sya sa nakakastress na paaralan. Lumipat lang kami ng apartment pero mas maliit na kumpara sa dati. Tinigil ko na din ang pinapagawa kong bahay namin. Hindi na din ako nag work as doctor dahil alam kong makikita nila ako pag sa hospital ulit ako nagtrabaho.

Nagtitinda ako ng mga pagkain sa palengke like pansit, mga ulam ganun. Nagbebake din ako ng cookies para ibenta sa mga private schools. Naglalaba din ako basta madami. Bumalik ako sa pagiging mahirap, walang pera ganun. Hindi ko ginagamit ang naipon kong pera sa pagiging doctor noon. Inipon ko iyon para sa pagaaral ni Bright.

"Anak alam kong matalino ka na pero galingan mo pa rin. Love ka ni mama." Paalala ko bago sya pumasok sa gate ng school dahil dito kami sa labas maghihintay kasama ibang parents.

"Mommy, hindi ko bibiguin si ninong John and tito Sky. Magiging proud ka din mommy." Ngiting ngiti sya habang sinasabi yan.

"Matagal na akong proud sayo." Hinalikan ko noo nya bago sya maglakad ulit.

Tinawagan namin si doc John nung isang araw para sabihin na handa na si Bright. Pinatest muna sya nila Sky bago sya isabak sa med school dahil gusto nyang malaman kung gaano kataas ang IQ ni Bright. Hindi din naman kami makapaniwala sa resulta. Kaya pala ang talino ng anak ko dahil 160 ang IQ nya at meron din pala syang photographic memory. Gulat na gulat din si doc John. Bagay na bagay daw kay Bright maging doctor.

*Ring-ring* (cp ko yan)

Sky calling~

"Ano Max start na ba ang exam?" Yan ang bungad sakin ni Sky pagkasagot ko. Ayaw nyang tinatawag ko syang sir kaya sky na lang daw.

"Magstart pa lang." Sagot ko habang nakatingin sa gate na nakasara.

"Papunta na kami...ano ba kuya John bilisan mo naman...oo na teka." Nakakatawa talaga ang magbarkadang ito

Doc John is 2years older than us. Same age lang kami ni Sky.

"Ingat sa byahe. Bye nagtitinda muna ako." Paalam ko narinig ko naman silang nagtatalo kaya pinatay ko na lang ang tawag.

Nagtungo ako sa tabi ng gate at nilapag ang basket ko na naglalaman ng mga pansit at spaghetti. Matagal pa matapos ang exam kaya tinda muna sulitin ko na sa dami ng tao.

"Pansit, spaghetti po bili na kayo tig 20 pesos lang po isa." Medyo nilakasan ko ang boses ko para makatawag ako ng pansin.

"Ay ija buti naman at may pagkain na. Pabili ng limang pansit at tatlong spaghetti para sa mga batang kasama ko." Sabi ng isang ginang na kalalabas lang ng van na nakapark sa isang tabi.
Kumuha ako ng plastic tsaka doon nilagay ang mga pagkain.

"Ito po, ma'am." Dumukot sya sa wallet nya pero nagulat ako nang isang libo ang inaabot nya sakin. Wala akong panukli.

"Ah ma'am wala po akong panukli dyan." Sabi ko pero ngumiti lang sya

"Keep the change ija." Kinuha ko ang binibigay nya. Tatanggi pa ba ako?

"Thank you po ma'am." Pasasalamat ko bago sya tumalikod at pumasok ulit sa van na nakabukas.

"Ate pabili nga dalawang spag." Kumuha ako ng dalawa sa basket ko.
"Ito p---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pagtingin ko sa taong bumibili ay si Sky lang pala."oh ito spag." Sabi ko tsaka bumaling sa papalapit na babae

"Ate bilhin ko na po lahat gutom na kase yung mga bata dun." Sabay turo nya sa mga batang nangangalakal

"Ito po oh. Salamat po" binigay ko sakanya ang sampung natira sa tinda ko.

Mabilis akong nakabenta sabi na okay na okay magtinda dito eh.

"Max salamat dito ang sarap." Tinanguan ko lang si doc John sa sinabi nya.

Ilang oras pa ang lumipas at lumabas na ang mga nagtake ng exam. May mga umiyak at may mga nakangiting lumabas. Huling lumabas ang anak ko sa liit nya para syang naligaw lang hahaha.

"Mommy!! Pumasa ako!" Yumakap sya sakin at tumalon talon pa

"I'm happy for you baby super proud ako." Sabi ko habang tumatalon pa

"Tito Sky makakapag Med na din ako. Ninong John pahiram ako ng mga books mo ha." Masayang sabi nya.

Sobrang saya nya at ngayon ko na lang sya nakitang ganyan kasaya. Simula nung umalis ako sa pagdodoktor at hindi na kami nagpakita sakanila ay hindi na din ngumiti ang baby bright ko.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon