CHAPTER 18

85 2 0
                                    

Max's POV

*Tok-tok-tok*

"Sino yan?" Tanong ko baka kase si manang. Baka tapos na magluto. Sabi ko kase ako na lang ang papasok sa kwarto ni Bright para pakainin sya.

"Manang kung Ikaw yan pasok ka na lang." Wala kaseng sumasagot sa labas. Nasa may study area kase ako inaaral ko yung assignment ni Bright. Interesting kase.

"Max." Napatigil ako sa pagbabasa nang may tumawag sa pangalan ko.

Lumingon ako pero parang pinagsisihan ko pa. Anong ginagawa nya dito? Nagkatitigan kami pero ako na ang unang umiwas.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Babe, I'm sorry." Hindi naman ako dapat ang hingan nya ng sorry kundi ang anak namin.

"I don't need your sorry, Bry. Kung ako ayus lang na masaktan ako. Sanay na ako dun pero si Bright ramdam ko yung tampo at sakit na nararamdaman nya ngayon." Hindi ko mapigilang umiyak dahil masakit makitang nasasaktan ang anak ko.

"Hindi ko sinasadya---" tumawa ako. Mukha na nga akong t*ng* sa itsura ko eh tumatawa habang umiiyak.

"Dapat kase pinagtanggol mo muna bago mo pinagalitan. Alam mo ba kung gaano sya nasaktan nang unang beses ka nyang makilala bilang ama? Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan nya? Walang utang na loob ang batang iyon at ang ina nya! Wala silang karapatang saktan ang anak ko, Bry! Kung Ikaw kaya mong tiisin yun. Ako hindi!" Sumabog na ako. Hindi ko na kinaya yung matagal ko nang kinikimkim na sakit.

Lumuhod sya sa harapan ko and hugged my waist. Binaun nya ang sariling mukha sa tyan ko. Begging for a chance that I can't give kung hindi sya kayang patawarin ng anak namin.

"I'm sorry. Kasalanan ko lahat. I'm sorry just please give me one more chance, babe. Please!" Tinakpan ko na ang sarili kong mukha dahil sa kakaiyak.

"You know naman na kaya kong ibigay ang lahat sayo. Kaya kong isuko lahat para sayo. Kaya kong magpakat*ng* para sayo. Pero hindi ko kayang maging masaya habang ang anak natin ay may kinikimkim na sakit dahil sayo." Mahinahon kong sagot sakanya habang umiiyak.

"I know, babe. I know. I'm also willing to give up everything for the both of you. I made a mistake and I'm sorry for that." Pinupunasan nya ang luha ko habang nakaluhod pa rin sya sa harapan ko.

"Ma? Pwede---" napalingon kami sa pinto nang bumukas ito.

"Bright/anak..." Sabay naming tawag kay Bright. Napapunas pa ako sa mukha ko dahil alam kong ayaw ni Bright na nakikita akong umiiyak.

"What are you doing here, DAD?" ramdam ko ang sakit nang tinawag nyang dad ang ama nya.

"Anak, please forgive daddy for all my mistakes. I'll give you anything you want mapatawad mo lang ako." Nakatingin lang ako kay Bry na nakarap na ngayon sa anak namin.

Tumingin muna sakin si Bright bago sya bumaling sa ama nya.

"You'll give anything I want?" Tumango si Bry.

"I want to have your last name. Make mommy happy again. Marry her. And don't go near sa mag-ina na iyon. If you can do lahat ng sinabi ko then I'll forgive you for everything, dad." Wala sa sariling tumango ang ama nya na ikinangiti ko. Under sa anak si Bry.

"Thank you Bright. I'll do everything and anything for the both of you. I won't promise but I'll do it." Nagyakapan silang mag-ama.

Ito yung isa sa mga pangarap kong makita. Ang makitang yakap nya ang ama nya.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon